chapter 41

2.5K 42 2
                                    

CHAPTER 41

*Lourenz's Pov*

Nakaupo lang ako. Nakatingin sa kaharap kong pader pero di naman talaga dun ang isip ko eh. Tumatagos lang doon. Pilit kong pinapasok sa isip ko na wala na si Papa. Ilang oras na syang nawalan ng buhay pero eto ako, tulala at tuliro. Di matanggap ang nangyari. Wala akong maramdaman kundi kirot,sakit at bigat ng puso ko. Para akong naging manhid. Sana nga ay naging manhid na talaga ako para di ko 'to nararamdaman. Ang hirap hirap! Parang katapusan na ng mundo.

Iniwan ako saglit ni Ice para ibili ako ng pagkain. Kahit anong tanggi ko.. Umalis pa rin sya dahil kagabi pa daw ako di nakakain. Sabi ko nga, masasayang lang ang pagkain dahil wala akong gana. Di kaya tanggapin ng sikmura ko ang pagkain. Ang tangi ko na lang gustong gawin ng mga oras na yun ay umiyak ng umiyak at ilabas ang nararamdaman ko. Alam kong mukha na akong tanga dun na nakaupo at iyak ng iyak. Ang sakit kasi! Ni hindi man lang naintay ni Papa si Mama na dumating bago umalis. Ang daya nya talaga! Napahagulogol na naman ako sa iyak.

Naramdaman kong may mga yabag na lumapit sa akin and told me, " Be strong! Remember, not everything has a happy ending and endings don't mean stop! Di pa katapusan ng mundo, girl kaya wag kang magmukmok dyan. Cheer up! " pag-angat ng ulo ko. Nakita ko ang pamilyar na babae na minsang nakausap ko na.

" G-Greeny, right? " tumango sya.

" Yup. Ako nga. Narinig ko ang nangyari sa papa mo. Condolence nga pala.. Alam kong masakit talaga yun. You know what, it's just a way of telling us that there's a new beginning ahead of us. You should always be ready for the unpredictable and expect the unexpected. It's easy to fall, hard to get up.. but once you're up & back on track, you will be a better person.. I know God has it's reason why He gave you that kind of consequence. Kung bakit nasasaktan ka ngayon ng sobra.. Kung bakit nawala sya sa inyo.. Papa mo lang ang nawala. Marami pang taong nagmamahal sa'yo dito. Yung boyfriend mo, mga kaibigan mo, ang mama mo.. Kung may mawala, may papalit. Pag may katapusan, may umpisa. Kaya sigurong nagkita kayo ng papa ko bago sya nawala ay dahil para i-closure nya ang nangyari sa nakaraan ninyo.. Para mawala na ang galit at sakit na binigay nya sa inyo nung umalis sya. Madami pang pagsubok na dadaan sa buhay mo at alam ng Diyos na makakaya mo yun harapin dahil matapang ka.. Fighting Lourenz! Kaya mo yan! Magpakatatag ka lang para sa mama mo.. "

" Bakit ang dami mong alam? " Feeling ko, ang tagal na naming magkakilala kung magsalita sya. Ang gaan din ng loob ko sa kanya. Ang ganda nya tapos ang bait pa. Parang perfect woman pero parang may pagka-misteryoso sya kung titingnan maige. May kung ano sa kanya na kakaiba.

" Sabihin na lang nating matalino ako kaya madami akong alam. " Kinindatan nya ako. " Oh sya! Start na kasi ng On Job Training ko e baka ma-late pa ako. Maiwan na kita dito. Basta be strong, girl! Isipin mo na lang na nagpapahinga na ang papa mo dahil napapagod na rin sya. Bye bye rock princess! " ngumiti sya tapos naglakad na sya palayo sa akin. Ni di man lang ako nakapagpasalamat sa mga sinabi nya.

" Teka-- Paa-- Ba-- " nauutal na tuloy ako. Kasi.. Kasi para syang si Terrence. Babaeng Terrence na may pagkaweirdo! Di kaya isa rin syang secret agent tulad ng sabi ni Ice na detective si Terrence? Di ko alam na may pagkamisteryoso pala 'tong university namin. May mga ganung estudyanteng nag-aaral pala dito. Talagang weird ang dalawa na yun eh. Dumating sila sa buhay namin unexpectedly. Parang kabute. Eh di ba yung iba nun eh may lason? Haha. You know what i mean?

Napaupo uli ako sa pagkakatayo ko dahil nakalayo na si Greeny. Kahit papaano nabawasan yung bigat na nararamdaman ko sa mga sinabi nya. Nakapagpagaan ang mga salita nya.

" Babe! " napalingon ako sa kabilang side. May bitbit syang dalawang supot ng pagkain. Ano ba yan? Wala nga akong ganang kumain tapos madami pa ang binili nya. Balak nya ba akong patabain? Tss.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon