EPILOGUE

32 8 0
                                    


Luna's POV

FIVE MONTHS LATER

Nag-ring nang pagkalakas-lakas ang telepono ko dahilan para magising ang natutulog kong katawang lupa. Gamit ang isa kong kamay ay kinapa-kapa ko iyon sa side table. Ni hindi ko magawang dumilat dahil bagsak na bagsak ang talukap ng mga mata ko.

Hindi ko naman kasalanang inaya akong mag PUBG kagabi ni Cloud. Ang ulap na 'yon talaga, isang please at konting pagmamakaawa lang ay nagagawa niya na agad akong pasunurin. Kakaiba ang lintek niyang charms.

Sa wakas ay nakapa ko na rin iyon. Todo swipe ako kahit hindi ko nakikita ang screen dahil sa sobrang liwanag.

Sinubukan kong idilat ang kaliwa kong mata para silipin kung nasagot ko ba ang tawag at nakita ko namang umaandar na ang oras. Nilagay ko 'yon sa tenga ko atsaka bumuntong hininga.

"Oh." Sagot ko sa mystery caller.

"Ako na lang sana ang minahal pagkat pag-ibig ko'y magtatagal..."

Sino ba 'to? Bakit biglang kumanta? Madaling araw pa lang, nagdadrama na.

"Pwede na bang sana tayo na lang... ako na lang... tayo na lang..."

Kahit labag sa loob ay dahan-dahan akong bumangon atsaka tinignan ang pangalang nakaflash sa screen. Una kong nakita ang oras, 4:44 am.

"Ikaw lang talaga ang minahal mula noon... 'di pa rin nagbabago sa 'yo hanggang ngayon..."

Gusto ko siyang pahintuin sa pagkanta pero talagang ang ganda ng boses niya. Patagal nang patagal ay paganda rin nang paganda ang paraan niya ng pag-awit. Hindi nakasasawang pakinggan at isang malaking kamalian ang pahintuin siya agad.

"Ano mang panahon, ako'y maghihintay... hindi babaling sa iba... Ano man ang gawin, 'di kayang pigilin, aking nadarama..."

Ngayon ko lang narealize na maganda pala pakinggan ang isang boses kapag bagong gising. Kahit medyo husky, I can still feel the emotions.

"Ako na lang sana ang minahal pagkat pag-ibig ko'y magtatagal..."

This song... brings back memories of the past.

"Pwede na bang sana tayo na lang... ikaw ang tangi kong pangarap makasama... Ako na lang sana ang inibig mo pagkat sayo'y di magbabago... kung pwede lang... ako na lang... tayo na lang..."

Binalot kaming dalawa ng katahimikan. Hindi ako nakapagsalita at siya naman ay nanatili ring walang imik pagkatapos kumanta.

"H-Hey... still awake?" He asked but I remained silent. "I-If you can still hear me, I just wanna say that I'm waiting..." He added.

Pinigilan kong tumawa.

Oo nga, sobrang aga mo maghintay.

Pinili kong hindi umimik at hinintay lamang na magsalita siya ulit.

"I-If not, I want to say what I feel... what I really feel..."

Bahagyang kumunot ang noo ko at saka sumandal sa headboard.

"I'm scared... am I waiting for nothing?"

Natigilan ako sa biglaan niyang tanong. Bigla akong may naalala.

"I'm not tired... I'm just scared... I can't help it." Aniya at bumuntong hininga.

I bit my lower lip and held my head high to breath in.

"Please don't make me wait any longer... Francine."

It's time.

"Sorry dude, wrong number ka." Sambit ko at nahiga na muli.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now