chapter 26

2.7K 55 2
  • Dedicated kay Klea Joy Bunda Osano
                                    

CHAPTER 26

*Lourenz's Pov*

Nakita kong napatingin ulit sila sa akin sa pagsigaw ko na yun. Di ko na lang pinansin at nagmadali akong lumabas sa CR pagkatapos kong ayusin ang sarili ko at hinanap ang siraulong Ice na yun. Tama ba namang lagyan ako ng kissmark sa leeg ko ng ganun lang kadali!

Nakakahiya! Sobrang nakakahiya! Madaming nakakita! Kahit kelan talaga tong si Ice, pinapahiya ako. Tama ba namang gawin nya yun? Sa library pa.. Di ko na alam kung ano ang pumapasok sa utak ng lalaking yun para gawin nya yun. Di ko tuloy mapigilan di mamula pag naaalala ang eksenang un. Bakit ba lagi syang ganun?! Nakakainis na talaga! Naiinis na talaga ako sa kanya and the same time, galit din!

Saan na ba yun? Nilibot ko na ang Westbrigde College eh di ko makita.
Hanggang nakita ko syang naglalakad sa may hallway. Nakapamulsahan at may headset pang nakalagay sa tenga nya. Well, cool nya tingnan. Kung di lang ako galit at inis sa kanya, baka sabihin ko pang naiinlove ako lalo sa kanya at ang swerte ko na sya ang boyfriend ko pero galit ako sa kanya kaya isasantabi ko na lang ang nararamdaman ko.

" Hoy! " Mahina ko syang tinapik sa balikat nung nakalapit na ako sa kanya pero lokong Ice 'to. Di ako pinansin. Dineadma lang ako at patuloy lang syang naglalakad na akala mo ay wala syang ginawa sa akin. Nang-iinis ba talaga sya?! " Hoy! Wag mo nga ako dedmahin! " This time. Kinuha ko na ang headset nya at kwinelyuhan sya. " Wag mo nga akong deadmahin! Nang-aasar ka ba talaga? " Dahil medyo mataas sya ng konti, yumuko sya at nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Jusko! Ayan na naman sya!

" Bakit? " Bgumiti ng loko. " Namiss mo ba ako? " Bapaurong na lang ako at bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ko sa damit nya.

" Asa ka! " Paasik kong sagot tapos nakita kong nagpout sya at naging malungkot ang mukha nya.

" Yah! I know.. Asa lang talaga na mamimiss mo ako. " Akma syang maglalakad ulit pero pinigilan ko sya.

" Bat mo ginawa yun? " May inis at diin ang pagkakasabi ko nun. Di ko na lang pinansin ang pag-aarte nya.

" Ang alin? " Kunot noong tanong nya na titig na titig sa akin. Naiinis talaga ako pag ganyan syang nagmamaang maangan at akala mo wala talagang alam. Pinagtritripan ako. Geez. Sarap batukan, chapchapin, tadtadrin ng pinong pino at ipakain sa bumaya pero dahil mahal ko pa sya, babatukan ko na lang muna. " Aray ko naman, Lourenz! Nakakasakit ka na! Sumusobra ka na talaga! "

" Bakit? Ano ano? Aangal ka?! Sabihin mo lang! "

" Eto naman! Parang nagreact lang eh. Syempre hindi, lab kita eh. Kaw pa! Oh eto, kabila naman para pantay ang pag-alog ng utak ko. " Nag-iba naman sya ng posisyon at itinapat sa akin ang parteng di ko nabatukan. Gusto kong matawa sa pinagagawa nya pero pinipigilan ko lang. Ganito nya ba talaga ako kamahal para okey lang sa kanya ang batukan ko sya? Na kahit masakit, tinitiis nya?

Na tama bang magalit ako ng husto sa kanya?

Oo naman. Tama lang ginagawa ko sa kanya noh. Para magtanda sya.. Akala nya madadaan nya ako sa mga pacute nya. NO WAY! Di ganun yun kadali. Kahit anong pacute ang gawin nya, di nya mapapalambot ang puso kong naging bato na. Yay! Naks.

" Good! Akala ko aangal ka na eh! Teka nga! Wag mo nga nilalayo ang talagang topic! Ikaw! Ikaw! Siraulo ka talaga kahit kelan, Ice! Bat mo ginawa yun?! Bakit?! Di mo ba alam na pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil sa ginawa mo ha! "

" Teka nga.. Aray-- Ano ba-- Lourenz ano ba-- tama na-- Aray-- tama na-- ang sakit mo mamalo! Di kita maintindihan.. " Tumigil naman ako sa paghampas sa kanya kasi nakita kong namumula na ang braso nya sa ginagawa ko.

" Wag ka na kasi magmaang maangan dyan nang di ko dagdagan ang ginagawa ko sayo! Eto! Bat mo eto ginawa?! " Sabay pakita ng kissmark sa leeg

" Ah. Yan ba? Hehehe. Wala lang. " Nagkamot sya ng ulo at nginitian lang ako tapos nilagay nya ang headset sa tenga nya na tinanggal nya kanina. Parang umaakto na naman syang walang nangyayari. Kaasar e. Sa asar ko, tinanggal ko nga yun. Bastos e.

" Pwede ba! Maging matino ka naman kung sumagot! " Nakakainis na talaga sya. Lahat na lang di sineseryoso, dinadaan na lang sa biro at lokohan.

Babatukan ko na naman sana sya kaso pinigilan nya ang mga kamay ko. Hinawakan nya ang kamay ko at pinaikot na nilagay sa likod ko. Hinila nya ako pagkatapos sa gilid ng isang kwarto habang nasa likod ko sya. (Ang gulo ata ng pagkwekwento ko. HAHAHA!)

" Ano ba Ice?! Bitawan mo nga ako! "

" Ayaw ko nga! Gusto mo ba dagdagan ko yan? " Parang tatayo lahat ng buhok ko sa katawan na meron ako sa sinabi nya.

" I-Ice, tumigil ka nga. "

" Bakit? Wala namang tao eh! May mga klase ngayon kaya walang makakakita pag ginawa ko yun ulit.. " Kinikilabutan ako lalo na nung hinawi nya ang mga ilang hibla ng buhok ko na nasa leeg ko. Di ako makagalaw at makakilos dahil hawak nya ang isang kamay ko tapos sinandal nya ako sa pader. Ganito, parang dinikit sa pader ang mukha ko pero di naman madiin para masakitan ako. Sakto lang. Habang nasa likod ko sya. Sagwa ng position namin. Jusko lang!

" ICE, PAG AKO NAKAWALA DITO! LAGOT KA TALAGA SA AKIN!!! "

" Okey lang.. Basta nagawa ko 'to! " Bigla nya naman akong hinarap sa kanya at sinandal sa pader. Hinalikan nya ako. As in halik na sobrang.. ay ewan! Wala akong magawa kundi tugunin na lang yun.

Bat ba wala akong magawa?! Bakit sa tuwing ginagawa nya eto, para akong nanghihina at nawawalan na lakas. Masakit man talaga aminin pero nagugustuhan ko na lang yun. Traidor talaga kahit kelan ang katawan ko at ang nararamdaman ko.

Sa twing ginagawa nya to, nararamdaman ko na lang na talagang mahal ko sya. Hayyy!

" Mahal na mahal kita Sunget.. Kahit galit ka.. Kahit batukan mo ako at hampasin araw araw, okey lang. Di naman mababawasan ang pagmamahal ko sayo e. Minamahal pa nga kita sa bawat araw na nagdadaan. At yung kissmark na yan, ginawa ko lang yan para akin ka lang talaga. Para makita ng mga estudyante ng Westbridge na may nagmamay-ari na sayo. Kaya sorry kung ginawa ko yan.. I just loved you. " Binitawan na nya ako pagkatapos nyang sabihin yun. Nagkakatitigan kaming dalawa. Nagsukatan ng paningin. Naging pipi ata ako sa mga sinabi nya at di na ako nakapagsalita.

Para talaga syang apoy na unti unti akong tinutunaw o di kaya parang kandila na nauupos. Napahinga nalang ako ng malalim.

" Sige iwan na kita.. Kita na lang tayo sa klase.. Yung kissmark ko, wag mo tanggalin ha? Remembrance! HEHE. " Sa pagkakaseryoso ng mukha nya, bumalik na naman yun sa pagkamakulit nya. Sinuot nya muli ang headset at nagmulsahan na umalis. Iniwan akong parang tanga lang dun. Psh.

Sinabunutan ko na lang ang sarili ko sa nararamdaman ko ngayon.

Para akong hinabol ng sampung kabayo sa sobrang kaba. Whew!

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon