PH3 #19: Perth

9.4K 581 62
                                    

Typos and grammatical error ahead!!


Takip ng dalawang palad ko ang aking habang napasadsad ako sa headboard ng kama!

Pilit ko kasing inaalala ang mga nangyari kagabi dahil ang huling natatandaan ko na lang ay ang pag inum ko ng paunti unti kasama siya.

And then????

Ano pa ang mga nangyari?

"Ahhhhhhh." Ano ba ang ginawa ko? Baka mamaya may mga nasabi akong mga hindi dapat sabihin. Baka mamaya, nadulas pala ang bibig ko at nasabi ko na gusto ko siya.

"Gising ka na pala?" Halos mapatalon pa yata ako sa gulat ng marinig ko siyang magsalita.

Paano siyang nakapasok ng silid ko na hindi ko namamalayan?

"O-oo. K-kagigising ko lang."nauutal na sagot ko at hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"My problema ka ba? Hindi ba naging maganda ang gising mo?" Tanong pa niya sa akin ng tuluyang makalapit at naupo sa gilid ng kama ko.

"W-wala. Wala." Agad kong sagot na sinabayan ng magkakasunod na pag iling.

"Okay! Kung ganun tumayo ka na diyan at ayusin mo ang sarili mo ng makapag agahan na tayo."

"Huh!. Anong oras na pala?" tanong ko na nilingon ko din ang alarm clock sa lamesa. "Huh! Mag aalas dies na." Agad akong tumayo sa ibabaw ng kama. "Bakit hindi ko narinig ang pagtunog ng alarm clock ko."

"Lasing na lasing ka kagabi kaya napaganda ang tulog mo at hindi mo na nga narinig ang pagtunog niyan."

"Eh!."

"Sige na! Kumilos ka na ng makapag agahan na tayo. Doon na lang natin pag usapan ang ginawa mo kagabi." Nakangiti pa nitong sabi na sinabayan na din ng pagtayo. At dahil nasa ibabaw ako ng kama ay mas naging matangkad ako sa kanya kaya naman napatingala siya sa akin.

Itinaas ang kamay at inabot pa ang ulo ko at gaya ng nakagawian niya ginulo na naman niya ang buhok.

"Come on! Tidy up yourself first. Hihintayin na kita sa labas." Sabi niya. At napayuko na lang ako ng hatakin niya ako sa may batok at ginawaran ng halik sa nuo.

Hindi na ito nagsalita pa ng matapos iyon at lumabas na.

Napasimangot ako at napapaisip talaga kung ano ba ang mga ginawa ko kagabi.

Bahala na! Kung tatanungin nga niya iyon ay tatanggi na lang ako at idadahilan kong dala lang ng kalasingan ko.

Hmmp! Sa susunod hindi na talaga ako titikim ng alak na iyan. Nagkakaproblema pa tuloy ako ng wala sa oras.

Kahit pa man sana ayaw kong kumilos para  lumabas ay kailangan. Tinungo ko ang banyo at nakapag ayos ng sarili bago ako sumunod sa kanya na naabutan ko sa sala na nanunuod na ng TV.

Natigilan tuloy ako ng may bahagya akong naalala. Iyon ang ang pagtapik ko sa pisngi niya.

Ahhhhh! Sigaw sa isipan ko. Nagawa kong tapikin ito sa pisngi pero hindi ko naman maalala kung ano ang mga sinabi ko.

✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now