CHAPTER 10

41 8 0
                                    

10: A Small Opening

Luna's POV

Alas-kwatro trenta pa lang ay gumising na ako at naligo. Balak kong mag-jogging para mawala lahat ng stress sa katawan ko.

Nang matapos na ako sa morning routine ay lumabas na ako ng mansion at tumakbo paikot ng village.

Nagheadset pa ako at nakinig ng solemn music para pakalmahin ang puso't isipan ko. Kaunti lang ang mga bahay na nandito at medyo malamig pa. May nadaanan pa nga akong mga bakanteng lote at kita roon ang pagsilip ng araw. Napakaganda.

"Good morning!" Napahinto ako bigla nang may magsalita. Lumingon ako pero wala namang tao.

Wait, what the hell-!

"Gusto mo ba talagang laging mag-isa?"

Tinanggal ko ang headset ko at saka muling lumingon. Halos lumabas ang puso ko sa kaba nang makitang nakatayo na si Hiro sa likod ko.

"Are you out of your mind?!" Inis kong sigaw sa kaniya habang hawak ang sariling dibdib. Hinihingal na nga ako't lahat-lahat, manggugulat pa siya!

"Hindi magandang tawagin mo sa ganiyang salita ang isang anghel." Nakangiti niyang sambit pero sininghalan ko lang siya.

"WALA. AKONG. PAKE." Mariin kong sagot at nagpatuloy na sa pagtakbo.

Kita ko siya sa peripheral vision ko na nakikitakbo rin at sumasabay pa sa akin. Letse talaga.

"Lubayan mo na nga ako, hindi nga sabi kita kailangan." Pigil ang inis kong sabi habang hindi siya tinatapunan ng tingin.

"Kailangan mo 'ko, Sapphire."

Aish! Hinarang ko ang paa ko sa harapan niya dahilan para paluhod siyang bumagsak sa lupa.

Kasalanan bang manakit ng anghel? Tss. I say deserve pa rin. Sumosobra na siya, e.

"Bakit mo 'ko pinatid?!" Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko maisip na galit siya dahil hindi ko alam kung nagagalit ba ang mga anghel, nakikita ko lang naman sila. Wala akong alam sa nararamdaman nila at wala rin akong pake.

"Isa pang tawag mo sa 'kin ng 'Sapphire', hindi lang yan ang aabutin mo." Seryoso kong banta bago siya ambahan ng alis.

Madumihan sana 'yang pantalon mong parang tinadtad ng pinaghalong Ariel, Tide, at Breeze sa sobrang puti.

"Hindi mo ako basta-basta mapapalayo dahil hindi kita susukuan." Pahabol niyang usal.

Napairap na lang ako sa hangin. Hindi ako lumingon kahit na alam kong nasa likod ko lang siya.

"Sisiguraduhin kong kusa kang susuko." Nakangisi kong bulong sa hangin at binilisan pa lalo ang pagtakbo.

*****

"Manang, water please." Bungad ko kay Manang Selda nang makita ko siyang palabas ng pinto.

"Masusunod, Young Lady." Tumakbo siya papuntang kusina.

Naupo ako sa sofa at isinandal ang ulo ko sa likod nito. Pagmulat ko ay nakita ko ang mukha ni Hiro. Nakatayo siya sa likod ng sofa kung saan ako nakasandal habang nakayuko sa akin.

Mabuti na lang at pinaghahandaan ko na lagi ang pagsulpot niya kaya hindi na ako nagulat pa.

Mahina akong suminghal at sakto namang dumating na si Manang Selda dala ang isang trey na may lamang pitsel at isang pirasong baso.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now