CHAPTER 29: DREAM

14 6 0
                                    

Tanging ilaw lamang ng mga sasakyan ang nagsisilbing liwanag sa buong paligid kung saan ako nakatayo.

Sa gitna ng pedestrian lane at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Sa kaliwa ko ba o sa kanan? Wala akong ideya.

Hindi naman mabigat ang daloy ng trapiko pero tila bumabagal sila sa paningin ko. Nadako ang paningin ko sa stoplight. Green.

Ako lamang ang nandito sa gitna at ang iba ay nasa magkabilang dulo. Sinubukan kong basahin ang mga stalls na nakikita ko pero wala akong maintindihan. Naghahalo-halo ang mga letra at nahihilo ako kapag tinititigan ko iyon nang matagal.

Nasapo ko ang aking noo atsaka tumingala. Nasagi ng aking mata ang stoplight. Red.

Nagsimulang maglakad ang mga tao patawid sa kabilang direksyon nila. Isang matinis na tunog ang narinig ko. Tinakpan ko agad ang tenga ko at umatras.

"Just wait me there, I'm on my way!"

Isang pamilyar na boses ang narinig ko. Hindi ako pwedeng magkamali.

"Appa!"

I shouted on top of my lungs.

Hindi pa rin nawawala ang matinis na tunog na yun. Sinasakop nito ang buong sistema ko!

Pinilit kong silipin kung nasaan si Appa. Kailangan ko siyang makita. Gusto ko siyang makita.

"Hello? Hello?! Eomma! Appa!"

Sigaw ng aking ama. Tinatawag niya ba si Lola at Chairman? Pero—patay na si Lola... nasaan na ba talaga ako?

Nilibot ko muli ang aking paningin at nakita ko roon ang isang matayog na hospital... wala naman 'to dito kanina ah.

"EOMMA! DON'T! DON'T—DIE..."

Mas lalong lumakas ang matinis na tunog na naririnig ko dahilan para mapaupo ako sa lupa. Sumagi na naman sa paningin ko ang stoplight. 10 seconds, Red.

"APPA!"

Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko. Nagsusumamo, humihingi ng tulong.

Maski paggalaw ko ay tila bumabagal. Lumingon ako sa kaliwa, wala nang tao. Lumingon ako sa kanan—

"APPA!!!"

Isang mabilis na truck ang papunta sa direksyon niya. Mababangga siya!

"APPA!!!!!!" Sigaw ko ngunit huli na ang lahat.

Napapikit ako habang nakahawak pa rin sa sariling tenga. Patagal nang patagal ay patinis nang patinis ang naririnig kong tunog.

Ang ama ko... hindi ko siya nailigtas! Wala akong nagawa!

"Gwaenchanna?" Kumunot ang noo ko at napadilat.

Ang boses na yun, mahinahon at tila isang musika sa pandinig. Nawala ang matinis na tunog na kanina pa gumagambala sa sistema ko... Dahil sa boses niya, nawala.

Kitang kita ko ang isang babaeng nakaupo sa lupa at nasa braso niya ang aking ama. Maganda at ang mga mata niya, kakaiba... hindi pangkaraniwan. Nagliliwanag siya sa paningin ko!

Unti-unti kong ibinaba ang mga kamay ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin sa kanilang dalawa.

"Appa..." tawag ko pero maski ako—hindi ko marinig ang sarili kong boses.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now