CHAPTER 2

79 11 0
                                    

02: Departure 

Luna's POV

"Agassi, breakfast is ready."

Nakita ko ang repleksiyon ni Beatrice sa salamin pagkapasok niya ng kwarto.

"Where's Sirius?" Tanong ko matapos mag-lipstick.

"He's eating breakfast downstairs, Agassi."

Tumayo na ako at naglakad palapit sa aparador na nasa gilid ng aking kwarto. Ilang buwan ko rin itong hindi binuksan, siguro naman ay hindi pa inaamag ang loob nito.

"You missed your katana, don't you?" Nanunuksong tanong ni Beatrice. Saglit ko siyang nilingon at inirapan.

Kusa ko iyong binuksan at tulad ng inaasahan, tumambad sa akin ang dalawa kong katana na nakalagay sa magkahiwalay na sisidlan. Inabot ko 'yon at ininspeksyon kung matalas pa ba. Sayang at hindi na masyado.

"Where's Chairman?" Tanong ko muli habang isinasara ang aparador.

"He went to Seoul, the Francian board members called for an urgent meeting earlier but still he wants you to remember his words from yesterday."

Napabuntong hininga na lang ako.

"He gave me a plane ticket to Manila. Tomorrow's my flight." Seryoso kong sabi bago naglakad palabas.

"Then I should go with you. I'm your personal assistant, after all--" Itinikom niya agad ang kaniyang bibig nang tapunan ko siya ng tingin.

"Stay here... for Sirius." Tinalikuran ko na ulit siya at bumaba na sa dining area. Alam kong nakuha niya ang ibig kong sabihin. Hindi niya ako bibiguin.

Naabutan ko si Sirius na kumakain mag-isa sa mesa.

"Eomeonineun eodi gyesi ni?" Where is your mother?

Bungad ko sa kaniya at naupo sa tapat niyang upuan. Sinenyasan ko ang mga maids na nasa gilid para ipaghanda ako ng almusal.

"He went to Seoul with Chairman." Sagot niya, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

Akala ko si Chairman lang ang umalis pero mabuti na rin 'yun, at least hindi kami magkakairingan ni Imo.

"Chairman told me something." Sambit ko at hindi na siya tinignan pa nang dumating ang pagkain ko.

"What something?"

"That you were the one who found my necklace and that I should thank you."

Tumango-tango naman siya.

Ano bang meron sa batang 'to? Bakit wala sa mood?

"Let's play." Sa wakas, nakuha ko rin ang buong atensiyon niya.

*****

"Noona, waeyo?" Rinig kong tanong ni Sirius nang makapasok kami sa open room.

Walang kahit na anong gamit dito. Dito ako nag-aaral ng martial arts at fencing kasama si Appa dati. Isang taon na rin ang nakalilipas nang huli akong mag-fencing. Naging busy kasi ako sa school at mas pinagtuunan ko ng pansin ang pagiging captain sa football team ko.

"Noona, why are we here? I thought we're going to play." Nakanguso niyang bulong.

Anong laro ba ang nasa isip niya? Hide and seek? Langit-Lupa? Habulan? Bahay-bahayan?

Nilingon ko siya at pabatong ibinigay ang isang katanang nakasabit sa likod ko. Gulat niya naman iyong sinalo.

"Let's play fencing." Walang emosyon kong sabi.

Angel's Mission |Completed|Where stories live. Discover now