Chapter Thirty-One

5K 97 38
                                    

U N E D I T E D - - - - -

NAGISING si Amarie dahil sa lamig na lumukob sa kabuohan niya. Hindi muna niya ibinuka ang mga mata, but she stretched languidly on the bed she slept in. Her sleepy thoughts immediately went on high alert at that sudden thought.

'Bed?' naisip niya. Bigla siyang napadilat ng mga mata nang tumambad sa kanya ang di pamilyar na silid na kinaroroonan niya ay kinabahan siya. Who wouldn't?

'Nasaan ako?' tanong niya sa sarili, 'Kaninong kama ba 'to?'

Unti-unti niyang naramdaman ang pagsidhi ng takot at kaba sa kaloob-looban niya. Her anxiety was heightening up, but she had to steel herself to calm her nerves. She had to think straight so as to be able to make coherent decisions.

'Calm down, Amarie. Everything will be fine as long as you don't panic,' pag-pep-talk niya sa sarili bago huminga ng malalim, 'Now try to remember what happened,'

And no sooner had she thought that did everything come back to her. Channary's accident, Hazel's breakdown, Dexter convincing her to go home to take some rest, and . . . and that man! The man who was waiting for her as she went to her car. Hindi niya maiwasang kabahan nang maisip ang hitsura ng lalaking iyon.

'Siya ba ang nagdala sa 'kin dito?' she asked herself.

Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala naman kakaiba o masakit siya na naramdaman. Sa katunayan nga she felt rested as if she was able to sleep her fill. She even felt energized.

'But never mind all that,' aniya sa sarili at kumilos na para makababa ng kama, 'I have to get out of here before that man shows up,'

Pero bago pa siya makaalis ng kama, narinig na niya ang mga yabag na nagmumula sa labas ng kwartong kinaroroonan niya. Makaraan lang ang ilang saglit at tumambad sa nakabukas na pintuan ang isang lalaki.

He just looked at her for just a moment before a warm smile broke out from his face.

"Gising ka na pala," anito sa malumanay na boses, "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

Amarie pursed her lips as she studied the man before her. Hindi niya mawari kung ano ang pakay nito sa kanya.

"Nasaan ako, Henry? At bakit ka muling nagpakita sa 'kin?"

* * * * *

NAHAMPAS ni Corinne ng malakas ang manibela sa harap niya. Kaninang madaling araw pa siyang naghihintay sa parking lot sa labas ng ospital na pinagtatrabahu-an ng animal na Amarie na iyon, pero magga-gabi na naman ulit ay hindi pa rin lumalabas ang bwisit! Ilang araw na siyang pabalik-balik sa ospital na iyon para abangan ang babae. Uminit na nga ang ulo niya nang malaman niyang naka-survive pala ang OB niya matapos niya itong bungguin kahapon, mas lalo pang uminit iyon kasi hindi niya ma-tiyempohan ang kaibigang 'yon ni Kristinne!

'Peste talaga!' gigil niya sa isip.

Dasal niya lang talagang matuluyan yung Channary na 'yon! Bwisit talaga! Nang dahil sa babaeng 'yon ay nalaman ng impaktang Amarie ang sikreto niya. Putang-ina lang!

'Umaayon na sana ang lahat sa 'kin para masira ko ang pamilya ni Kristinne, pero meron talagang humahadlang sa mga plano ng bida!' ngitngit niya habang mahigpit ang hawak sa manibela, 'Humanda ka talaga sa 'kin, Amarie! Magsisisi ka na kinalaban mo ako!'

* * * * *

NAPATULOG NA ni Lawrence ang kambal sa kwarto ng mga ito. Nagdesisyon silang umuwi na lang ng bahay nila matapos ang scenario na nangyari sa bahay ng mga Alicante. Napa-iling siya sa mga pangyayari. Everything had gotten so complicated, everyone in the family had become so sensitive because of everything that's happened.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Shattered Vow Where stories live. Discover now