Chapter Seventeen

10.2K 232 30
                                    

Pagod na pagod siya. Kahit na ang magmulat ng mga mata ay parang kinakailangan pa niyang mag-exert ng effort. Ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa niya at parang nahahapo siya?

Pilit niyang iminulat ang mga mata. Nang mapagtagumpayan iyon ay isang hindi pamilyar na kisame ang bumungad sa kanya. Teka, nasaan na nga ba siya? Pinakiramdaman niya ang sarili. Parang ang bigat-bigat ng katawan niya. She couldn't muster the strength to even move her fingers. Para siyang tumakbo ng isang napakahabang marathon at naubos ang buong lakas niya.

Mabigat din ang mga talukap ng mga mata niya na tila nais ng mga ito na pumikit na lang. Hahayaan na lang niya sana ang sarili na matulog ulit nang may maulinigan siyang umungol sa bandang kanan niya. Kahit na nahahapo ay pilit siyang lumingon doon para matigilan lang sa nakita. Sa palagay niya ay naapektuhan din ang utak niya sa kasalukuyang karamdaman. Hindi niya kasi alam kung ano ang dapat na maging reaksion sa nakikita ng mga mata.

Was it real or were her eyes deceiving her? Was her mind playing tricks on her already muddled up thoughts? Kasi iyon ang palaging nasa isip niya kaya rin ba iyon ang ipinapakita nito sa kanya? Lawrence with his head pillowed by his arms sleeping beside her as if he had spent the whole night in that uncomfortable position? Totoo ba ito?

What is he doing here? Tanong niya sa sarili.

But before she could come up with an answer, hindi na niya nalabanan ang sariling katawan at hinayaan na lang na pumikit ang mabibigat na mga talukap. Pagod siya. Hindi na muna niya bibigyan ng kung anumang kahulugan ang nakita. Gusto niya munang magpahinga.

"KUMALMA KA nga, Hazel. Napaka-init talaga ng ulo mo," ani Amarie.

Nasa opisina niya silang dalawang magkaibigan. Tumuloy pa rin ito doon kahit na tinawagan na niya itong hindi matutuloy si Kristinne sa check-up nito sa araw na iyon. Nang sinabi niya kasi ang dahilan kung bakit nag-kansela si Kristinne ay nagtatalak na ito sa telepono. Mahirap kasi kapag si Hazel na ang nagtatalak. Hindi ka makasingit at patuloy lang itong magsasalita.

Nang matapos ang pag-uusap nila sa telepono ay nakahinga na sana siya ng maluwang. Akala niya tinantanan na siya ng kaibigan kaya laking gulat niya ng bigla itong dumating makalipas lang ang tatlumpong minuto mula ng mag-usap sila.

At ngayon ay wala na naman itong tigil sa kakatalak. Kesyo naiinis daw ito kay Kristinne. Ano pa raw ba ang magagawa ng outing-outing ng mga ito? Napaka-pretentious daw. Ano daw ang gagawin ng mga ito doon sa beach? Magpaplastikan? Mas maganda pa raw na lunurin ni Kristinne ang walang hiyang Lawrence na 'yon.

"Pa'no ako kakalma, Amarie, kung alam kong kasama ng may sakit kong kaibigan ang taksil na asawa nito?! Ano ba ang gusto niyang mangyari? Na magbalikan sila?! Diyos ko, noh! Hinainan na nga siya no'n ng annulment papers 'tas ngayon malalaman natin na magmamakaawa siya na 'wag siya nitong iwan?! Hindi ako makakapayag, ha! Ako mismo ang sasabunot sa kanya kapag mangyari 'yon! May sakit man siya o wala!"

Ang haba ng sinabi ng kaibigan. Mukhang hindi man lang nag-pause ang bruha para huminga.

"Ang lawak talaga ng imagination mo, noh?" mahinahon naman niyang balik dito, "Makikipagbalikan? Agad-agad? Hindi ba pwedeng inaayos lang muna nila ang lahat para sa mga bata? Remember, Haze, hindi lang silang dalawa ang involved sa hiwalayang 'to. May mga anak ang dalawa na maaapektuhan-," hindi niya matapos ang sinasabi nang mag-sink in sa kanya ang sinabi ni Hazel.

Nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang nakakunot ang noo ng kaibigan sa kanya, nakahalukipkip, at nakataas pa ang kilay na tila sinasabi na, 'Naiintindihan mo ba ang pinagsasabi mo?'

Now that she thought about it, yung sinabi niya ay parang nagko-coincide sa sinasabi nito. Lumalabas na para maayos ang lahat para sa mga bata ay pwede talagang magmakaawa si Kristinne sa hinayupak na asawa nito na huwag nang ituloy ang annulment. Para kumpleto pa rin ang pamilya ng kambal. Kumunot ang noo niya sa ideyang iyon.

The Shattered Vow Where stories live. Discover now