Chapter Twenty-Nine

5.1K 143 22
                                    

U N E D I T E D - - - - - - -

HAZEL WAS inconsolable pagdating na pagdating nito ng ospital sakay ng ambulansya. Nanatili si Amarie sa tabi ng kaibigan. She had done her part while she waited for the emergency unit's arrival. She'd informed the emergency room na may paparating na hit and run victim, and that the patient was one of their own. She'd even booked one of the OR theaters in preparation in case if an operation would be needed.

Pero hindi na siya pumasok sa loob. Nang makita niya ang duguang hitsura ng kaibigang doktor ay bigla siyang nawalan ng composure. Baka mas makagulo pa siya doon kaysa sa makatulong. She knew how emotions could greatly affect a doctor's performance. She opted to stay outside and comfort her friend as she calmed herself at the same time.

Umiiyak pa rin si Hazel habang isinalaysay ang mga pangyayari.

"It happened so fast, Amarie! One moment, Channary was just there and the next . . . sinagasaan siya d-doon mismo sa parking lot!" anito.

Kumunot ang noo ni Amarie, "Sa parking lot? Bakit sa parking lot?"

"Doon siya na hit and run. It looked like it was done intentionally! B-but how could that be? M-may tao bang galit kay Channary?"

Amarie's blood ran cold. Sinadyang sagasaan ang kaibigan nila.

Pero si Luna? Bakit? Wala akong maalalang naka-away niya. Who in their twisted minds would do this to her?

* * * * * *

"ATE! NABALIK ka na jud! [Nakabalik ka na!]" ang masayang bati ni Dana kay Kristinne habang nagtatakbo ito papunta sa kanya.

Natawa siya nang agad siya nitong niyakap ng mahigpit na tila miss na miss na siya nito. Akmang may sasabihin pa ito sa kanya nang matigilan ang dalaga sa nakitang tao na nakatayo sa likuran ni Kristinne. Unti-unting nabura ang ngiti nito at ibinaling ang nalilitong tingin sa kanya.

"A-Ate?" anito.

Nginitian niya lang ang kasambahay at nagpa-akay na sa asawa papasok sa loob ng bahay.

"Oo, Dana, totoo talaga ang nakikita mo," narinig ni Kristinne na sabi ng ama.

"Pakikuha ng mga gamit sa trunk, please, Dana?" ani Cassandra.

"Ay! Opo, opo!"

Habang kinukuha ni Dana ang mga gamit niya doon sa sasakyan ay tumuloy na sila sa loob. Iginala niya ang mga mata sa bahay, hinahanap ang mga anak.

"Ang mga bata?" tanong niya nang makapasok na ang kasambahay.

"Naa [nandoon] sa kwarto nila, Ate,"

Akmang aakyat na silang mag-asawa nang muling magsalita ang kanyang ama.

"Ang magiging setup ba nito ay mananatili din dito ang lalaking 'yan?"

"Devlin," ani Cassandra.

Nagkatinginan silang mag-asawa. There was uncertainty in Kristinne's eyes habang si Lawrence naman ay nahihiyang napayuko. She let out a sigh before turning to her father.

"Papa, kung ayaw niyo po kami dito ay—,"

"Hindi ka na ulit aalis ng pamamahay na 'to, Kristinne. mananatili kayo rito ng mga apo ko," putol nito sa sinasabi niya, "The worst decision I've ever made as a parent was to marry you off to this good for nothing—,"

"Devlin, ano ba? Tama na!" saway ni Cassandra.

"Bakit ka ba kumakampi sa kanya, Cassandra? Inagrabyado niya ang anak mo, yet you are opening your arms to him? Are you really this forgiving? This . . ."

The Shattered Vow Where stories live. Discover now