Chapter Fourteen

9.5K 229 22
                                    

Napabuntong-hininga si Lawrence habang nakatanaw sa labas ng bintana mula sa silid ng kambal. Kasalukuyang tulog ang mga bata sa mga kama nila. He had just read them a bedtime story after they'd drank their milk.

Dalawang araw na ang lumipas matapos nilang sabihin sa mga ito ang sitwasyon. He expected them to draw away from him and sympathize with their mother base na rin sa walang humpay na pag-iyak ng dalawa. Kung hindi siguro pinaintindi ng mabuti ni Kristinne ang mga ito sa mga mangyayari ay tuluyan na talagang malalayo ang kalooban ng mga ito sa kanya.

The memory of that night was still etched on his mind.

"Mama . . ." ang iyak ni Pepper bago isubsob ang mukha sa kabilang balikat ng ina.

Nasasaktan siyang makita ang mga itong umiiyak ng dahil sa kanya. Sa nakikita niya ngayon ay siguradong hindi na gugustuhin ng kambal na mapalapit sa kanya. Ilang sandaling niyakap ni Kristinne ang mga anak at tahimik na umiiyak ang nakapikit na mga mata. Pero matapos ang ilang segundo ay kumalas ito para harapin ang dalawa.

"I want you both to listen to me, okay?" anito.

Sumisinghot na tumango ang kambal.

"Papa may not . . . he may not love Mama anymore but it doesn't mean na hindi na rin niya kayo mahal, ha? Papa loves you both so much remember that, okay? Kahit hindi na siya dito titira kasama natin b-bibisita pa rin naman siya, eh."

"Pewo, M-mama, guthto ko dito lang Papa," na-uutal na sambit ni Pepper na tumutulo pa rin ang mga luha.

Kristinne's face pinched up as if she was trying hard to contain her tears while gazing at their daughter. Pagkatapos ay inabot nito ang bata at ikinulong ang mukha nito sa mga kamay.

"Patawarin niyo kami, mga anak. K-kahit na gustuhin iyan ni Mama, h-hindi na iyan maaaring mangyari. But I don't want you to feel bad with Papa. He loves you. He loves you both and that's all you have to remember, hmm?"

Ilang sandali itong tinitigan ng kambal na tumutulo ang mga luha. Umiiyak pa rin ang mga ito pero mahina na kompara sa iyak nila kanina. Nagmistula siyang tuod na nakaupo doon sa kabilang dulo ng kama. Walang maapuhap na masabi sa mga ito. Napaka-useless niya na pinabayaan lang si Kristinne na mag-isang magpaintindi sa mga bata.

Nang tumango sina Pepper at Mint sa sinabi ng ina ay ginawaran ang mga ito ni Kristinne ng halik sa bumbunan ng mga ito. Pagkatapos ay yumakap ulit si Mint dito habang si Pepper ay nilingon siya. Pinapahid nito ang mga luha sa mga mata gamit ang mga kamay bago siya nilapitan.

"P-papa . . ." sambit nito at niyakap siya, ang mga kamay ay pumaikot sa leeg niya.

Tinugon niya ang yakap nito ng mahigpit burying his face into the crook of her neck and crying.

"I'm sorry, anak. Patawarin mo si Papa," ang impit niyang iyak at hinalikan si Pepper sa bumbunan, "Papa loves you and Mint,"

If it hadn't been for Kristinne baka hindi na siya pinapansin ng mga bata. Although there was reservation in their attitude toward him, nanatili pa rin ang pagiging masayahin ng mga ito. Nagpapasalamat talaga siya sa ginawa ng asawa.

Napabuga siya ng malalim na hininga. Sa kasalukuyan ay naguguluhan na siya sa itinatakbo ng kanyang isip. Alam naman niyang hihiwalayan talaga niya si Kristinne not only because he fell out of love with her, na hindi na siya sigurado kung iyon nga ba talaga ang nararamdaman niya ngayon, but also because he didn't want to be in her line of sight anymore. His mere presence would only give her continuous pain. His presence would always remind her of his betrayal.

The Shattered Vow Where stories live. Discover now