Chapter 10

5 1 0
                                    

Ilang minuto pa ang lumipas at napag desisyunan namin na bumalik na sa hangout. Parehas kaming tahimik at walang imik pero sabay kaming naglalakad. Madaming napapatingin sa aming dalawa hindi ko alam kung dahil ba kay Rylie kaya sila napapatingin o dahil ba magkasama kami.

Binuksan ni Rylie ang pinto ng hangout at ako ang unang pinapasok. Napatingin silang lahat sa amin dalawa lalo na si Glynn na siyang nagpabalik-balik ng tingin sa aming dalawa kaya naman tinaasan ko sila ng kilay.

"What!??" inis kong tanong at kaniya-kaniya naman sila ng iwas. Napatingin din ako kay Glynn at Lara na magkatabi, nagulat naman ako sa biglang pag-akbay ni Rylie sa akin.

"Yung ilong at tenga mo na naman nausok" inirapan ko si Rylie at pumunta sa kwarto namin ni Glynn para mag tali ng buhok.

Sumunod sa akin si Glynn sa kwarto at nakatitig sa akin.

"So okay na kayo?" tumango lang ako at ngumiti siya.

"Good to know that you are slowly opening your heart again to the others"

"And I know how much you missed your bestfriend" ngiti niya at mapait na ngiti ang binitawan niya. He sighed and stand up.

"Bilisan mo mag-ayos at kumain ka na" naglakad siya palabas ng kwarto at bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ay nag salita ako.

"And I know how much you want Lara to be yours" nagkatitigan kami, I used my normal cold tone na alam kong siya lang ang nakakabasa.

"You can have her if you want, asawa mo lang naman ako sa papel" he nodded.

"Alright. Kumain ka na" sagot niya at tuluyang umalis.

For the first time on our marriage, we got into this little misunderstanding. Lumabas ako ng kwarto namin at nagkukwentuhan sila, magkatabi pa rin sila ni Lara at ang natitirang bakante na lang ang tabi ni Rylie kaya sa kaniya ako tumabi. Maingay sila Cheska, nag tatawanan at walang sawang biruan at kantyawan pero hindi pa rin kami nag iimikan ni Glynn. Nag iiwasan kami ng tingin sa tuwing nagkakatinginan kami at parang tanga lang dahil para siyang bata sa ginagawa niya.

Hindi ko alam kung bakit dinudurog ang puso ko sa pag habol ng tingin ni Glynn kay Lara na kakatayo lang dahil nag sandok ng pagkain.

"You can't hide it, you're jealous" bulong ni Ry at hindi ko siya pinansin at nagkunware na parang walang nangyari. Bumalik si Lara na may dalang pagkain at kumain ang dalawa na akala mo na para akong hangin sa harap nila.

"No, I'm not" natawa si Rylie habang nailing-nailing, tumayo siya at hindi ko alam kung saang lupalop siya nag punta pero hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin ko. Pinikit ko na lang ang mga mata ko dahil parang nahihilo din ako. Naramdaman ko ang pag balik ni Rylie dahil naramdaman ko din ang pagbaliktad ng sikmura ko sa amoy ng kinakain niya.

Lalo akong nahilo at parang nasusuka nung nakita ko ang strawberry na kinakain niya. Agad akong tumakbo papunta sa cr at dumuwal, agad akong inalalayan ni Maine na malapit lang sa banyo.

"Ayos ka lang ba Queen? Bakit ka nag susuka?" tanong ni Maine at inabutan ako ng tubig habang inaalalayan ako mag lakad. Kitang-kita ko ang pag aalala sa mukha nila lalo na sa asawa ko.

"Wala lang akong maayos na pahinga at kain. Mag papahinga muna ako" aalayan dapat ako ni Maine papasok sa kwarto namin but I insisted na kaya ko.

"Ako na lang aalalay sa'yo" tinaasan ko ng kilay si Glynn ng hawakan niya ang braso ko.

"Wag mo kong hahawakan" gulat na gulat sila sa pang tataboy na ginawa ko sa asawa ko.

Kapag nakikita ko si Glynn ay iritang-irita at parang nakulo ang dugo ko sa kaniya.

Married to the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now