chapter 23

2.7K 63 5
                                    

CHAPTER 23

*Ice's Pov*

Maaga ako pumasok ngayon para masabi ko na ang totoo kay Lourenz dahil habang tumatagal, lalo akong nahihirapang sabihin ang totoo sa kanya. Every minute na dumadaan, pabigat ng pabigat ang kasalanan ko. Damayan na talaga 'to. Si Enzo kasi at Jude!

Sana pakinggan nya ang paliwanag ko kapag sinabi ko na. Naku naman! Bat kasi ganun si Sunget. Amazona! Nakakatakot tuloy. Tulong! Somebody help me.

" Bhabe! " Buti agad ko syang nakita sa may locker room. Iha-hug ko sana sya ng biglang..

" PAAAK! " Napakalakas na sampal ang natanggap ko buhat sa kanya. Bakit? Wala pa nga akong nasasabi sa kanya, may sampal agad? Wow? Advance 'to? Naku naman.. Wala pa nga akong sinasabi, may sampal na. Ano pa kaya kapag sinabi ko na? Baka di lang sampal ang matanggap ko. Baka mapatay na nya ako.. Wag naman! Di pa nga kami nakakagawa ng baby eh. Huhu. Wag muna.. Pwede? Pwede!

" Bhabe? Bakit? " Hawak ko ang pisnging sinampal nya. Pakiramdam ko, andun pa rin ang kamay nya. Lakas eh. Parang natabingi ata buto ng mukha ko dahil dun. Walang dudang AMAZONA nga!

" Bakit? Ako nga dapat magtanong sayo ng bakit eh! Bakit bestfriend ko pa? Bakit sa dami ng babae dito sa Westbridge, sya pa! " Nakita ko ang galit sa mukha nya.

HUWAAAAAAAAAAT! 

Alam na nya? paano nangyari yun? May psychic power ba to? Kaya nalaman nya? Patay na talaga ako nito! " Bhabe? " Tangi ko na lang nasabi.

" Akala ko iba ka pero pare pareho lang pala kayong mga lalaki. Mga manloloko.. Walang alam kundi saktan kaming mga babae. Minahal kita Ice pero nagawa mo eto sa akin? Bakit nyo pinagpustahan ang bestfriend ko? Bakit? "

Lintik! Paano nya nalaman?

" Bhabe, hayaan mo muna ako magpaliwanag oh! " Pero tinalikuran na ako. Hinabol ko sya at hinawakan sa balikat. " Magpapaliwanag ako Lourenz.. Listen to me please. "

" Paliwanag? Maliwanag pa sa sikat ng araw na niloko mo ako, pinagkaisahan nyo ang bestfriend ko ng Enzo na yun.. Paliwanag pa rin.. Eto, yung atin, pustahan din ba ha? "

" No! Hindi.. Totoong mahal kita! Nangyari na ang pustahan the day i realized na mahal kita.. Sasabihin ko na sana sayo ang totoo kaso naunahan na ako.. Saka natakot ako sayo baka masapak mo kasi ako kaya nag-alangan akong sabihin ang totoo pero maniwala ka, mahal kita at di ko ginusto ang pustahan na yun. Nadamay lang ako.. "

" Natakot ka sa sapak ko? Puwes mas matakot ka sa gagawin ko ngayon!? " Naknam! Anong gagawin nya? " Ouch! " He hit me where i hurt the most. Aruy! Bat dun pa? Napapilipit ako sa sakit. Ang bilis talaga nitong babae na 'to..

" Masakit? Mas masakit ang ginawa mo sa akin! Wala kang pinagkaiba sa papa ko at kay Aaron! " Biglang uminit ang ulo ko dun. Kahit masakit YUN pinilit kong tumayo ng tuwid.

" Oo, alam ko nagkamali ako. Aaminin ko, pinagpustahan namin ang bestfriend mo.. Matagal bago ko inamin ang totoo sayo. Pero kahit ginawa ko yun, totoong minahal kita. Kung pwede ko lang ibalik ang araw na nangyari ang pustahan, ibabalik ko at itatama pero kahit anong gawin ko, hindi na yun mangyayari. Mali ako pero WAG NA WAG MO AKO IHALINTULAD SA EX MO! Iba ako, iba sya! Ibang iba ako sa kanya. Kung di sapat ang mga ginawa ko para lampasan si Aaron dyan sa puso mo. Gagawa pa ako ng paraan para patunayan yun! Tandaan mo Lourenz, di ako titigil hanggat di mo ako pinapatawad at pinapakinggan ang mga paliwanag ko. Di ko alam kung paano mo nalaman ang totoo pero kahit kelan di kita niloko at sinaktan tulad ng ginawa ng Aaron na yun! Hahayaan kita ngayon pero di kita titigilan. Mahal kita tandaan mo yan.. Alam ko na may mali ako, nagsisisi na ako dun. " Masakit. Oo masakit na nga yun pati puso ko masakit din. Bakit kapag may problema? Kasangkot palagi si Aaron! Ano ba meron sa lalaki na yun at nauugnay sya sa amin ni Lourenz.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon