chapter 50

2.4K 45 1
                                    

CHAPTER 50

*Lourenz's Pov*

" Siraulo ka talaga kahit kelan, Ice! Ang sama mo! Iniwan mo na naman ako ulit ng walang pasabi! Saan ka ba nagpunta? Ha? Nakakainis ka talaga! Inulit mo na naman. Hindi mo ba alam na kung anu ano ang pinag-iisip ko nung nawala ka ng walang paalam. Nakakainis ka! " Panay iyak na ako at singhot habang yakap niya ako. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko eh. Tuwa, inis, galit. Lahat lahat na lumabas ng mga sandali na yun pero nangingibabaw ang tuwa na nadarama ko. Sabi ko na nga ba e, babalik siya. Babalikan niya ako. Ang saya saya ko. Sana di matapos ang ganung eksena. Sana tuluyan na kaming masaya. Sana nga talaga... Yun lang ang hinihiling ko. Ang matapos na ang lahat ng mga pagsubok at maging masaya na kami ng lubusan.

" Sorry talaga, Bhabe. Swear! Yun na ang huling beses na iiwan kita. Biglaan kasi ang nangyari eh. Later on, malalaman mo din ang dahilan kung bakit umalis ako ng walang paalam. Sa ngayon, wag muna nating isipin yun. Ang mahalaga ay nandito na ako. Di ba? Namiss talaga kita, Bhabe. Sobrang miss na miss kita. Sana wag ka ng magalit sa akin. Hayaan mo, babawi ako ngayon, sa mga panahon na wala ako noon sa mga mahahalaga okasyon na dapat nandun ako. I am really sorry. Sorry, Bhabe. " Natahimik na lang ako pero humihikbi pa rin. Nakakainis talaga! Kahit sobrang sama ng loob ko sa kanya, hindi ko pa rin sya matiis. Hay! Di ko pa ring magawang magalit sa kanya ng husto. Siguro, talagang mahal ko lang sya.

" Magbibihis muna ako. " Sabi ko na lang. Hinayaan nya naman ako. Di naman nagtagal ang pagbibihis ko at agad ko siyang hinarap ulit. Nakaupo na eto sa sofa at ang mga kamay ay nasa sa sandalan. " Ikaw yung nasa hotel kanina di ba? " Tanong ko.

" Hehe. Oo. Gusto ko lang kasi makita kung saan ka nagtatrabaho eh. " Binatukan ko nga sya nung lumapit ako sa kanya. Dahil sa kanya, napagalitan pa ako pati si Terrence ay napasubo din. Hay! " Aray ko naman! Bhabe talaga! Sorry na oh. Wag ka ng magalit ha? Please? " Hinila nya ako at pinaupo sa lap nya. Ako naman, tinitigan lang sya. Wala namang nagbago sa mukha nya. Ganun pa rin. He's cute. Makulit at pilyong lalaking nakilala ko. Niyakap nya ang bewang ko saka nagsalita ng, " Mahal kita. "

" Mahal din kita, Ice. " umakyat ang isang kamay nya papunta sa batok ko at unti unti nyang nilapit ang mukha ko sa mukha nya. Akma nya sana akong hahalikan pero hinarangan ko ng kamay ang mukha nya. " Oops! Baka san pa yan mapunta e. " paalala ko.

" Naman oh! Kiss lang e. Huhu. Miss ko yung lips mo e. " pag-iinarte nya. Piningot ko ng marahan ang ilong nya.

" Pilyo ka talaga! " ngumiti na lang sya sa akin kahit ngumingiwi at niyakap na lang ako. Katahimikan ang sumunod na nangyari. Nang tingnan ko sya, napapikit eto. " Ice? " untag ko sa kanya.

" Hmmm? " he moaned but still, his eyes is close.

" Antok ka na? Gusto mo, dito ka na lang matulog. Wag ka ng umuwi sa inyo. " bigla namang napadilat sya dahil sa tinuran ko.

" Talaga? " tumango ako bilang sagot saka tumayo sa pagkakaupo sa lap nya. Inayos ko ang higaan at kumuha ng isang unan sa kabinet.

" Tulog na tayo.. " tumungo sya sa kama saka humiga. Dahil na rin sa pagod at antok, pagkahiga ko ay pumikit na ako.

Sana hindi panaginip ang nangyayari. Sana pagkagising ko, andun pa rin si Ice at katabi ko pa rin sya.

" Goodnight, Bhabe. I'm sorry kung kelangan kong mawala ng mahigit isang taon. Para sa atin din yung ginawa ko. I am happy na kahit iniwan kita, walang lalaking umaligid sa'yo. Hindi mo alam kung gaano ako kasuwerte to have you. " Gusto kong imulat ang mga mata ko pero hindi na kaya ng talukap ko. Gusto kong makita ang mukha nya habang nagsasalita sa tabi ko. Maya maya nun ay naramdaman ko na lang na may humalik sa pisngi ko. " I love you so much, Lourenz. Very very much. Wala na akong mahihiling pa kundi ang makasama ka habambuhay. " Nais ko pa sanang magsalita pero hindi ko na kaya. Hinihila na ako ng antok at tuluyan na nga akong nakatulog. Nakatulog na kasama ang lalaking mamahalin at pakakamahalin ko.

When Nerd turn To Rock Princess (on the process of editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon