Hindi ko maiwasang mag-alala at mag-isip ng hindi maganda. Dahil karaniwan ng mga eroplanong mayroong terorista sa loob, bihira na lang ang nakakaligtas. Iniisip niya palang ang bagay na ito ay parang mamatay siya.

Lord, please help him, Help Xian through this. Don't let anyone harm him. Please. Let him to be safe. Rigel and Zekrom, our angels, they need their father. I need him too. Kailangan at mahal ko rin siya.

Inabot ng trenta minutos ang naging biyahe patungo sa paliparan. Lumilipad pa rin ang isipan ko, dahil halo-halo ang mga senaryo na siyang naglalaro sa aking utak. Bumalik na lamang ako sa reyalidad nang maramdaman ang kalabit ni Rogelio sa aking balikat.

"Ma'am nandito na po tayo." at doon ako nagising mula sa malalim na pag-iisip.

"G-Ganoon ba." sabi ko at lumabas na sa kotse.

Kitang-kita ang kumpulan ng mga tao sa labas ng airport. Tila nagpupumilit na pumasok sa loob. Siguro ay isa ang mga ito sa mga pamilya ng mga biktima sa aksidente, gaya ko na lamang.

"Anong nangyayari bakit sila hindi pinapapasok?" tanong ko sa body guard na aking kasama.

"Baka po pamilya sila ng mga tao na kasama sa loob ng eroplano, na kung nasaan din yung taong bumaril kay Sir Xian. Hindi kasi maaaring pumasok sa loob ng airport ng walang flight at ang pangyayari ay aksidente kaya hindi maaaring pumasok ang mga sibilyan." sabi ni Rogelio.

"Ganoon ba, paano tayo niyan makakapasok?" tanong ko sa kanila na may halong pangangamba. Hindi ako maaaring manatili lang dito sa labas. Kailangan kong masiguro na nasa maayos na kalagayan si Xian. Kailangan kong masiguro na nasa ospital na siya ngayon at ginagamot na.

"Wala pong problema iyon Ma'am dahil kaibigan ni Sir Xian ang may-ari ng airport na ito, si Sir Quade. Kaya halika na Ma'am sa ibang daan tayo pupunta." sabi ni Rogelio sa akin at iginiya niya ako sa daanan na nasa bandang likuran ng airport.

Pagkapasok namin sa loob ng airport ay nagtungo na sila sa opisina ni Quade Atlas. Ang kaibigan ni Xian na may-ari ng paliparan. Mabuti na lamang at may alam si Rogelio kaya nagagabayan ako kung saan patutungo. Marahil matagal na talagang empleyado ni Xian si Rogelio kung kaya't alam na niya ang iilang pasikot-sikot ng trabaho at ginagalawan ni Xian.

Kaagad naman akong pinagbuksan ni Rogelio ng pintuan ng opisina ni Quade. Pagkapasok namin roon ay nakita nila ang mag-asawang Villacer at si Amber. Hindi talaga nahihiya ang isang 'to. Ubod ng kakapalan ang buong mukha.

"Quade hijo! What happened to my son?!" sigaw ni Misis Villacer.

"I'm sorry Tita Lira. The was two man who we're in the same plane with Xian. One of the men has a gun. Hindi namin malaman kung paano siya nakalusot sa sobrang sekuridad ng paliparan na ito. The guy who shot Xian is Liam Asteron Villamonte, I know you know him Tita Lira and Tito Anton." sabi ni Atlas at tumingin sa akin. May alam siya sa koneksyon ko sa lalaking naiwan namin sa Cavite kamakailan lang. Bakas sa aking mukha ang pagkagulat ng marinig ang pangalan ng Liam na siyang tinuturing kong tunay na kaibigan.

Paano niya nagawa ang bagay na ito? Hindi siya ganito? Bakit? 

"Liam's target is Xian. Before Liam's father went to the pilot's seat, Mr. Villamonte talked to his son and told him that Tangerine is calling him. He was so obssessed with Tangerine. Liam hurriedly stopped his plan to hijack the plane, because he believed his father that Tangerine was calling him. He calmed down, the moment Liam calmed down, the pilot hurriedly moved the plane to the airport. But the truth is, his father felt guilty that time, that's why he chose to turn his back on his son. Ayaw niya raw na may madamay na ibang tao. His son, Liam suffers with mental illness because of his traumatic childhood. He is mentally ill that's why he did this all." Napaiwas ng tingin si Quade sa akin. Ramdam ko na ayaw niya sanang ako ang pagbuntungan ng galit ni Misis Villacer ngunit wala siyang magawa dahil kailangan niyang sabihin ang buong nangyari.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now