Charm #8: Meet their new friends.. and enemies >.<

420 17 8
                                    

ELISA’S POV

Nasabi ko na ba sa inyong baliw tong pinsan ko? Kasi kung hindi pa, sinasabi ko sa inyo malala na sya..

“WAHHH!! EL ANONG GAGAWIN KO?!!! PANO PALA KUNG GALIT NA SAKEN SI AARON?? PANO KUNG IWASAN NA NYA KO? HUHU!! EH KASI NAMAN EH YUNG LINTANG MAY RABIES NA FROGLET NA HARIPAROT AT MALANDING OCTOPUS NA YUN EH.. HUHU!! EL ANO NA LA-” ayun nabatukan ko nga.

“Stop it ok? At hindi ako aabsent kahit anong sabihin mo kaya tara na.” At yun na nga nagsimula na ang hilahan match namen ni Nel. At syempre nanalo ko, bwahahaha!!!

Nung nasa gate na kami ng school para namang maiihing hindi tong si Nel.

“Hoy Jeanel! Hindi ka bibitayin ok. Relax. Naliliyo ako sa kalalakad mo eh.” Paikot ikot kasi sya eh, tapos kinakagat pa nya yung kuko nya, naku! Pag yan naubos di ko na kasalanan. =__=

“Oi El ice cream muna tayo please.. my treat.” Syempre pumayag na ko no, libre eh. Hahah!! Kahit kailan talaga taong ice cream tong si Nel. Nung nasa cafeteria na kami, bumili na kami ng ice cream then settled dun sa isang table na 2 lang yung nag-ooccupy.

“Hi miss..” pagkaupo namin binati kagad kami nung lalaki na katapat namin. Argh! Give me a break! Wag mong sabihing flirt din tong lalaking to?

“Bago lang kayo dito? Ngayon ko lang kasi kayo nakita eh.” Dedma. Yan , siguro naman titigil din to.

“Ano nga palang course nyo?” Ay ang kulet! Lahat ba talaga ng lalaki dito ganito?

“I don’t mean to be rude or anything ok? Pero may boyfriend na sya at ako hindi interesado, kaya pwede kumain na lang kame ng tahimik?” Nagsinungaling na lang tuloy ako, ayaw tumigil eh.

“ah, so may boyfriend na sya.. mukhang dapat na syang mag-ingat saken” ANO DAW?!!

“Don’t tell me mas type mo ang mga girls na may boyfriend?! Grabe lang ha?!” gulat na sabi ko sa kanya

“hahahah!!! Gaga! Mag-ingat sya kasi baka agawin ko yung boyfriend nya. Bwahahahah!! Totoo pala talaga ang balitang nagflylalu madir! Palaban nga ang sister na itech! I like them na, vagay sila sa ating federasyon!!”

O_______O

OH.MY.GOD!! Beki sya?!! I think my jaw almost fell. At parang magpa-pop na ang mata ko sa sobrang gulat. Shemay!!! for real talaga?!!

“sisteret ang lifs mo, baka magflaylalu ang langaw dyan, sige ka..” at nagulat na lang ako nung biglang umirit si Jeanel..

“wahhh!! I luv u na!! I love gays!! Sisters na tayo ah!!” oh I forgot, fond nga pala si Jeanel sa mga beki. Ewan, Masaya daw kasi sila kasama kaya un nahawa na din ako sa kanya.

“Ay havey sisterhood!! Ay nga pala ito si madir! sister, meet Anne Janine, isa sa aking friendship na wagas.” Napatingin naman kami dun sa babaeng sinasabi nya. Actually, maganda sya, kaya lang di naman sya galit sa itim parang aatend ng lamay eh.

“Oh shut up ANGELITO! I told you not to call me by my whole name!” then she turned to us at ngumiti.

“I’m AJ nga pala at sya naman si Angel. Nice meeting you.” At yun na nga nagpakilala na din kami ni Jeanel at nalaman naming na pare-pareho kami ng course which is Psychology at magkakablock pa kami.

And soon enough nga nagtatawanan na kami na parang walang bukas. Eh bakit ba Masaya sila kasama eh! Pero in the middle of our conversation nagulat na lang ako kasi naramdaman kong may dumaloy na malamig sa balikat ko.

My Prince.. not so charmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon