Chapter 26

4.4K 78 12
                                    

(Enjoy Reading!) 

~0~

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Isang taong nakalipas...

"Mommy! Zekrom is crying! I don't know what to do po!" Napalingon ako kay Rigel na tumatakbo papalapit sa akin.

"Why? What happened?" ibinaba ko naman ang hawak kong water hose at sumunod papaloob ng bahay namin.

"He doesn't want milk po Mommy, tapos po umiiyak na siya." sabi ni Rigel.

Binuhat ko naman si Zekrom na nasa crib na umiiyak, siguradong gusto nitong dumighay kaya umiiyak siya.

Kaunting minuto lang nang pagkalong ko sa kanya ay narinig ko na ang pag-dighay niya, matapos noon ay tumigil na ito sa pag-iyak.

"He's fine now Ate Rigel, you don't need to worry." sabi ko sa aking panganay na bakas pa rin sa mukha ang pag-aalala.

Hinele ko ng marahan si Zekrom hanggang sa makatulog ito, kailangan niya munang matulog dahil may marami pa kaming gagawin ni Rigel dito sa bagong bahay na tinutuluyan naming mag-iina.

Isang taon na rin ang nakalipas magmula nang umalis ako kasama si Rigel. Sa mga naunang buwan, ay nalaman kong nagbunga ang nangyari sa amin ni Xian. Nagpalipat-lipat kami ng tirahan dahil nakakagawa ng paraan si Xian para mahanap kami pero naging maayos din naman ang lahat, nakatira na kami ngayon sa isang subdivision sa Cavite sa tulong ni Liam. At hindi kami basta-basta matutunton ni Xian dahil kami ay protektado ni Liam mula sa kaniya. Hanggang ngayon sariwa pa rin sa akin ang mga masasakit na nangyari, at alam kong hindi lang akin kung hindi maging sa panganay kong anak. Nalulungkot man siya ngunit nakikita kong pinipilit niya iyong itago gaya ko.

"Mommy, ano pong ulam natin for lunch?" tanong sa akin ni Rigel na nakasunod sa akin sa kusina.

"Hmmm, Ano po bang gusto ng baby ko?" tanong ko sa kanya.

"Fried chicken po Mommy, Please." sabi ni Rigel sa akin kaya napangiti ako at mahinang ginulo ang buhok niya.

"Wish granted my little princess." sabi ko at ihinanda na ang manok na nasa refrigerator.

Habang hinihintay ko lumambot ng kaunti ang manok ay ihinanda ko na ang breading. Habang si Rigel ay tahimik na naghihintay, nakaupo sa kitchen stool. Naglagay ako ng harina, fresh milk, paprika, paminta, garlic and onion powder atsaka ilog sa breading ng fried chicken kasama na ng kaunting corn starch para sa pagpapaluton ng balat.

Mayroon pa rin naman akong trabaho, doon pa rin ay Liam, ngunit home based na lamang ako, lalo na't walang maiiwan sa mga anak ko, at dahil panigurado ay malalaman ni Xian kung saan kami nakatira kung magpapakita ako sa kanya.

Sa mga buwan na nakalipas, si Liam ang tumulong sa akin na makahanap ng tutuluyan, mag-alaga sa mga bata, at tumulong pinansiyal. Kaya laking pasasalamat ko talaga na may kaibigan akong tulad niya. Hindi ko na rin naipaalam kila Lance at Dahlia ang nangyari kaya siguro nagtataka na ang mga iyon kung bakit bigla akong nawala. Ngunit ayos lang, may iba pa naman sigurong panahon para magkita-kita kaming muli.

Tungkol naman sa pagpalipat-lipat namin ng tirahan, dahil iyon kay Xian. Sa kadahilanang maraming nagagawa ang pera. Mayaman siya, nagagawa niyang paimbestigahan kami at nalalaman niya ang kinaroroonan namin kaya naglakas-loob na akong humingi ng tulong kay Liam kaya ngayon nandito kami sa isang malayong subdivision sa Cavite. Hindi ako lumalabas ng bahay, hanggang bakuran lang at si Liam ang nagsusuply dito ng pagkain. Kada linggo ay dumadaan siya dito para sa groceries dahil nag-aaalala din siya sa sitwasyon ko kung sakaling lumabas ako sa bahay na ito.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now