Charm #13: The Bet

330 15 5
                                    

ELISA'S POV

"Hey EL! bilis na please, excited na kaya ako! ayiee!" papasok na kami ngayon sa university pero hindi ko maintindihan kung anong nararamdaman ko.

Letchugas para akong naiihing hindi. ang dami naman kasing pinagsasasabi nitong si Nel eh!!

** flashback**

''Ganito kasi yan El, pag iniwasan ka ni Amiel bukas ibig sabihin affected sya. Which implies na nagseselos sya, meaning may gusto sya sayo''

**end**

Isa pa yan, kahit ano kasing pilit ko na kalimutan na lang ung sinabi ni Nel eh hindi ko mapigilan. Unli lang te? paulit-ulit? >.<

At di rin nga nagtagal eh nakarating na kami sa harap ng building namin kung saan nakaabang sina Aaron bebelabs nitong pinsan kong baliw. Ay tae! nahahawa na ko dito kay Nel eh!! >.<

Noong makita ko si Amiel, hindi ko maintindihan ang expression nya. Papansinin nya kaya ako? Pakiramdam ko bigla na lang nanuyo yung lalamunan ko sa kaba kaya uminom muna ako ng tubig.

"So El, kumusta naman ung kiss nyo ni Xander noong acquiantance?" Sa sobrang bigla ko sa tanong ni Liam, naibuga ko ung iniinom kong tubig. Alam nila?! wahhhh!!!

"Ewness sister!! wapoise ang beauty mo!! Bat mo naman binuga ang waterlaloo?!!" Hindi ko na nasagot ang tanong ni Angel kasi napatingin ako kay Amiel na binatukan si Liam at papalapit saken..

Dugdug..

Dugdug..

Dugdug..

Peste! hindi naman kami nagmarathon ni Nel ah, pero bakit ganito kabilis ang pintig ng puso ko?

"Dungis mo..". Takte! mamamatay na ata talaga ako!! Bakit ba naman kasi pinupunasan ako ni Amiel ng sarili nyang panyo ngayon? At bakit ba ganito ang epekto ng linsyak na lalaking to saken?

"uwaaa!! bakeeett?!!" napatingin naman kaming lahat kay Nel. At sa tingin na ibinaling nya saken parang alam ko na kung bakit sya sumigaw.

**Flashback**

''Ganito kasi yan El, pag iniwasan ka ni Amiel bukas ibig sabihin affected sya. Which implies na nagseselos sya, meaning may gusto sya sayo''

***end***

Baliw talaga tong pinsan ko. Parang mas affected pa sya kesa saken eh.. I felt relieve nung pinansin ako ni Amiel pero hindi ko maintindihan kung bakit parang a part of me felt disappointed. Tae! bipolar na ata ako! =__=

"Ahmm.. El..." hindi ko masyadong napansin ung sinasabi ni Amiel dahil sa sobrang inis ko.

"Kasalanan to nung Xander na yun eh! patay talaga saken yun pag nakita ko!! May sinasabi ka Amiel?" 

"Ahm.. Ano.. wala! late na ata kayo.. sige.." hindi ko mabasa kung anong expression ni Amiel. Pero para talagang may gusto syang sabihin eh. Pero sabi naman nya wala, ay ewan!! Labo!

****

"Uwaaahh!! Hindi ko talaga maintindihan, bakit ka nya pinansin?!! Akala ko pa naman magkakaluvlyf ka na pinsan? bakeet?!!" hanggang sa pagpunta namin sa PE class which is our last subject, ganyan pa din yung nginangawa ni Nel. Ewan!! mas frustrated pa saken eh..

"Sabi ko naman kasi sayo walang gusto sakin yun!! Letchugas naman sino bang nagpauso ng shorts para sa PE?!" 

"Trulaloo sister!! bakit ako hindi pwedeng magshorts?! Pero wit wit wit!! Hinde! malakas ang aking radar na may HD nga si Papa Amiel sayo sisteret!!" singit naman ni Angel.

My Prince.. not so charmingWhere stories live. Discover now