CHAPTER 11

38 8 0
                                    

11: His Mission

Hiro's POV

"Sakto ang dating mo." Bungad sa akin ni Father Renz nang maabutan niya akong naglalakad sa aisle.

"Sa tingin ko po ay napaamo ko na ang leon." Hindi ko na napigilan pang ngumiti.

"Bakit tila ikaw ang napaamo?"

I froze for a moment after hearing what he had just said.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Takha kong tanong nang tuluyang makabawi.

Naglakad siya papasok sa kaniyang silid kaya sumunod naman agad ako. Sinenyasan niya akong umupo na hindi ko naman na tinanggihan.

"Napansin ko lang sa iyong mga ngiti." Sambit niya bago maupo sa harapan ko. "Mas lalo ka kasing lumiwanag sa aking paningin." He added.

"Baka naman po may deperensiya na kayo sa mata?"

Natawa siya bago maikling umiling, "Isa akong anghel, Hiro. Isinugo ako ng Diyos para magpalaganap ng kabutihan sa mundo. Hindi niya kailanman hahayaang lumabo ang aking paningin."

Ilang akong tumawa. Tama nga naman ang punto niya.

"Maaari mo bang ikwento sa akin ang nangyari sa 'yo sa labas?"

Tumango ako agad.

"Tulad nga po ng sinabi ko, mukhang nakuha ko na ang loob ng leon. Hindi na ako mahihirapang gawin ang misyon ko." 

"Sana nga ay hindi ka na mahirapan... Hindi ba't langit ang gusto mong patunguhan?"

Hindi ko alam kung bakit iba ang dating sa akin ng sinabi ni Father Renz. Para bang may iba siyang nais iparating.

"Lahat naman po ng anghel ay gustong manilbihan sa langit kasama Siya." Sagot ko sabay hawak sa suot kong kwintas na may pendant na cross.

"'Wag sanang mawala 'yan sa isip mo, Hiro. Hindi maganda ang mangyayari kapag lumabag ka sa batas natin."

Pinilit ko na lamang na ngumiti kahit pa naguguluhan sa sinabi niya.

"Anong batas naman po ang sa tingin niyo ay malalabag ko?"

"Ang talikuran ang misyong ibinigay sa iyo." Naupo siya nang maayos atsaka ako tinitigan nang diretso.

Huminga ako nang malalim bago sumagot, "Wala naman po akong balak talikuran ang misyon ko."

"Hindi natin masasabi. May isa na akong binantayang anghel ang tumalikod sa misyon niya. Naparusahan siya dahil lumabag siya sa pinakamahalagang batas ng mga anghel."

"Ang umibig ng tao..." Naibulong ko na lamang.

"Ang anghel na iyon ay tumanggap ng kaparusahang maging imortal at hindi na siya kailanman makababalik pa sa langit."

"Imortal?" Ibig sabihin—

"Tama ka, Hiro. Ang mga anghel na tumatalikod sa misyong iniatas sa kanila ay mananatiling buhay rito sa lupa. Hindi na sila tatanggapin pa sa langit... kahit kailan."

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now