Chapter 14: Chasing Kara Saki Konami

5 3 0
                                    

Braille Onix Yu's Pov

"W-what's going on?" nawala ang ngiting tanong ko ng makita ang mga kaibigan ko sa kwarto ko

Kompleto sila.

Well sort off, wala kasi si Mira at Kara. At dahil kasama ko si Rodnie, napatingin din ako sakanya. Pero nagkibit balikat lang sya na parang sinasabing hindi nya din alam

Mga mugto ang mata nila na parang galing sa mahabang pag-iyak. Kahit nga si Viel na tulala, umiiyak. Pero pinakamalala ang iyak nila Xiera at Ollie

Hindi ko tuloy maiwasang kabahan.

M-may nangyari ba ng mawala kami? Tsaka nasaan si Kara?

"KASALANAN MO ITO!" nanggagalaiting turo saakin ni Xiera na ikinatingin naming lahat sakanya

Akmang susugudin nya ako ng hawakan sya nila Zealan at Lanie

"Kasalanan mo kung bakit umalis si Kara! Paano mo nagawang ligawan sya kung wala ka naman palang nararamdaman sakanya ha?!" sumbat din ni Ollie

Wait, what? Anong umalis si Kara? At anong ligawan kung walang nararamdaman sakanya?

"T-totoo ba?" napatingin ako kay Viel, umiiyak parin sya "Totoo bang kaya mo niligawan si Kara kasi sya ang pinagbigyan ni Iryll ng puso nya? Pumayag ka sa pakiusap ni Tita Eva?" tanong nitong animo naiinis din

Lito akong napatingin sakanilang lahat

Ano bang pinagsasabi nila? Hindi ko naman niligawan si Kara dahil lang doon eh

"Sumagot ka! Sinabi ko sayong sya ang pinagbigyan ni Iryll! Yun ba ang dahilan?!" pagwawala nito kaya sya ang nilapitan ni Lanie

"Kumalma ka muna" rinig kong sabi pa ni Lanie

"Inaway ko ang kapatid ko para sayo! Kasi akala ko mahal mo talaga ang kaibigan ko.. pero sinayang mo yung tiwala ko" naptakip ito sa mukha na parang nagsisisi

Kaya agad akong napailing

"M-mali kayo, mahal ko si Kara..." naiyak na ding sagot ko

Paano ba nila naisip ang ganun? Tsaka paanong ganun din ang inisip ni Kara? Hindi nya ba naramdaman na mahal ko sya?

"Viel, alam mong si Kara na ang gusto ko simula palang. Bago mo pa sabihin na sya ang nakatanggap ng puso ni Iryll, paniwalaan mo naman ako. Please.." pakiusap ko

"Inaamin ko, may nag-utos saaking ligawan at pakasalan pa ang taong nakatanggap ng puso ng ex-girlfriend kong si Iryll. Pero hindi ko yun tinanggap, kasi alam kong hindi din yun ang gugustuhin nyang gawin ko eh" alala ko sa panahon na wala akong malay

Nung araw na nadisgrasya kami, napanaginipan ko sya nun. and she wants me to live my life. Kaya din hindi ako pumayag sa gusto ni Tita Eva. Bukod sa lolokohin ko lang ang sarili ko dahil hindi ko naman kilala ang taong pinagbigyan ni Iryll ng puso noon...

I'll also be fooling, Kara. At hindi ko yun kaya dahil mahal ko sya...

"Kung ganun naman pala, tigilan nyo na yan. Wag kayong nambibintang agad-agad" napalingon kaming lahat sa nagsalita

At nakita ko nga si Mira na mugto din ang mata

"Anong ginagawa mo dito?" masama ang tinging tanong tuloy ni Viel "Masaya ka ng napaalis mo sya?"

Pansin kong hindi pa sila ayos, pero si Mira mahina lang itong nginitian

"I didn't know anything about this, pero kung gusto mo ng ebidensya na ako parin ang Mira na kaibigan nyo at kapatid mo. I'm willing to help you find, Kara Saki" lingon nya saakin "Kung mahal mo talaga sya, hahabulin mo sya. Kahit gaano pa sya kabilis tumakbo" makahulugang payo nya

#1 CWS: Two In A MillionOù les histoires vivent. Découvrez maintenant