Chapter 31

4.6K 76 3
                                    

(Enjoy Reading!)

~0~

No Choice

TANGERINE AMARA'S POINT OF VIEW

"I knew it. I will see the both of you here. But all I need is my wife and my daughter. Do you think you can easily run away from me, Wife?"

Para akong hihimatayin nang magkasalubong ang mga mata namin. Tila ako tinakasan ng hininga sa mga salitang binitawan niya.

"X-Xian..." nauutal na banggit ko sa kanyang pangalan.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Halos naestatwa ako sa pwesto ko at tinitingnan lamang ang lalaking kailanman ay hindi ko na sana nais pang makita. Pero talagang mapaglaro ang tadhana. Patuloy pa rin nitong pinaglalapit ang landas namin ni Xian.

"It's so nice to see you again, my wife. Let's go home." mariin na sambit niya. Kitang-kita ang halo-halong emosyon sa kaniyang mga mata ngunit nanaig doon ang inis.

"No, I won't come with you." Hinding-hindi ako sasama sayo, Xian Yvo.

"As if you have a choice, baby. Ngayong nakita na kita, hindi ako papayag na hindi ka sasama sa akin pati si Rigel." hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila papalapit sa kanya. Tila ako nakuryente nang maglapat ang balat niya sa balat ko.

Pilit ko namang inaalis ang kamay niya sa pulsuhan ko. "Bitawan mo ako." mababakas mo ang galit sa paraan ng pagkakasabi ko.

"No, I won't let go of this hands. Never again." akmang hihilahin na niya ako papaalis nang magsalita si Liam.

"Where do you think you're going with Tangerine, Mr. Villacer?" mariin na bigkas ni Liam at lumapit sa akin.

Pero bago pa naman ako mahawakan ni Liam ay binitawan ni Xian ang kamay ko at kinuwelyuhan si Liam.

Napatili ako sa gulat "Xian, stop it. Don't make a f*cking scene here." sabi ko.

"Ilang taon na akong nagtitimpi sayo, Villamonte. Ilan taon mong tinago sa akin ang pamilya ko. Kaya lubayan mo na kami, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo kapag sumabog ako, punong-puno na ako sayo." binitawan na ni Xian ang kwelyo ni Liam at hinila na ako palabas ng grocery store.

"Ano ba?! Bitawan mo ko!" Sigaw ko kay Xian pero para lamang itong bingi at hindi ako pinapakinggan.

Pilit ko pa ring tinatanggal ang pagkakahawak niya sa akin pero mas malakas siya, kaya wala na ako magawa bukod sa pagmumumiglas.

Ipinasok niya ako sa kotse niya, at madali rin siyang pumasok sa driver seat, sa sobrang bilis ng kilos niya ay hindi ko na nagawa pang tumakas. Pilit ko namang binubuksan ang pinto ng kotse pero ayaw nito bumukas, tiyak naka-lock ito.

"Don't try hard Tangerine. Hindi na kita hahayaang makatakas sa akin. Tapos na ang pagtatago mo sa akin. Panahon na para malaman mo ang katotohanan. " sabi niya bago ipaamoy sa akin ang panyo niya.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

BAKAS ang ngiti sa mga labi ni Xian, nang umepekto ang gamot na ipinaamoy niya kay Tangerine. Hindi naman niya ito gustong saktan, kaya lang nagpupumilit ito sa pagtakas kaya napilitan siyang gawin iyon.

Anim na oras ang talab ng gamot na iyon kaya tiyak na matiwasay niyang maiuuwi ang mag-ina niya.

Sobrang lakas ng tibok ng puso ng lalaki matapos makitang muli ang kanyang asawa. Hinaplos niya ang buhok nito bago iniayos ng higa sa upuan at kinumutan gamit ang jacket niya.

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now