chapter 43

2.1K 44 2
                                    

CHAPTER 43

*Ice's Pov*

Ika-23 ng Disyembre. Dalawang araw bago ang pasko ay may battle of the bands sa Westbridge. Di sumali sina Sunget kasi kulang sila. Nasa Baguio kasi si Courtney para sa course nila. Eto namang si Enzo, hindi mapakali na nandito lang. Baka daw maghanap ng iba si Courtney dun kaya ayun, sumunod. Naku lang! Pag-ibig nga naman talaga! Dati aayaw ayaw tapos ngayon, natatakot mawalay sa kanya. Haha! Confirm na confirm na inlove ang casanovang payat sa Ms. Nerd na si Courtney.

Ano nga ba ang plano ko ngayon para sa pasko? Isa pa, monthsary din namin the day before the christmas kaya sana may surpresa ako sa kanya. Gusto ko kasi lagi syang masaya baka kasi mauntog ang ulo nya at iwan ako.

Tungkol naman sa kapatid ko, hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasabi na kapatid ko sya. Wala pa akong sapat ng loob para umamin.. Kapag nandyan na, natatakot naman ako. Baka kasi kapag nalaman nya ay layuan ako ni Xhyren. Tss. Wala bang matinong paraan para maging okey ang lahat? Hay.

I'm looking forward pa naman na sana this christmas, kumpleto na kaming magpamilya. Di ko masabi sa parents ko dahil gusto ko silang isurpresa. Ayaw ko namang ispoil yun. Tsk. Sana nga ay mangyari yung iniisip ko para masaya na sina Mama at Papa di ba?

" Babe, pwede mo ba akong samahan mamaya? " naglalakad kami sa mall na magkahawak ang kamay.. Hehe. Hinila ko lang. Nakakabagot din naman kasing magstay sa audi lalo na at di naman nagpe-perform sina Sunget dun. Di ako interesado sa ibang band eh, kina Sunget lang! Ang hot nya kasing maggitara. Whew! Nakakapang -- nakakamangha ah.

" Saan? " tumigil ako sa paglalakad kaya ganun din sya. Humarap ako sa kanya.

" Sa kapatid ko. Gusto ko kasi syang makausap at makita. " sabi ko.

" Sasabihin mo na ba ang totoo? "

" Kung kaya ko, Babe. "

" Kaya mo yan. Matagal na rin naman kayong magkakilala hindi ba? I mean, nakakausap sya na di nya alam na kapatid ka kaya siguro naman it's about time na malaman nya na ang totoo. Malalaman rin naman nya yan eh kaya why you should take it for so long to tell her? Ice, oo pwedeng iwasan ka nya o gumulo ang lahat once sinabi mo na pero hini naman mabubura ang katotohanan na magkapatid talaga kayo. Kung naaalala ka nya, i'm sure gusto ka rin nya makita at makasama. " hiwakan nya ang dalawang kamay ko. Tama din naman si Sungit kaya sobrang mahal ko sya eh. Andyan din sya para sa akin. Andyan kami para sa isa't isa.

" Really? " nakangiti kong tanong.

" Oo, kaya tara na! Punta na tayo agad dun. Papatagalin mo pa kasi eh.. "

Wala na kong nagawa nung hilahin nya ako palabas ng mall at nagtungo sa kotse ko saka pumunta sa kabilang bayan para makipagkita kay Xhyren. Sa totoo lang, medyo hassle 'tong ginagawa ko. Ang layo kasi ng lugar nila kahit kalapit bayan lang namin. Pinahuling baranggay kasi sila. Ang layo ano? Pero okey lang, kapatid ko eh.

Pagdating namin dun sa kanila, nakapunta na kasi ako dun dati dahil niyaya nya ako, ay agad naming nabungaran ang nagpalaki sa kanya at tinuring nyang mga magulang pero wala si Xhyren. May pinuntahan daw eto kaya napagpasyahan namin ni Sunget na hintayin na lang eto.

" Ikaw pala, Ice. Halika tuloy ka, Iho. Mabuti at napasyal ka ulit dito sa amin. " wika ng babae sa akin. Napatingin naman sya kay Sunget. " Girlfriend mo ba 'tong napakagandang dilag na kasama mo? " dagdag na tanong nito.

" Oho, Aling Milagros. Si Lourenz po. Babe, sina Aling Milagros at Mang Jessie. Yung mga tinutukoy ko. " pagpapakilala ko sa isa't isa.

Nakipagkamay si Babe sa kanila at bumati. " Magandang hapon po. "

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon