Chapter 15

4.3K 111 1
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

Liam

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

Pagkatapos ng mahigit dalawang araw na pananatili namin sa resort, balik ulit sa lahat. 
Nandito ako sa shop, maraming customers pero mukhang mas maraming tanong si Lance sa akin.

"Saan ka nanggaling? Tangerine Amara, nag-alala kami sayo dito, dalawang araw kang nawala. Where the hell did Xian brought you?" sabi sa akin ni Lance pagkapasok ko palang ng counter area.

"Chill boss, Nagpunta kami sa isang resort. Nag-aya kasi si Rigel, alam mo naman na hindi ko kayang tiisin yung anak ko kaya pumayag ako. Atsaka nag-enjoy din ako, maganda doon sa resort, tapos naka VIP rin kami. Kaya chill ka lang Lance." sabi ko sa kanya at bahagyang natawa.

"Mukhang masaya ka Amara. Halatang masaya kang nakasama si Rigel o pati rin si Xian huh?" napalingon naman ako kay Dahlia na siyang nakangisi pa sa akin at nang-aasar pa. 

"Shut up Dahlia!" sabi ko at pumasok na sa loob ng locker room. Rinig ko pa rin ang mga tawanan nila. Tss. Lahat nalang silang pinag-kakaisahan ako. 

Nagbihis naman ako ng uniform namin at apron, dahil linggo ngayon, paniguradong dadagsa ang mga customers.

Pagkalabas ko naman sa locker room ay nagsisimula na silang gumawa ng milkteas, May iilan ng customers kaya nagpunta na ako sa mga tables.

"Miss, can you recommend some of your foods here to me? It's my first time here so I don't have any idea." sabi sa akin ng lalaki, mukha itong mayaman base sa suot nito na tuxedo suit.

"Sure Sir. For me, I really love the caramel flavored cake and milktea. But here's our menu if you don't want my favorite food here." sabi ko at ibinigay sa kanya ang menu.

"Ahmm, no thanks, I want to try that caramel flavored cake and milktea, I also love caramels so, I order that. Thank you beautiful. I'm Liam by the way." sabi nito sa akin at ibinalik ang menu. kinuha ko naman ito at nginitian siya. "I'm Tangerine, Sir. Thank you for trying out our shop." sabi ko at nagpunta na sa kusina.

"One slice of caramel flavored cake and one cup of caramel milktea. Table 3." sabi ko kay Dahlia na siyang naghahanda ng orders. Hinintay ko siyang matapos sa pag-gawa ng order.

"One slice of caramel flavored cake and one cup of caramel milktea, table 3." sabi ni Dahlia kaya kinuha ko na ang tray at iniabot kay Sir Liam.

"Sir Liam, here's your order. Enjoy eating." aalis na sana ako ng hilahin niya ang kamay ko. Marahan lang naman ito kaya hindi ako nasaktan. Napalingon naman ako sa kanya at nagtaka.

"What is it Sir? Is there a problem?" tanong ko sa kanya.

"No, silly, I just want to eat this with you. Eat with me please, Don't worry I won't do anything." sabi niya at sumenyas sa isang katrabaho ko na nasa kabilang table.

"I want another batch of these for this beautiful lady, grab some for you too" sabi niya kay Nikolas na waiter din. Inabot niya dito ang limang libo. 

Wala na akong nagawa kung hindi maupo sa upuan na nasa harapan niya.

"I really love treating some employees, lalo na yung mga waiters and waitress. Because I was once a waiter in a fast food chain before I became a CEO of my own company. So don't worry lady I'm no harm." sabi niya at nagsimula ng hiwain ang cake, mabilis naman dumating si Nikolas at hinatid sa akin ang karagdagang cake at milktea.

"Eat up lady. I also want to talk to you, I got bored in my office for a while. So how's your work here?" sabi niya.

"Thank you for this Sir, actually the owner of this shop is my friend. Kaya ayos lang po ang trabaho ko, I'm planning to look for my new work na rin po, because I just graduated from college. So I think this is the time to try some harder works." sabi ko at tumawa ng bahagya.

"Good. Actually, Wala akong secretary ngayon. She's on leave dahil buntis siya, so if you want to apply, Just call me here." sabi  niya at inabot sa akin ang isang calling card.

Villamonte Group of Companies.
Liam Asteron Villamonte.
                     CEO
Email
: LiamAsteronVillamonte@yahoo.com
Contact Number: -----

"Thank you Sir, I will think about this" sabi ko at nagsimula na ring kumain.

"How old are you lady? You look young to work I think." sabi niya sa akin at uminom ng milktea niya.

"I'm just 24 Sir, I stopped college for almost 2 years that's why I'm a fresh graduate."

"Hmmm, don't call me Sir here, I want to be friend with you. I'm also 24 years old."

"Sure, Liam." sabi ko sa kanya at ngumiti. Gumanti rin siya sa akin ng ngiti, maputi at pino ang ipin niya, May kagwapuhan kaya pinagtitinginan siya ng ibang babaeng customers.

"If you don't mind, what happened? Why did you stop?" sabi niya sa akin.

"It's a long story Liam, but I got pregnant with my daughter." sabi ko sa kanya.

"Hmmm... So you're married?" sabi niya sa akin.

"No. " I said and I let out an awkward laugh.

"Where's the father of your daughter? He let you work here?" sabi niya sa akin.

"I'm not in good terms with him, Liam. My daughter is with him, but I can freely see and hug my daughter so it's fine." sabi ko at sumipsip sa aking milktea.

"That's quite sad, but I hope your family will be happy soon." sabi niya sa akin.

Sana nga Liam, sana nga ay makapag-hintay sa akin ang ama ng anak ko. Ang lalaking mahal ko.

"I also have a wife before, hindi kami nagkaroon ng anak, dahil saglit lang ang naging mga buwan na kasal kami. Suddenly, our marriage did not work out. Marami pa kaming hindi nalalaman sa isa't isa. Kaya hindi kami nagkakaintindihan, palagi kaming nag-aaway, and we are no longer happy, our love for each other is no longer sweet as before. So we decided to end it. I'm also fine with it, Kasi nagkakasakitan lang kami. Magkakasakitan lang kami kung ipipilit pa namin." sabi niya.

"That's quite sad. But I'm happy for the actions of the two of you. Mas naging matapang kayo." sabi ko sa kanya. 

Isusubo ko na sana ang kapirasong cake ng biglang bumukas ang pintuan ng shop. Bumungad sa akin si Xian na nakangiti at may dalang mga bulaklak at iginagala ang mata  tila may hinahanap. Nang magtama ang mata namin, bigla nalang nagbago ang porma ng mukha niya, Ang kanina lang nakangiti ay biglang sumimangot at nakakunot ang noo. Lumapit ito sa table namin. 

"Who's this man? Wife?"

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020



Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now