Chapter Twenty

7.1K 245 3
                                    

TAHIMIK LANG na nakasunod si Harriet sa paglalakad. Nasa harap niya ang anak na hanggang ngayon ay karga karga pa rin ni Van. Nagtataka at gulat pa rin siya sa mga kilos na pinapakita ng binata, pero hindi siya umimik at nagsalita para magtanong.

'Maybe later kapag hindi na nakayapos ang anak ko sa leeg nito.' Saad ni Harriet sa isipan.

Naunang umuwi si Ericka sa kanya dahil may nakaabang na trabaho itong naiwan sa condo nila. Habang siya ay parang tuta na sumusunod lang sa binata.

"Bahay mo ba 'to?" Basag ni Harriet sa katahimikan habang nililibot ang paningin sa buong paligid.

"Yes." Maikling sagot ng binata sa kanya habang dahang dahang inilalapag ang anak sa malaking sofa. Nakatulog na pala ito sa balikat ng binata.

Nilapitan niya ang anak at mahinang hinaplos ang buhok nito. She feels pity for her son and mad to her self. Masyado pang bata ang anak niya para maranasan ang kalupitan sa mundo. At nagagalit siya sa sarili niya dahil hindi niya man lang nagawang maipagtanggol ng maayos ang anak niya.

"I'm sorry baby" mahinang bulong ni Harriet sa anak at hinalikan ang noo nito. Pagkuwa'y tumayo at hinarap ang binatang kanina pa nakamasid sa kanya.

"So you have a child." It's not a question. It's a statement.

Huminga ng malalim si Harriet at matapang na tiningnan sa mata si Van. "Yes. I have a child. He is my son."

"What is his name? How old is he?" Sunod sunod na tanong ni Van sa kanya. Pero sa kaloob-looban ng binata ay parang nakikipagkarera na ang puso nito sa kaba.

'His wife have a son! A son who is almost look like him when he was a kid!' Sigaw ni Van sa isipan at pasimpleng pinahid ang namumuong malamig na pawis sa kanyang noo.

"Gavin. His name is Gavin. He is turning 3 years old next month." Sagot ni Harriet sa binata.

Harriet knows na sa pag-amin niya ay ang pagtatapos ng kahibangan at init na nararamdaman nila ng binata. Hindi sila pwede. May anak siya at binata si Van. Hindi bagay ang isang katulad niya sa isang Giovanni Rios na hinahabol at kinababaliwan ng mga babae. Van deserves much better. A single and clean woman. Yung walang sabit at hindi siya ang babaeng iyon.

"Uuwi na kami ng anak kapag magising siya." Malamig na saad ni Harriet at hindi pinansin ang biglang pagdidilim ng paningin ng binata sa harap niya.

"I won't let you." Madiing saad ni Van kay Harriet. Nagpupuyos sa galit ang loob ni Van dahil sa sinabi ni Harriet.

'How dare her ruin his happiness!' Kung kailan pakiramdam niya ay kompleto na siya at buo dahil buhay ito at may anak pa, tsaka naman biglang gugustuhin nitong umalis.

'Never! Kung kailangan buntisin niya ulit ang asawa at patayin ang hilaw na asawa nito ay gagawin niya.'

'Hannah or Harriet. Whatever her name is, she is mine. Mine and mine alone.' saad ni Van sa isipan at tinalikuran si Harriet na nagtataka sa inasal niya.

"Giovanni! Van! Don't turn your back on me! What do you mean by you won't let me to go home? Nababaliw ka na ba!?" Sigaw ni Harriet pero hindi siya pinakinggan nito.

Nagpapadyak na napaupo na lang si Harriet sa katapat na sofa at huminga ng malalim para kumalma.

Van is confusing her. Hindi ba ito natatakot na maissue sa kanya? She's married for God's sake! Kahit sabihing peke iyon ay sa mata ng lahat ay kasal pa rin siya!




Kagat-kagat ni Harriet ang dulo ng daliri habang nag-iisip kung paano makakauwi. Hindi niya matatawagan ang kaibigan dahil lobat na ang cellphone niya. Hindi niya rin alam kung nasaan silang lugar ngayon dahil lutang at gulat siya habang bumabiyahe sila.

Sinipat ni Harriet ang orasan sa kamay at mahinang napamura ng makitang malapit na mag-ala sais ng gabi. Hindi sila pwedeng magpaabot ng gabi sa bahay ng binata! Paano na lang kung sumugod na naman dito ang fiancee nito? Na siyang nagsisigaw sa anak niya kanina?

Muntik ng makalimutan ni Harriet ang babaeng nanakit sa anak niya. That woman is Van's fiancee.

'Ang kapal ng mukha na landiin ako tapos ikakasal na pala' mapait na saad ni Harriet sa isipan.

"Clean yourself woman. Para kang papatay sa tingin mong 'yan. Kaya natatakot lumapit sayo ang mga katulong."

Napakurap si Harriet at mabilis na nag-angat ng tingin sa nagsalita. Lalong sumama ang tingin niya at kumunot ang noo ng makitang si Van iyon at nakapamewang sa harap niya. Nakasuot lamang ito ng cotton gray short at white shirt. May maliit na tuwalya na nakapalibot sa leeg nito at basa pa ang buhok.
Mukhang katatapos lang maligo.

"I will clean myself sa condo namin. Hinihintay ko lang na magising ang anak ko at uuwi na kami pagkatapos." Mungkahi ni Harriet at nag-iwas tingin sa katawan ng binata.

Nanunuot sa ilong niya ang amoy nito. Hindi niya alam kung nagpabango ba ito o natural lang ang manly nitong amoy.

"I told earlier I won't let you, didn't I?" Sagot ni Van sa kanya na ngayon at nakakunot noo na rin.

Inis na napatayo si Harriet at tinapatan ang kunot ng noo ng binata. "Hibang ka ba? Don't tell me balak mo akong ibahay dito kasama ang anak ko." Birong saad ni Harriet sa binata at mahinang natawa.

"What if Yes? Balak ko nga kayong ibahay dito?" Seryosong saad ni Van kay Harriet dahilan para matigil ito sa pagtawa.

"Hindi mo gagawin yun. You have a fiancee Mr. Rios. Kung dinala mo kami rito para makabawi sa ginawa ng fiancee mo sa anak ko then thank you. Uuwi na kami ng anak ko." Seryosong saad ni Harriet at linapitan ang anak.

Akmang bubuhatin niya ito pero naunhan siya ng binata at mabilis na binuhat at inilayo ang anak niya sa kanya.

Binato ni Harriet ng masamang tingin si Van na parang hindi man lang tinatablan sa inis na nararamdaman niya ngayon.

"Give me back my son Mr.Rios. Uuwi na kami ng anak ko. Magagalit ang asawa ko kapag tumawag siya mamaya at hindi kami makita sa condo namin."

"It's Van not Mr.Rios Harriet."

"I don't fucking— "

"Don't curse me woman." Putol ni Van sa sinasabi ni Harriet at sinamaan ito ng tingin. " Next is hindi kayo uuwi. I already called your friend that you will stay here and sleep here. And oh, the hell if you have a husband. I don't care." Mungkahi ni Van kay Harriet at tumalikod habang karga karga ang anak nito.

"Giovanni! Give me back my child! Or else sasabihin ko sa fiancee mo ang mga kalokohan mo." Pananakot ni Harriet dahilan para mapatigil sa paglalakad si Van.

Ang akala ni Harriet ay umepekto ang pananakot niya sa binata kaya laking gulat niya ng lingunin siya nito ng nakangisi.

"Go on hon. Tell that bitch my naughtiness, sasamahan pa kita. And correction honey, I don't have a fiancee. Wala akong ibang babae at ibang gugustuhing babaeng papakasalan kundi ang ina ng batang hawak ko ngayon."

Mafia Series 3: Giovanni Lee Rios (Completed)Where stories live. Discover now