Chapter 1: The Truth

13 3 0
                                    

Braille Onix Yu's Pov

Hindi ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang madilim. Napakadilim ng buong paligid. Napalingon ako sa kanan at nakakita ako ng liwanag na agad kong nilapitan

Bawat hakbang palapit, kinakabahan ako, kung saan yun papunta

"Braille..."

Agad akong lumingon sa pamilyar na boses na yun at nakita ko nga si Iryll

"Iryll" masayang yakap ko sakanya "Saan tayo? Bakit ang dilim dito?" hindi ko na napigilang itanong

Pero imbes na sumagot, ngumiti lang ito at bahagyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko

"Braille, makinig ka sakin. Ok?" kagat pa nito sa ibabang labi

What's going on? Kinakabahan ako sa kinikilos nya

"I have to leave you, pero sana tandaan mong mahal na mahal kita" tuluyan ng napaiyak na simula nya, kaya kahit nalilito pilit ko paring pinunasan ang luha sa pisngi nya

Anong sinasabi nyang aalis sya? Sasama na sya sa iba? Ganun ba?

"Gusto kong maglakad ka doon" turo nya sa likod ko

Lalong kumunot ang noo ko. Madilim ang daan na yun tulad ng paligid namin.

"Saan ka? Iryll, wag mo akong iwan please. Sasama nalang ako sayo" Pwede naman diba?

Umiling sya "Hindi pwede, Braille. May pag-asa ka pa" makahulugang turan nya "You need to go" nanlalaki ang mga matang tulak nya saakin ng makita ang isang maliit na liwanag

Lalo akong kinabahan, at the same time nasasaktan ako. Iiwan nya ako sa dilim na ito

Tumakbo sya palapit doon sa liwanag. Hinabol ko ulit sya at mahigpit na niyakap

"Please, don't go.." pakiusap ko "Don't leave me" lalo pang humigpit ang yakap ko

Ramdam ko ang pagtulo ng mga luha nya sa kamay ko. Pero inalis nya parin ang kamay ko sa pagkakayakap sakanya at humarap saakin

Tuluyan na akong umiyak ng makitang umiiyak sya.

Ayokong iwan nya ako, gusto kong makasama sya.

"Mahal na mahal kita..." lapit nya ng mukha sa mukha ko

Kasabay ng paglapat ng labi nya sa labi ko, ang pagtulo ng luha namin sa pisngi at patak nito sa kamay naming magkahawak

"But you have to leave..." nagulat ako ng itulak nya ako ng malakas

Sa sobrang lakas nun, hindi ko na namalayan kung nasaan ako napunta, basta nakita ko nalang na tumakbo na sya papunta sa liwanag at hindi na kailanman lumingon pa saakin

"Iryll..." bangon ko

Humabol ulit ako sakanya, pero kahit anong gawin kong takbo parang hindi na ako lumalapit sa liwanag at hindi din umaalis sa pwesto. Sa gitna ng dilim

#1 CWS: Two In A MillionWhere stories live. Discover now