CHAPTER 27: DESTINY

13 7 0
                                    


Cloud's POV

"Long time no see, Uno."

It's been a century and seven since I last heard that name—sobriquet... my nickname.

"K-kuya Son?"

Hindi pa rin nags-sink in sa akin ang lahat ng nakikita ko.

Seryoso ba 'to?

Nasa harap ko ngayon ang dating bestfriend ko? Ang tumayong nakatatandang kapatid sa amin... ang nagbantay at dumisiplina sa amin ng kakambal ko... ang anak ng pumatay kay Sky.

Naikuyom ko ang aking kamao atsaka bumaling kay Luna.

"I-I'm sorry... I just helped him to see you..." Nakayuko niyang wika.

"You don't have to... hindi ko naman siya kailangang makausap..." Malamig pa sa yelo kong sagot at tinalikuran na sila.

"Let me talk to you... I want to explain my side." Pahabol na sabi ni Kuya Son kaya saglit akong napahinto.

Kahit ang tagal na simula nang huli kong marinig ang boses niya—parang ganun pa rin. Hindi nagbago sa pandinig ko.

Tulad ng katotohanang wala na si Sky.

"I don't need your explanation, I-I'll go ahead." Nagsimula na akong maglakad nang may pumigil sa kamay ko.

Tinignan ko iyon at unti-unting sinuri kung sino ang may-ari.

"Please talk to him. Matagal niyang hinintay ang araw na 'to."

Napalunok ako.

"Luna... hindi ka dapat nanghihimasok sa mga ganitong bagay na wala ka namang kinalaman." Nagtitigan kami for almost 10 seconds at hindi niya talaga ako nilubayan.

Yung mga mata niyang tila nangungusap... bakit ko nakikita 'to ngayon? Anong nangyari at parang ibang Luna ang nasa harap ko? Hindi siya ang Luna nitong mga nakaraang araw... may iba.

"Please talk to him..." I can feel her eagerness.

Bakit ba nage-effort siya na magkausap kami ng lalaking 'to? Naguguluhan na talaga ako sa inaasal niya.

"Just hear him out." Dagdag niya pa.

Bumuntong hininga ako at napatingala. Nadadala ako ng mga tingin niya. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko kahapon ay nawala.

Iyong pinaramdam niyang alalang alala siya kay Minkyu at parang hangin lang ako para sa kaniya. Nagpasalamat siya dahil sa pagsagot ko kay Haylee habang nanganganib ang buhay niya at pinagsabihan niya naman si Minkyu... May iba talaga e.

Pero nawala lahat... ngayong nakikita ko siya, nawala lahat ng sakit at gumugulo sa isip ko.

"Cloud?" Nabalik ako sa reyalidad nang tawagin niya ako.

"Ah... o-okay..." Bigla akong napa-oo!

Stupid! Ano bang nangyayari sakin?!

Natulala ako sa ganda ng pagkakangiti niya sa akin. Ngiting minsan ko lang masilayan... sa mga oras pa kung kailan hindi ko inaasahan.

Hinila niya ako paupo at tumabi naman siya sa akin. Naupo na rin nang maayos si Kuya Son at nginitian ako. Ramdam ko ang pagpapasalamat sa titig niya kaya naiilang akong umiwas ng tingin.

"M-may gusto ka ba munang inumin?" Tanong ni Kuya Son na halatang pinipigilan din ang pagiging ilang sa akin. "Ako na ang magbabayad."

Psh, magdadalawang dekada na kaming hindi nagkita at nag-usap kaya ganito kami kung magkailangan.

"Hindi na... maikli lang naman siguro ang sasabihin mo—"

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now