Chapter Twenty-Six

9.8K 185 46
                                    

U N E D I T E D - - - - -

Nanlulumong iniisip ni Kristinne ang magiging operasyon niya. Although hindi pa detalyadong ineksplika nina Amarie at Dexter ang mangyayaring procedure ay hindi pa rin niya maiwasang matakot. Taking out the tumor from her colon meant opening her up.

Lord, please, keep me and my baby safe. Parang awa Niyo na po.

Hinagod niya ang buhok at pinigilan ang sariling mapaluha. Sa tuwing mapagsolo siya sa kwarto doon sa ospital ay iyon na lang ang ginagawa niya, ang umiyak. Ayaw na niya. Napapagod na siya.

May kumatok sa pinto bago iyon bumukas at iniluwa ang kanyang ina. Ngumiti ito't lumapit sa kanya. Tila alumpihit pa ito sa paglapit sa kanya.

"May problema ba, Ma?" tanong niya rito.

"Nakausap mo na ba sina Amarie at Dexter?" she asked instead.

"Hindi pa. Hinihintay ko nga silang dumating. Sabi ng nurse may inaasikaso lang daw sandali pero agad ding pupunta dito pagkatapos," aniya.

Tumango ang ina ngunit tila hindi naman narinig ang sinabi niya.

"Ma, what's wrong?" tanong niyang muli rito.

Atubili man ay hinarap siya nito, "There's no point in delaying this. Gusto ko na ring matapos ang kaguluhan sa pamilya natin."

May umusbong na kaba sa kaibuturan niya, "What are you trying to say, Ma?"

"Nasa labas si Lawrence,"

"A-anong ginagawa niya dito?" there was mild panic setting in. Alam na kaya niya ang tungkol sa karamadaman ko? Pero kung ganoon nga ay paano naman nangyari iyon?

"Alam na niya ang lahat, Anak," sagot ni Cassandra sa kanyang mga naiisip na mga katanungan.

"P-paano . . ."

"We don't exactly know how he found out. Basta naabutan na lang namin siya dito sa kwarto mo kahapon na umiiyak habang natutulog ka. Now he knows everything."

Napayuko si Kristinne trying to take in all that her mother said. Alam na niya. How should I deal with this?

"Pinapunta ko siya dito ngayon."

"Why would you do that—"

"Kailangan ninyong mag-usap. I may not be in your shoes now but I know how hard this must be for you. But I can see that he is suffering at pinagsisisihan niya ang kanyang pagkakamali. What he did was unforgivable. Kaya lang, Anak, kung patatagalin mo ang lahat ay mas mahihirapan ka lang. I can see that you still have feelings for him. In fact, I know that you still love him. In life, people make mistakes but it doesn't mean they have to pay for them for the rest of their life. Sometimes they make bad choices pero hindi ibig n'on na masama na sila. It only means that they're human."

Napahigpit siya ng hawak sa kamay ng ina at idinantay iyon sa kanyang pisngi, silently seeking strength from it.

"Being in conflict with your emotions can only add to your stress. Pababayaan sana kita sa mga desisyon mo kung wala ka lang sa ganitong sitwasyon. But things are different. I am concerned for your health at ayokong ng dahil sa kaguluhang ito ay mas lalala ang kalusugan mo." Ginagap nito ang kamay niyang nakapatong sa kumot, "Anak, please . . . talk to him? Try to be positive? For your peace of mind."

Inangat niya ang paningin nang maramdamang hinaplos ng ina ang pisngi niya.

"No matter what happens, Anak, whatever your decision will be, we will always be here for you. I just want you to be happy again. Remember that," ginawaran siya nito ng mabining halik sa noo.

The Shattered Vow Where stories live. Discover now