Prologue

19K 295 28
                                    

PROLOGUE

"I told myself na 'di ako nababagay sa'yo. Anghel ka, demonyo naman ako. Ang lahat tutol sa ating dalawa. Pero hindi ka sumuko sa 'kin. Minahal mo pa rin ako kahit na ang dami kong pagkukulang sa'yo. Ikaw ang nagbigay ng kabuluhan sa magulo kong buhay. Nang dahil sa'yo tumino ako," nagtawanan ang mga taong dumalo sa kasal sa sinabi ni Lawrence. Naluluhang napangiti naman si Kristinne sa mga naririnig.

It was their wedding day. And nothing could make her happier than to be tied to the only man she held in her heart in front of the eyes of God. Ang tagal niyang hiniling na magkatotoo ang pinangarap niya. And it actually was happening right there and then. Lawrence was God's answer to her prayers. Ang lalaking hiniling niya sa Diyos na mamahalin siya ng walang tulad.

Sa una, pangit naman talaga ang pakikitungo nito sa kanya. Tahimik lang kasi siyang babae na mas pipiliing manatili sa bahay at yon ang ayaw nito sa mga babae. He liked his women outgoing and wild, which totally was not her. Opposites. They were that. Total opposites. And call it cliché, but they did get attracted in the end.

"I promise to love you and only you until forever ends, which is basically for eternity. You are the only woman for me. My only Kristinne . . . I love you,"

Tumulo ang kanyang mga luha sa wedding album na nakabuklat sa harapan niya. It was opened to the photo which showed Lawrence holding her hands as he said his wedding vows. Pinangako nitong siya lang ang babaeng mamahalin habambuhay. Pangakong hindi nito natupad. Pangakong kinalimutan matapos ang tatlong taong pagsasama.

Nilingon niya ang mga litrato ng isang couple na sweet na sweet sa bawat kuha na nakakalat sa kama. May ibang kuha na naghahalikan ang dalawa o di kaya ay nakayakap sa isa't isa. Mga kuhang asawa niya at ang pinsang si Corinne ang nilalaman. Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling yon.

Hindi man lang niya naisip na magagawa iyon ng mga taong binahagian niya ng kanyang pagmamahal. Nanghihina siyang isipin na nangyayari sa kanya ang sitwasyong iyon. Tinraydor siya. Pinagtaksilan.

With a heavy heart, iniangat niya ang hawak na mga papeles habang marahang pinupunasan ang mga luha niyang parang walang planong tumigil sa pagtulo.

Petition for Annulment, basa niya sa nakalagay sa dokumento.

Napalakas ang kanyang hagulhol nang ma-realize niya na talagang kinalimutan na ng asawa ang kanilang pag-iibigan. Nawala na ng parang bula. Ganon lang pala siya kabilis na malimutan sa puso nito. Gusto na nitong makawala sa kanya.

Ang sakit. Ang sakit, sakit.

Naaawa siya sa sarili na tumayo at lumabas sa kwarto nilang mag-asawa at lumipat sa kabilang silid, ang silid ng kanilang dalawang taong kambal. Lutang na lutang siya habang humahagulhol na naglalakad papunta sa kwarto ng kambal. Mabuti na lang at nandoon sa mga lolo't lola nila ang kanyang mga anak. Ayaw niya na makita siya ng mga 'to na umiiyak. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa mga anak ang sitwasyon niya at ng papa ng mga ito.

Siguradong hindi pa nila ito maiintindihan. Ang babata pa ng mga anak ko. Sabi niya sa sarili.

Hindi siya pumasok, bagkus ay tumayo lang siya sa may pinto ng silid habang ang mga mata ay nakatutok sa nakabuklat na folder na nasa ibabaw ng kama. Natatakot siyang lapitan iyon kasi ayaw niyang basahin ulit kung ano ang nakasaad sa mga dokumento doon. Ngayon niya kailangan ng suporta ng taong inaasahan niyang makakatuwang sa buhay. Pero bakit ganon at bigla na lang siyang iiwanan nito para sa ibang babae.

She stared at the documents and heaved out a sigh. Hindi niya iyon matatakasan habambuhay. Kailangan niya iyong harapin kahit pa napakahirap gawin. With a heavy heart, kinuha niya ang mga dokumento mula sa folder. Muli na namang tumulo ng masagana ang kanyang mga luha.

"O, Diyos ko. Ano po ba ang kasalanang nagawa ko sa inyo at pinarurusahan mo ako ng ganito? Bakit niyo po ito ginagawa sa akin? Bakit niyo po ako binibigyan ng ganito kabigat na pagsubok? Hindi ko po alam kung makakaya ko po itong lutasin."

She felt so alone, so helpless, so . . . unloved. She crumpled to the floor hugging her knees to her chest na parang bata at patuloy na nag-uumiyak. And the documents she held fell on the floor beside her na nagsasaad ng diagnosis para kay Kristinne Jacinto galing sa isang doktor sa Amerika. Colon cancer: Stage 2.

- - - - - - - - - - 

I've dedicated this to Ms. Luna King & Ms. Belle Feliz [di ko lang alam kung may wattpad acct si Ms. Belle, hehehe.. ] of Precious Hearts Romances and pajama_addict (Ate Jen) of Bookware. I'm such a fan and having a fave author notice your work [kahit isang chapter lang] is such a privilege! Thank you so much for the inspiration! Weeh!  

The Shattered Vow Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon