CHAPTER 19

19 7 0
                                    

19: The Truth

Hiro's POV

Saktong pagpatak ng alas-nwebe ay nakabalik na ako sa chapel. Tanging ingay lamang ng sapatos ko ang maririnig sa buong paligid.

Ramdam ko ang bigat sa aking kalooban dahil bitbit ko ang buong katotohanan—ang katotohanang ipinagkait sa aming dalawa ni Luna.

"Nakaabot ka." Bungad sa akin ni Father Renz pero hindi ako sumagot.

Naupo ako sa sofa ng opisina niya at tahimik na napahawak sa leeg ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nahahanap ang aking kwintas.

"Anong nangyari at ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga mata mo?" Naupo siya at humarap sa akin.

"Ang ina ni Luna ay isang anghel." Diretso kong saad.

Tila walang nagbago sa reaksyon niya. Ibig sabihin ba nito ay matagal niya nang alam?

"Ina ni Luna ang anghel na tinutukoy mong tumanggap ng kaparusahan na maging imortal."

Sumandal siya sa upuan niya at patagong ngumisi, "Talaga ba?"

Inis akong napasinghal.

"Sabihin mo sa akin, alam mo rin ba kung sinong tunay kong ina? Kung bakit ako namatay? May alam ka ba sa mga nangyayari? May alam ka ba sa pagkatao namin ni Luna?"

Huminga siya nang malalim bago sumagot, "Mukha bang alam ko lahat ng bagay sa mundo, Hiro? Anghel lang din ako tulad mo."

Mas lalo akong nainis. Halata namang may alam siya sa mga nangyayari.

"Tell me what you know, Father Renz." Seryoso kong sambit pero ngumiti lamang siya na tila wala talagang balak sabihin ang totoo.

"Hiro, Diyos lamang ang nakaaalam kung paano ka naging anghel. Ang isang tulad ko ay binigyan Niya lamang ng misyon para magpalaganap ng mabuting balita sa buong mundo. Wala kang makukuhang sagot mula sa akin... at bakit mo pa ako tinatanong? Ngayong ikaw mismo, nahanap na ang katotohanan sa pagkatao mo."

*****

FLASHBACK

Nitong nakaraang mga linggo, naging abala ako sa paghahanap sa ina ni Luna. Kung saan-saan ako napadpad para lang matagpuan siya. Ang dami kong nakuhang impormasyon pero wala ni isa roon ang nakapagturo kung nasaan si Sol.

Pangalawang linggo ng paghahanap, nakuha ng isang babae ang atensiyon ko. Nasa ilalim ako ng puno ng mga oras na 'yun at siya naman ay napadaan lamang sa harapan ko. Nababalutan ng itim na usok ang dalawa niyang mga kamay na tila ba nagsisilbing kadena kung saan man siya pumunta. Doon pa lang, alam kong may kakaiba na sa kaniya.

Sinundan ko siya at hindi nilubayan habang panay ang dasal na sana siya na nga ang ina ni Luna.

Pumasok siya sa loob ng makitid na eskinita at binuksan ang pinto ng isang maliit na bahay.

Madilim ang paligid nang makapasok ako hanggang sa maramdaman kong may sumipa sa akin dahilan upang masubsob ako sa sahig.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now