Chapter 3: Crazy Kids

8 3 0
                                    

Braille Onix Yu's Pov

"Gising ba sya?" tanong na nagpagising saakin

Agad ko namang kinapa ang gilid ko at pinilit na bumangon

May tao, at base sa tanong nito hindi sya nag-iisa

"W-who's there?" magkasalubong ang kilay na tanong ko, habang nililinga ang wala din namang makitang mata ko

"Gising na gising na sya, Lan" may pagka-sarcastic na sagot ng isang boses

Yung matining ang boses. Teka nandito ba sila?

Napakunot ang noo ko ng mapansing parang malapit lang ang boses na naririnig ko, its as if they are here. Inside my room...

"Bulag ka ba?" tanong ng taong kaboses ni Iryll

Pinilit kong tignan kung saan ito. Pero wala talaga dahil madilim lang ang nakikita ko

"Iryll?" pagtatanong ko

Alam kong Impossible, pero hindi ko maiwasang umasa

"Huh?" sabay na react nila

"Sino yun?" rinig kong tanong ulit ng isa pang boses

Yung malumanay din na medyo panglalaki ang boses

"Yo, guys. Nanjan na si Einstein" tawag ng pamilyar na boses

Napalingon tuloy ako sa gawi ng boses at pilit na kinilala dahil pamilyar talaga ito sakin

"Bry?" tanong pa nito na ikinangiti ko

Sya nga!

"Zealan? Anong ginagawa mo dito?" Sa wakas may makakasama din pala akong kilala ko

Naramdaman kong niyakap nya ako, ngumiti ako. Hindi halatang namiss ako ng makulit na ito ah

"Bry! Ikaw nga. Bakit ka nandito? Nabalitaan ko ang nangyari sayo" doon nawala ang ngiti ko

Napakalas ako sa yakap at bahagya syang itinulak.

Hindi ko gustong pag-usapan ang tungkol doon, masakit parin eh

"I-i want to be alone" mahina pero seryoso kong turan

Pansin kong natahimik din ang paligid sa sinabi ko.

Alam kong baka iniisip na nilang masama ang ugali ko, pero hindi naman nila ako kilala, at ganun din ako sakanila, Kaya mas mabuti nga siguro ang ganito

"Tara na, Zee"

Malalim na napahinga si Zealan, bago ko naramdamang umalis sya sa pagkakaupo sa kama ko. Narinig ko din ang mga yabag nila paalis

"Nga pala, nice to meet you newbie. Sana sumama ka din saamin minsan, ako nga pala si Kara" rinig kong pakilala nung kaboses ni Iryll

Pilit ko naman syang nilingon sa naririnig kong boses nya

"Bo--"

"Boy, alam ko. Nagkita na tayo nung nakakakita ka pa" nagulat ako sa sinabi nya

Tumawa sya

"K-kailan?" hindi ko maiwasang itanong

Hindi ko maalala na may nakilala akong kaboses ni Iryll ah

"Last month?"

Huh?

But... that was when Iryll died. At naconfine ako. Pero wala talaga akong maalalang nakita o nakausap ko

#1 CWS: Two In A MillionWhere stories live. Discover now