"Anong ginawa mo! Shun!?..bakit ako nandito..and naked."naiiyak kong sabi. Wala akong tiwala sa kanya! Kahit pa kakambal siya ni Shan.

Kabit-balikat siyang tumingin sakin at akmang lalapit pero sinenyasan ko siyang huwag gawin.

"Shun..."natatakot na sabi ko na halos maiyak na.

"Baby, come on..hindi mo naalala lahat kagabi?"nakangiti at malagkit na sabi niya na mas ikinakaba at ikinatakot ng puso ko.

Damn it.

"M-merong nangyari?..b-bakit g-ginawa mo yon Shun!"nangagaliiting sigaw ko sa kanya, parang alam ko na ang kalukuhan niya kagabi!.

Hinanap ko ang mga damit ko pero nakita kong nagkalat na ito sa sahig.

"N-no...."mahinang bulyaw ko.

May ron ngang nangyari samin. Tumulo ang maraming butil ng luha sa mga mata ko.

Napatingin ako sa kanya na ngayon ay nag-aalinlangan ang itsura sakin.

"Jana--"

"Stop."pigil ko sa kanya "l-lumabas ka muna please." sabay pahid ko sa mga luha ko.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya at umupo siya sa may paanan ng kama.

"Lasing ka kagabi, hindi mo naalala lahat."panimula niya.

"Kaya pinasamantalahan mo rin ako?"asik ko sa kanya nagdilim naman ang mga titig niya sakin at ramdam ko galit niya.

"Janina, may pangangailangan ako okay?"inis na salita niya sakin "Im a playboy..but that doesnt mean na sasamantalahin ko ang kalasingan mo, ganon lang ba kababaw ang pagkakilala mo sakin?"natahimik ako sa sagot niya napaiwas tingin ako at ngayon ay mas naguguluhan na naman ako.

"Sabihin mong walang nangyari."mauturidad na sabi ko.

Nagtiim bagang siyang napatitig sakin bago nagsalita.

"Wala..dahil nirerespeto kita."mahinang sabi niya kaya napatahimik ulit ako "Dinala kita dahil nahimatay ka, hindi ko alam na nakahubad ka na pala sa dito okay."

"W-wala ng iba?"parang may pag-asang namutawi sa sinabi ko.

"Ibibigay ko sana ang shoulder bag mo last night pero sumama ka bigla sa isang lalaki."kwento niya pa na nakatiim bagang sa akin, agad ko namang naalala ang lahat na mas ikinahiya ko sa kanya ngayon. Nahihiya akong mag-sorry sa kanya dahil sa sinabi ko kanina.

"M-magbibihis lang ako..l-lumabas ka muna Shun."usal ko nalang bigla, narinig ko naman ang pagpilantik ng dila niya na para sakin ay napakadiring pakinggan.

"Sa kitchen lang ako, pumunta doon matapos mong magbihis." saka lumabas sa kwarto.

Napasin kong sumeryuso siya bigla ngayon sakin, napailing nalang ako nang kunin ko ang damit ko at nagbihis ng maayos bago lumabas sa kwarto niya, chineck ko muna ang shoulder bag ko bago bumaba.

Akala ko bahay to nila kung saan ay madalas naming bisitahin ni mommy pero hindi, iba ang ayos nito malaki ang bahay at napakalinis, nasa kulay white, brown at black lang ang desinyo.

Hinanap ko ang kusina niya namangha naman ako ng makita ko siyang nagluluto na nakasout ng boxer at sando lang.

Napatitig ako sa hitsura niya ngayon na nagluluto ng itlog, napatingin naman siya sakin kaya napaiwas ako.

"Sit."utos niya at sinunod ko naman.

Nilinga-linga ko ang paligid at masasabi ko na ang lahat ng bagay na nakahilera sa sulok ay napakamahal, sa unang tingin palang ay masasabing kong napakamahal ang mga bagay na nasa loob ng bahay nato.

Dati Kana Sakin (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin