Ang taksil at mang-aagaw kong kapatid. Si Amber. Tiyak ay gumawa na naman siya ng paraan para magdala ng lason sa utak ng mga taong naririto. Lason na kapag nagpadala ka ay mabubulag ka sa katotohanan at tanging kasinungalingan lang ang paniniwalaan.

"Look who's here, Tita Lira. The substitute. Ang pamalit ng mga magulang ko." nanunuksong saad nito. Hindi ko ito pinansin at bumaling kay Ma'am Lira. Ayokong ilabas ang mga galit ko sa kaniya dahil hindi naman ito ang tamang panahon para roon.

"Magandang Umaga po, Ma'am Lira." bati ko at bahagyang yumuko.

"Anong pakay mo dito?" parang tinakasan naman ako ng hangin sa katawan ng marinig ang paraan ng pagsasalita nito. Malamig iyon na para bang nasa isang disyerto ng yelo ang kinaroroonan ko. Napatigil ang mga paa ko at nanatili sa iisang puwesto.

"Gusto ko po sanang tanungin kung nasaan si Xian ngayon. Nabanggit po kasi ng isang kasambahay sa aming bahay na nasa France siya ngayon." sabi ko.

"At saan ka kumuha ng kakapalan ng mukha hija?" napayuko naman ako sa sinabi niya. Hindi ko akalain na ganito siya manalita, samantalang noon ay tuwang-tuwa siya sa akin at mahal na mahal niya ako kung aalalahanin.

"M-Ma'am, pasensya na p-po. Gusto ko lamang malaman kung nasaan ang ama ng mga anak ko." sabi ko sa kanya.

"Mga anak? May anak na naman kayo ng anak ko? You tricked my son again huh? Nagpapabuntis ka sa anak ko para balik-balikan ka niya, tama ba?" nanunuyang sabi nito sa akin na ikinasama ng loob ko.

"Hindi po ganoon ang pakay ko Mrs. Villacer." sabi ko.

"Eh ano? Pera? Kayamanan? Mana?" nang iinsulto na saad nito at bahagyang lumapit sa akin.

"Hindi po ako mukhang pera, Mrs. Villacer. Ang nais ko lang po kaya ako nagpunta rito ay ang lugar kung saan ni Xian. Nais ko pong malaman kung nasaan siya." sabi ko at lumaban sa talas ng kaniyang tingin sa akin.

"How dare you to say that, Tangerine. Hindi ba't tinaboy mo siya?" sigaw sa akin ni Amber. Matalim ko naman siyang tiningnan.

"Huwag kang makikialam dito, mang-aagaw." mariin na sabi ko.

"B*tch! How dare you to say that?! You're just a substitute. I'm the legal wife here." Dinuro niya ako habang sumisigaw.

"Hindi ikaw ang pakay ko rito kaya manahimik ka! Atsaka kung tutuusin ikaw ang may kasalanan ng lahat, kung bakit patuloy na nagiging magulo ang buhay namin ni Xian." sabi ko at muling bumaling kay Misis Villacer.

"Ma'am, parang awa niyo na po, sabihin niyo po sa akin kung saan ang mismong lokasyon  sa France ang kinaroroonan ng asawa ko" sabi ko at nagmamakaawa.

"Asawa mo? Wala kang asawa Tangerine! Asyumera ka! Sa akin si Xian! Pamalit ka lang!" sigaw ni Amber, pilit niya talagang inaabot ang dulo ng aking pasensiya.

"Sabi nang manahimik ka! Hindi ikaw ang pinunta ko rito dahil kahit kailan, wala na akong balak na makita ka!" sigaw ko rin pabalik sa sobrang galit.

"Don't you dare fight here ladies! You are in my house! Naka-apak kayo sa pamamahay ko." sigaw ni Misis Villacer.

Kaya kahit papaano ay natahimik kami. Parehong ayaw mapaalis sa mansyon, ngunit magkaibang rason. At ang kaniya ay batid kong ubod ng itim, dahil wala naman siyang ginawang tama magmula pa nang makauwi siya rito mula New York.

"Misis Villacer, I'm begging you..." sabi ko at lumuhod sa harap niya. Nangingilid na ang aking luha, bukod sa sakit ng paraan ng pakikitungo ng babaeng minsan kong tiningala at kasabay ng pag-aalala ko kay Xian.

Kung kaya ni Xian na lumuhod para sa akin, kakayanin ko rin. Kung kaya niyang idampi ang kaniyang mga tuhod sa lupa para sa akin, kaya ko rin para sa kaniya. 

"Sabihin niyo po sa akin kung nasaan si Xian...." sabi ko at hinawakan ang mga kamay niya ngunit itinabig niya ito dahilan na mapahiga ako sa sahig.

"Don't beg lady! You look so desperate! You look so poor and low! Where's my grandchildren? Bring them here and go away from our lives!" sigaw nito sa akin. Nawala tuloy ang kaunting pag-asa na mayroon ako.

"N-No... Hindi ko po ibibigay ang mga anak ko. Please Mrs. Villacer. Just this one. Please. Mahal na mahal ko po si Xian. Maawa na po kayo" sabi ko sa kaniya at patuloy sa pagmamakaawa.

Hindi ko na inisip pa ang mukhang ihaharap ko sa kanila pagkatapos nito. Humahagulgol ako dahil sa lahat ng sakit na nararamdaman ko. Sunod-sunod na masasakit na salita, pero kailangan ko itong tanggapin para kay Xian. Sa lalaking mahal ko. Kailangan kong tiisin ang lahat para sa makabawi naman ako sa kaniya sa pagkakataong ito.

Mahinang mahina ang tuhod ko habang nakaluhod pero mas nawalan pa ako ng lakas ng sampalin ako ni Misis Villacer. Sa sobrang lakas nito ay ramdam ko ang pagkapula nito. Napahawak ako dito at hinayaang magsinunahan ang mga luha ko sa pagbagsak.

"What's the meaning of this Lira?!"

Napabaling ako sa isang lalaki na papalapit sa amin. Kamukhang-kamukha ito ni Xian. Pero agad itong nawala sa paningin ko dahil sa panlalabo ng mga mata ko dahil sa mga luha. Nagpapasalamat ako sa dumating dahil napigilan nito ang panibagong sampal na nararapat na tumama pa sa aking mukha.

"Anton?! Huwag kang makialam dito! Tinuturuan ko lamang ng lekyon ang basurang ito!" sigaw ni Misis Villacer.

"At sa tingin mo matutuwa ang bunsong anak natin sa ginagawa mo?! You're hurting his love of his life! Siya ang ina ng mga apo natin! Hindi ka ba nakokonsensya?" sabi nito at lumapit sa akin. Inalalayan ako nito sa pagtayo.

"S-Salamat p-po sa i-inyo..." sabi ko at bumitaw sa pagkakahawak niya.

"Honey, don't touch her. I don't care if she's the mother of my grandchildren. I want her out of this house! Out of our Lives!" sigaw nitong muli.

"Shut up Lira! I didn't know that you're that heartless." sabi ni Mr. Anton.

Akmang lalapit sa akin muli si Misis Villacer kasama si Amber upang hatakin sana ang buhok ko at sampalin sa mukha nang agad akong inilayo ni Sir Anton.

"Stop it Lira! Amber!" malakas na sigaw ni Sir Anton kaya napatigil ang dalawang babae. 

"Diyos ko! Ma'am Sir, may balita po akong narinig! Isantabi na po muna natin ang gulo. Ang senyorito Xian po. Si Senyorito Xian po ay nasa ospital ngayon. Ang sinasakyan niya pong e-eroplano mayroong nakasakay na isang lalaki na may baril. Diyos ko po. Nabaril po si Sir Xian."

Tila naman gumuho ang mundo ko dahil sa aking narinig. Halos mabingi ako dahil sa huling mga salitang narinig ko. Hindi ko na nga alam kung nasaan siya, nangyari pa ito. Mas lalo akong nag-aalala, hindi lang para sa relasyon namin ngunit higit sa kaligtasan niya.

Xian. Mahal ko. Hintayin mo ako. Alam kong mahal na mahal mo kami. Hindi mo kami puwedeng iwanan. Tuluyan akong magagalit sayo kapag iniwan mo kami. Mahal na mahal kita kaya kumapit ka lang diyan. Hihintayin ka namin nila Zekrom at Rigel. Pupuntahan kita kahit ano mang pagsubok ang harapin ko, kahit sino man ang humarang sa akin, hindi ako papayag na magkalayo pa tayong pamilya sa sandaling ito. Once I find you, I will let you stay and go back to our family, our home.

~0~

Please don't forget to vote and comment for more updates! Every vote and comment will be highly appreciated!

NO PLAGIARISM. PLAGIARISM IS A CRIME.

(I worked hard for this. So you better work on your own story.)

@_Sodaaaaa | 2020

Love Again [Acquisitive Billionaires Series #1 COMPLETED]Where stories live. Discover now