Chapter Twenty-Seven

4.8K 137 24
                                    

- - - - - - -U N E D I T E D

"SIGURADO KA na ba talagang aalis ka muna ng ospital, Tinne?" tanong sa kanya ni Amarie.

Nagliligpit ng mga damit na pinag-gamitan habang nandoon siya sa ospital. Napag-desisyunan na niyang umuwi muna. Kinakailangan niyang pag-isipang mabuti kung anong hakbang ang kanyang gagawin hinggil sa kanyang kasalukuyang sitwasyon.

"Oo, Amarie. Miss ko na rin kasi ang mga bata. Lalo pa't hindi sila pweding bumisita dito. Panay nga ang ungot nila na umuwi na raw ako sa tuwing tumatawag sa 'kin, eh," aniya.

Nakita ni Kristinne ang pagtutol sa mukha ng kaibigan. Alam niyang mas gugustuhin nitong manatili siya doon para mas masubaybayan ang kanyang kalagayan.

Inabot niya ang kamay nito, giving it a reassuring squeeze, "I know what you're worrying about. It's all I've been thinking about since I learned of my condition. Pero hindi naman pweding pabayaan ang mga bata."

"I know, I know . . ." her friend sighed in resignation.

Ginawaran niya ito ng mabining ngiti, "Huwag kang mag-alala. Regular naman akong magpapa-check up. Especially now na mas naging kumplikado pa ang kondisyon ko,"

Ayaw man ay 'di niya naiwasang isipin ang munting buhay na pumipintig sa sinapupunan niya at ang katotohanang maaari iyon mawala sa kanya.

Inabot siya ng kaibigan at ikinulong sa mga palad nito ang kanyang mukha. Pinahid nito ang luhang 'di niya namalayang tumulo na pala.

"I know it's hard but I want you to stay positive," may diin na sabi nito sa kanya. "We will do everything we can to help you, okay?"

Kristinne took in a deep breath, composed herself, and summoned up a strained smile, "Thank you,"

Noon bumukas ang pintuan sa kwarto niya at iniluwa si Lawrence. nagtagal ito sa labas kasi ito ang nag-asikaso ng discharge papers niya. Nang matuon ang mga mata nito sa kanya ay agad na gumuhit ang pag-alala sa mukha nito. Mabilis itong nakalapit at hinaplos ang mukha niya.

"B-bakit? Anong nangyari?" tanong nito.

"Wala, may naalala lang ako," aniya.

Mas lalo itong nag-alala sa naging sagot niya, "W-was it about me? S-sa nagawa ko?"

Tumingala siya't hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa kanya.

"Hindi," aniya, "Na-miss ko lang ang mga bata kaya medyo naluha ako."

May ilang sandali itong nakatitig lang sa kanya as if contemplating if she was telling the truth bago ito walang sali-salitang niyakap siya, burying his face at the curve of her neck.

She sighed inwardly. Alam niyang nagi-guilty ito, and the automatic response would be to reassure him that everything was fine and forgotten. But there was something inside her that wanted him to continue feeling guilty. Parang sa gano'ng paraan naiibsan ang kanyang kalungkutan. But to feel better because of someone else's  pain? Doesn't that make her a horrible person? Was it so wrong?

Tumikhim si Amarie na nasa malapit lang nila. Reluctantly, Lawrence let her go but didn't leave her side. Seryoso ang mukha na nakatingin sa kanila ang kaibigan niya. Pinaglipat-lipat nito sa kanilang dalawa ang tingin bago nagpakawala ng malalim na buntong-hininga.

"May problema ba, Amarie?" tanong ni Lawrence.

"Is this still about me leaving the hospital?" si Kristinne, "Look—"

"No, hindi ito tungkol diyan," napabungtong-hininga ulit ito, "Look, there's something I have to tell you. You both have to know this early on bago pa magkagulo ang lahat. Ayoko nang mas ma-stress si  Kristinne kung patatagalin ito."

The Shattered Vow Where stories live. Discover now