CHAPTER 31: CONFUSED

11 6 0
                                    


Luna's POV

7:45 pm

We are all set here for dinner.

Appa, Sirius and me. The maids? Pinaalis ko.

"How's your feeling, Luna?" Appa asked for the nth time.

I released a deep sigh and rolled my eyes.

"I am more than okay, Appa. Chill out." I answered.

I don't know if OA lang ba talaga ang mga tatay or what. I was fifteen when I last experience fever and halos mapuno ang kwarto ko ng mga nurse at doctor that time. Bawat minutong pagtatanong ni Appa sa kanila kung kamusta ang kalagayan ko ay maya't maya rin ang pagc-check nila sa tenperature ko. Nakakabanas dahil simpleng lagnat lang naman 'yon, kung itrato niya ako ay daig ko pa ang may stage 4 cancer.

"Noona's right. Sino ba namang hindi magiging ayos kung simpleng lagnat ay nagpatawag ka na ng doctor?" Natatawang sabat ni Sirius pero nanatili akong walang reaksyon.

"I'm worried, okay? Once in a blue moon lang lagnatin ang noona mo... kaya nag-alala ako nang sobra." Sagot ni Appa at pasimpleng lumabi.

Mag-ama nga talaga sila.

"What happened, Noona?" Seryoso na ang tono ni Sirius. Hindi ko siya sinagot at pinansin.

"Luna, tell us what's your reason kung bakit ka lumabas nang walang dalang payong." Dagdag pa ni Appa at ramdam ko na ang mga mata nila sa akin.

Pumikit ako saglit at bumuntong hininga.

'Ilang beses ba ako hihinga nang malalim ngayong araw? Tss.'

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa at kahit anong pilit kong ngumiti ay hindi ko magawa. Hindi ko kayang magpanggap na maayos ako.

Oo't wala na akong lagnat. Maayos ako when it comes to my health but I am not in terms of my feelings and state of mind.

Maraming tanong sa utak ko na hindi ko mahanapan ng sagot. Maraming gumugulo sa akin at parang patagal nang patagal ay lumalaki ang porsyento ng kakulangan ko sa aking sarili. Unti-unting nababawasan ang mga bagay na alam ko tungkol sa aking pagkatao. Parami nang parami ang mga kulang.

Nakipagtitigan ako kay Appa at halatang naghihintay siya ng salitang isasagot ko sa kaniya.

"Can you..." napayuko ako ulit. Pinaglaruan ko ang natitirang kanin sa aking pinggan.

Nawala lahat ng lakas ng loob ko kanina na magtanong. Parang naubusan ako ng salitang gagamitin.

"Luna? Can I what?"

Mariin akong pumikit.

"C-Can y-you..." Huminga ako nang malalim bago muling tumingin kay Appa.

Kailangan ko ng sagot... makakahanap ako ng sagot galing sa kaniya.

Ipinatong ni Appa ang pareho niyang siko sa mesa at pinagdikit ang parehong palad habang ang dalawang kilay niya naman ay nakataas senyales na naghihintay siya sa sasabihin ko.

"Tapusin mo ang sinasabi mo, Luna. What is it?" Parang naiinip niyang tanong pero gamit pa rin ang kalmadong boses.

Oh well, lagi naman siyang kalmado.

"Nasa staring contest ba ako?" Natatawang singit ni Sirius kaya siya naman ang tinignan ko.

Itinikom niya ang kaniyang bibig atsaka tumayo.

"May gagawin pa pala akong assignment, akyat na po ako." Paalam niya atsaka kumaripas ng takbo paalis.

Nakakatakot siguro talaga ang mukha ko kapag walang kaemo-emosyon.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now