Charm #11: Accidental Kiss! >.<

376 17 7
                                    

ELISA'S POV

"Ewness! ang chaka ng outfitlaloo na itech! hindi bagay sa beauty ko!" kanina pang nagrereklamo tong si Angel dahil sa uniform namen. Remember waiter nga kami di ba?

Nasan kami ngayon?

?____?

*silip*

*silip*

Andito na kami sa aquaintance/masquerade party. Takte! nangangati ako dito sa maskara na to! Pauso ung naghost. Hindi naman kaya bingot sya? o kaya banlag o may pimple na malaking malaki!! =__=

Pero anyways dahil nga trabaho namen to eh kailangan naming gawin to. Pero Letchugas! ang alam ko waiter kami! eh ang mga froglet na spoiled na estudyanteng to na itago na lang natin sa pangalang babaeng luya (wag kayong magtaka, kahit nakamaskara kilalang kilala ni Angel ang hilatsa ng mukha ng kaaway nya bwahahah!! XD), feeling ata alalay kami! Aba! Papunasan daw ba saken yung sapatos nya?!

Pero syempre dahil isa akong mabait at dedicated sa trabahong waitress, eh hindi ko yun ginawa!! bwahahah!! ano namang feeling nya julalay nya ko? excuse me baka mayordoma pwede pa, bwahahah!!

At dahil nga mabuting kaibigan si Angel eh pinagana na naman nya ang kamalditahan nya. (insert evil laugh here XD) Nung dumaan kasi sya sa table nina Ginger eh pasimple nyang tinapunan ng wine ang gown nito. At ang resulta?

"AHHHH!! How dare you do this to my dress!! you stupid waiter!! Ahh! I'll report this to your manager! youll see, youll get fired!! Ahh!!" Oh-ow I smell trouble! pero kaya mo yan Angel! You go Boy este Girl pala!

"Ginger don't be too harsh on him. Sayang ang pogi pa naman ni Kuya waiter! May girlfriend ka na ba?"

EPIC. Bwahahah!! halos maiyak ako sa katatawa habang pinapanood ko ang nangyayari. I mean si Angel magkaka-girlfriend?! bwahahah!! at ang mas nakakatawa pa eh hindi makasigaw si Angel kasi makikilala sya ni Ginger!! LOL!

"Attention, Ladies and Gentlemen; let's give a round of applause for my grandson and the heir of FORD university. Finally pumayag din sya na ummatend sa party na ito. Let's Welcome Xander Ford."

Phew save by the bell si Angel. At kung tinatanong ko kanina kung may kung ano ba sa naghost nito, meron nga ata. Kasi nung nagsimula ng bumaba ng stairs ung si Xander eh halos tumulo ung laway ng mga babae, except me ok? Mukhang dapat nga atang magmaskara tong si Xander, baka kasi pagtinanggal nya un eh halayin na lang sya bigla ng mga guest!! LOL

Pero syempre ok na ok un. Kasi habang busyng-busy ang mga guest sa paglalaway este pagtingin eh pahinga mode kami. Bwahahah!! sige tagalan mo pa yang lakad mo, hahaha!!! XD!

Nung makarecover naman lahat eh parang bumalik na ulit sa dati. Sayang! yan tuloy, utos dito, utos doon na naman ang drama ko.. huhu!! Pero ang ikinagulantang ng aking katawang lupa (katawang lupa talaga eh no? XD) eh nung sa dinami dami ng waiter eh ako pa ung tinawag nung si Xander. Syempre pumunta ako, ako nga ang dakilang api di ba?

Hindi ko alam kung bakit pero parang familiar tong si Xander. Habang papalapit kasi ako sa kanya eh parang nakakahawig sya ni Amiel. Pero syempre imposible yun. Nagseserve din un ng drinks kanina eh.

At dahil sa hindi lang ako dakilang api kundi dakilang lampa din eh natakid ako habang naglalakad. Letchugas! pag minamalas ka nga naman sunod-sunod!! >.<!

"Ooppss! Sorry!!" Bwiset! Hindi ako pwedeng magkamali! Boses un ng etchoserang froglet na bruhang si Ginger!! at 200% sure ako na sya ang dahilan ng pagkatakid ko!! Ahh!! kung alam ko lang na ganito dapat muriatic acid at hindi wine ang itinapon ni Angel dito kanina!!

Hinintay ko na lang na bumagsak ako, pero nagtataka lang ako kasi ang tagal ata. Nagulat na lang ako kasi someone held me by the waist. At ang mas nakakagulat, si Xander yon! Pero hindi nya rin napigil ang pagbagsak namin. And the moment Xander hit the ground, something I never thought would happen even in my wildest dreams happened.

Tae! Napapaenglish ako!! Eh Letchugas naman kasi!! @#^$%T^!! Aliens iabduct nyo na lang ako!! O kaya ipadala nyo na lang ako sa gyera at makikipagbombahan na lang ako!!

You wanna know why?

Kasi the moment Xander hit the ground...

our lips accidentally met.

Wahhh!!! Ang first kiss kooooo!!! >.<

______________________________________________________________

Short Update guys!! medyo busy eh.. ^___^

My Prince.. not so charmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon