Charm #4: Bad for the health

528 23 19
                                    

Si Amiel ---------------->>>>>>>>>>>

_________________________________________________________

ELISA’S POV

Sabihin nyo nga saken. Ano ba ang ikina romantic ng candle light dinner? Aist ang dilim naman eh! Pano ko ngayon mababantayan ng maayos tong si Jeanel? Psh! Candle light candle light? Anong feeling nila, earth day at kailangang magconserve ng energy? =__=

Nandito pa rin kami sa clubhouse, this time andito na si Jeanel at nagpi-PBB teens kasama si Aaron nya.

“Asar! Ang dilim naman eh!!”

“Psh! Wag ka ngang pakialamera! Hayaan mo sila!” at bago pa ko makapagreklamo hinila na ko ni Amiel palayo dun sa pintuan kung saan tanaw namin sina Jeanel..

“Hoy, teka lang! pano kung may gawing masama ung si Aaron? Pano kung serial killer pala yun.. O kaya vampire! Nagaala Edward Cullen at dugo lang ang habol sa pinsan ko?”

“Alam mo I suggest tigil tigilan mo na ang masyadong panonood ng tv.. masyado ng lumalawak ang imagination mo eh.. Hayaan na natin sila. Malaki na sila, alam na nila ang ginagawa nila at tsaka, bakit ang taray mo? Masyado ka pa namang bata para magmenopause, so.. PMS? ”

“Wow Maki yan na yata ang pinakamahaba mong speech ever! Pero teka! porket mataray PMS na kagad?! hindi ba pwedeng naiinis lang muna? At tsaka, ikaw kalalaki mong tao ang chismoso mo! bakit may nalalaman ka pang PMS dyan? bading ka siguro no?!”

“WHAT DID YOU JUST SAY?! Alam mo ba ang nangyayari sa mga nagsasabi saken nyan?” then he eyed me from head to toe. *shivers*

At heto na naman po sya sa kanyang famous lean forward.. at nung malapit na sya saken, he whispered..

“Pinapatunayan ko ang pagkalalaki ko”

O___O hanooo daaww?!!

"Wag kang lalapit! MANYAAKKK!!" >.<

By this time naka-smirk na sya at patuloy lang na lumapit saken, tiningnan nya ko sa mata at sa hindi ko malamang dahilan eh kumabog ang dibdib ko.. Argh! I hate this! Bakit ako kinakabahan?!!

So I did the most logical thing to do.. I stepped backward..

Step..

Step..

Step.. Habang sya naman eh sunod lang ng sunod..

“Now bakit ka natatakot El? Ni hindi pa ko nagsisimula” nakakalokong ngiti naman ngayon ang binungad nya saken. Wahhh!! >.<

“Wag ka sabing lalapit!!” I stepped backward again.

“E pano kung ayoko?” pero tuloy pa din sya sa pagsunod..

“Sabi ng wag kang lala-” (SFX: CLICK!)

At dahil nga sa kaaatras ko eh nasagi ko na pala yung pinto kaya nagsara iyon. Naisip ko naman na buksan na lang yon para makalabas na at matakasan tong si Amiel, pero pag turn ko nung doorknob..

“Crazy girl!” di ko na sya pinansin at tuloy pa din sa pagpihit sa doorknob..

“Hoy babaeng may topak!” NR pa din ako.. bakit ba kasi ang hirap nitong buksan?!

“Hoy babaeng autistic! nalock tayo!” Ano daw? Nalock lang naman pala eh.. Nalo-

“ANO?!!!”

My Prince.. not so charmingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon