Chapter 3

13 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa event hall kung saan gaganapin ang engagement party namin ni Dylan. Dito din itu-turn over sa akin ang dalawang kompanya. Starting today I will be the CEO of the two powerful companies and today I am officially engaged with Dylan Jace Reyes.

Lahat kami ay nakaupo sa isang table me, lolo Steven and lolo George, tito Reynald, tita Drina, Dylan, ate Rayne and Glynn. Supposedly nandito si kuya but he said he can't make it. Busy daw sched niya and as a very understanding sister ay bahala siya sa buhay niya.

"Bat hindi mo suot singsing ko?" bulong ni Dylan habang kunot noo na nakatingin sa daliri ko, hindi ko siya pinansin bagkus bahala siya mag isip kung nasaan ang singsing.

"Can we start the ceremony lolo?" magiliw kong sabi at hindi mawala ang ngiti ni lolo sa mukha at maging ang mag-asawang Reyes ay ganon din. Weird na tumingin sa akin si Glynn habang kalmado lang si ate Rayne.

Nagpuntahan ang waiter sa amin at nilagyan kami ng wine sa wineglass. Napatingin ako kay Dylan na ayos na ayos naka gray na coat siya habang suot ko ay isang red dress. I'm also wearing a red lipstick para bumagay sa damit ko.

Nag away pa kami ni Glynn sa suot ko pero wala siyang nagawa kasi ako naman ang boss at importante ang event na ito sa buhay ko.

"I really didn't expect that the lost princess of the family is getting married" plastik na sabi ni lolo Steven. Siya ang may gusto nito kaya paanong di niya ineexpect. Nag tawanan naman sila kaya nakitawa na lang ako.

"She has a short patience but I can assure you she is lovely Jace. Take care of my grand daughter" paalala ni lolo George. Medyo close ko si lolo George, medyo tuso siya pag dating sa negosyo at napaka kalmado niya lang sa lahat ng oras.

"No worries po, lolo George" confident na sabi ni Dylan.

"For family Ferrer, Santiago and Reyes" tinaas ni lolo Steven ang wine glass niya but i raise my hand.

"Before we gave a tose, can I take over the position as the CEO? If you don't mind lolo" biglang sumeryoso ang tingin ni lolo Steven sa akin.

"Gusto ko lang kasi na unahin ang trabaho para the whole time na kay Dylan na ang oras ko" sabi ko at hinawakan ang kamay ni Dylan. Naweweirduhan na si Dylan sa inaakto ko pero sinipa ko siya para makisakay sa ginagawa ko.

"Selene is right Steven" pag sang ayon ni lolo George sa akin. Napangiti naman ako ng binaba ni lolo ang wineglass niya at sinenyasan ang secretary niya. Binigay ng secretary niya ang file at tumingin sa akin.

"If that's what you want Selene" sabi ni lolo at alam kong may gusto siyang iparating pero the hell I care.

Alam kong ramdam nila tito Reynald at tita Drina ang tensyon namin ni lolo Steven dahil di sila mapakali.

Pinirmahan naman ni lolo Steven at lolo George ang papeles. Inabot naman ni lolo Steven ang papeles sa akin agad ko itong pinirmahan at binigay kay ate Rayne.

"Congratulations apo, you have the Ferrer Group of Companies and Santiago Empire" magiliw na bati sa akin ni lolo George. Ngumiti ako at nagpasalamat kay lolo.

"Shall we have a tose now?" seryosong sabi ni lolo Steven but I crossed my arms at ngumiti sa kaniya.

"Why so rush lolo? I still have a guess and I think she's here now" sabi ko at tumingin sa wrist watch na suot ko. Nagpapatayan kami ng tingin ngayon ni lolo Steven. He knows I'm up to something that he doesn't like.

"Am I late? Am I welcome here?" napatingin ako sa nagsalita at biglang napangiti si lolo mukhang naka hanap siya ng kakampi.

Tita Sanira is here, mom's twin sister.

Married to the Long Lost PrincessWhere stories live. Discover now