CHAPTER 36: BLAME

10 6 0
                                    


Luna's POV

6:04 am

Nang makalabas ako sa kwarto ni Sirius ay saka ko lang naramdaman ang hapdi sa pisngi ko. Kinapa ko 'yon at tulad ng inaasahan, may sugat at dugo. Siguradong dahil sa singsing ni Imo Sohye.

Natawa ako nang mahina nang maisip kong bumili ng sampung singsing. Tignan ko lang kung anong magiging itsura niya kapag siya naman ang sinampal ko.

Balak kong lumabas ng hospital dahil ayoko namang maglibot. Kahit kailan ay hindi ko naisipang libutin ang lugar na kinamumuhian ko. It's a big NO for me.

"Miss Francia, good morning." Bati sa akin ng doctor na nakasalubong ko.

Mukhang nasa mid-30's na siya. Matangkad, malinis ang mukha, mabango. Ano nga ulit ang pangalan niya? Siya 'yong gumamot kagabi kay Sirius e.

"I'm Doctor Peter Gil." Pagpapakilala niya na tila nabasa ang iniisip ko. Inilahad niya pa ang kamay niya sa harap ko pero tinitigan ko lang 'yon.

"I don't do shakehands, where's President Hwang?" Walang halong emosyon kong tanong.

Napapahiya niya namang binawi ang kamay niya.

"H-He's at the counter."

Tinanguan ko siya atsaka nilampasan. Hindi pwedeng makita niya akong ganito ang itsura—

"Luna?"

Napapikit na lang ako. Wala na, nakita niya na ako.

"Lalabas lang ako saglit." Sambit ko at hindi na ulit nagsalita.

"Ayaw mo ba maglibot-libot?" Bigla niyang tanong kaya kunot noo ko siyang tinignan.

"Sinong gustong maglibot dito?" Itinago ko ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.

"Luna... alam mo namang mapapasayo rin ito pagdating ng araw. Walang masama kung titignan mo ang bawat facilities." Nginitian niya pa ako nang matamis.

"Pagdating ng araw, matagal pa 'yon." Singhal ko.

"Tignan mo ang sahig. May makikita kang golden footsteps. Sundan mo iyon para malibang ka." Aniya kaya mas lalong sumalubong ang kilay ko.

"Ano ako? Baliw? Tss."

"Ano ka ba naman, Luna. Kahit kailan ka talaga. Pinagawa ko 'yan para sayo."

Napangiwi na lang ako dahil sa kakornihan niya.

"Ano ba kasing meron sa mga footsteps na 'to? Talagang gold pa ah." Naiirita kong sabi habang tinititigan iyon.

"That's Sol's footsteps."

I literally stopped. Gulat ang rumehistro sa mukha ko matapos marinig ang sinabi niya.

"I made that two days after you came." Nakangiti pang dagdag niya.

"Y-You're—so corny." Ibinalik ko na ang malamig na ekspresyon ng mukha ko.

"Gawin mo na lang ang sinabi ko, okay? At wag ka nang lumabas. Baka gumising na si Sirius maya-maya."

"Imposibleng magising siya ngayong araw."

"Luna." Saway niya sa akin kaya napairap na lang ako.

"I'm just facing the truth."

Bumuntong hininga na lamang siya.

"Ano nga palang nangyari diyan sa pisngi mo. Bakit may maliit na sugat? Saan ka nabangga?"

"Seriously? Ganon ba 'ko katanga sa tingin niyo?"

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now