Chapter 9: When I Met You

7 3 0
                                    

Braille Onix Yu's Pov

"Hahaha! Bakit nagtapat ka agad? Ang awkward tuloy. Hahaha!"

Napasimangot ako sa pang-aasar ni Viel.

Asar, kanina pa sya nang-iinis. Malay ko bang may performance pa sya mamaya?

As it turns out, dalawa pala ang kakantahin nya. Simula daw kasi ng sabihin nya yun sa Mama nyang si Tita Vani. Naexcite ito at nagrequest na dalawang kanta ang kakantahin ng anak nya. And since dalawa yung gusto nyang ipagawa saakin, pumayag sya na fair lang yun

Hindi ako naiinis kay Viel, kundi sa sarili ko. Bakit ko nga ba hindi naisip na dalawa pala ang hiningi nyang kapalit? Tapos ginawa ko din agad. Hays

"Aww. Ayos lang yan, atleast nakapagtapat ka" tapik nya sa balikat kong ikinangiti ko na "Pero shit! Hahahaha! Sana vinideo nila mukha mo" Yun na eh. Akala ko concern talaga sya

Hindi ko na nga lang sya pinansin at itinuon ang atensyon sa program, kahit hindi ko nakikita ang paligid, nakakasigurado akong masaya ang mga tao sa nangyayari

"Nasaan na ang iba?"

Ramdam ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko pagkarinig sa boses na yun. Lalo pa yung nagwala ng maramdaman ko ang pagtabi nya saakin

"Cr daw, teka..." nakarinig ako ng click sa hindi ko malamang dahilan "Boy ngiti naman jan" tukso ng makulit

"Baliw, idelete mo yan. Hindi ako ready" tawa ni Kara

"Maya na, ipon tayo badshot" pilyang sagot ni Viel at patuloy kong narinig ang tunog ng camera

"Hype! Itigil mo yan, isa!" rinig ko pang sermon ni Xiera na ikinatawa ko na din

Natawa din naman ang iba, kaya sigurado na akong nandito na ulit sila. Halos sabay-sabay ding umihi eh

"Mamaya na, ang gaganda nyo parin naman eh"

Napailing nalang ako sa kakulitan nya. Hindi ko alam kung uminom na ba sya or pinapainom nila sya. Hyper sya ngayon

"Isa, isusumbong ka namin kay Tho--" banta ni Ollie

"Yan na nga oh!" bagsak ng isang bagay sa lamesa.

Natawa nalang ulit kami

Yun lang pala ang makakapagpatigil sakanya

"Ladies and Gentlemen, let's open our dance floor for the slow dance" announce ulit ng speaker, kasunod nun ang pagtugtog ulit ng panibagong kanta

"Pwede ba kitang masayaw?" rinig kong tanong ng isang lalaki sa table namin.

Mukhang may inaaya

"Sure?" nagtatakang sagot ni Ollie

"Si Daniel yun?" rinig kong tanong ni Mira

Nakakapanibago talagang tahimik lang sya. Para talagang nagkapalit sila ni Viel, these past few days

"Ata--"

"S-sayaw tayo?" sagot na sana ni Zealan ng mukhang ayain sya ni Rodnie

Narinig kong tumili ang dalawang kasama ko, sila Lanie at Xiera. May nanghampas pa nga ng lamesa eh. Si Lanie nanaman siguro. Sya naman ang mahilig manghampas, ang sakit pa ng kamay

"Hm" payag din ata ni Zealan, lalong lumakas tuloy ang panunukso ng mga kasama ko

"Yiieee team tagabutas! Here I come!" natawa kaming lahat sa sinabi ni Lanie

#1 CWS: Two In A MillionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon