chapter 34

3.1K 61 4
                                    

CHAPTER 34

** medyo mahaba ang chapter na to. May special parts din, spoilers para sa ibang scene and etc. etc. blah! Blah! Haha. Ihanda ang galit, inis, tuwa at.. iyak? De joke lang. Hehe.

*Lourenz's Pov*

" S-Salamat.. " Sambit ko nung hinatid nya ko sa amin. Sobrang sama talaga ng loob ko sa nakita ko sa mall. He's happy with other girl while I? Pinapaasa? Well, wala naman syang sinabing umasa ako pero di mo lang talaga mapigilan kasi nga sa word na may nangyari sa inyo. Di ba? Diba? Sinong babae ang hindi mag-iisip ng ganun? Kahit respeto na lang sana kasi di ba? Wala e. Bastusan lang! Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganitong sakit. Kay Aaron, never pa. Masakit din pero mas sobra ang kay Ice ngayon. As in, sobra talaga! Kaya masasabi ko talagang TRUE LOVE ko sya. True love? Haist. Nakakainis! Nainlove na naman ako sa maling lalaki. Kaya di ko talaga maiwasang maging manhater e! Inaabuso nila ang pagmamamahal ko at tiwala sa kanila. Nakakainis talaga! Bat ba nainlove na naman ako?? Wala na ba talagang seseryoso sa akin? Sa gaya kong nerd? Correction. Di na pala.

" Wala yun. Basta kapag kelangan mo ulit ng panyo. Call me.... Baby. "

" Ulol! " Sino kaya 'tong Rence Arizdon na to? Bat biglang sumulpot sa buhay ko? And sa oras pa na iniwan ako ni Ice. Katulad dati, nung bumalik si Aaron. Dumating din si Ice sa buhay ko. Ginulo ako. Kinulit. Hanggang sa tinuruan nya akong magmahal muli. Ayaw kong maulit yun sa Terrence na 'to. I must be aware. Kasi baka may possibilities ngang mangyari yun.

" Ah sige, una ko. Goodnight! " Oo, gabi na. Ginabi kasi kami sa mall. Ilang oras kami sa ice cream store e. Kumain ng ice cream. Pampawala ng sama ng loob sa Ice na yun.

Bestfriend? Ok naman sa akin yun e. Kung kinausap nya ako agad pero.. HINDI! HINDI! HINDIIIII!

" Sige, ingat ka, Terrence. "

Nag-umpisa na syang naglakad palayo sa akin. Nanatili ako sa gate hanggang sa maglaho sya sa paningin ko bago ako pumasok sa bahay. Wala talaga akong idea kung sino sya. Basta ang alam ko sya si Terrence Arizdon. I don't even know kung saang department sya at anong year o ilang taon na sya. Mystery sya para sa akin! Sabagay, di naman ako nagtatanong.

Nang humiga na ako sa kama ko para magpahinga. Nakaramdam ako ng pagod. Pagod sa nangyari sa buong maghapon o pagod ng masaktan at magmahal? Ang bigat sa dibdib. Yung tipong ang hirap ka huminga at any moment, iiyak ka na naman dahil sa naalala mong masakit.

" Ice, bakit mo ba eto ginagawa sa akin? May mali ako pero di mo naman kelangang iganito ako e! Ang pasakitan ako ng sobra. Kung nasaktan ka man sa ginawa kong desisyon, nasaktan din naman ako ah! Pero eto? Etong ginagawa mo? Hindi tama to e! I don't deserve to be treated like this. Pagod na pagod na akong nasasaktan. Pagod na pagod na akong umiiyak! Pagod na pagod na akong magpanggap na kaya ko pero ang totoo, hindi naman pala. Pinapakita kong malakas ako sa harap ng mga tao pero deep inside, mahina ako. Mas mahina pa ako sa bestfriend ko. "

Alam ko, di naman nya to naririnig e. Di nya alam yung hurt na nararamdaman ko. Akala nya ba kilala na nya ako? Hindi. Ako si Lourenz na mahina. Mapagpanggap. Kinakaya ang lahat. Akala mo matigas pero malambot lang pala.

Bumangon ako sa pagkakahiga at pinunasan ang luha ko.

" Bwesit! Sabi ko, di na ako iiyak e. Nakakasawa na kaya ang umiyak! " Pag ako na lang mag-isa, di ko na mapigilan ang umiyak. Dun kasi lahat bumabagsak ang lahat ng mga sakit e. Yung parang dun naiisip mo, nag-iisa ka na lang.

Ilang beses ba ako masasaktan?

Natural? Di naman natural yun e. Kaya ka nga nagmamahal para maging masaya e pero puro pasakit lang pala ang dinadala sayo. Abnormal lang! Gago ang umembento ng pag-ibig na yan. Peste talaga! Bwesit! Ang sakit talaga! Tama nga ang sabi nila. Walang ibang binibigay ang pag-ibig kundi sakit at umasa. Swerte kung magiging masaya ka. Etong mundo na ito, CRUEL! Unfair! Nabubuhay sa problema. Kita mo nga, kahit anong gawin ng mga tao, walang PEACE ON EARTH. Ansabeng nadamay yun! Haist. Urgh.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon