PH3 #9: Perth

9K 599 89
                                    

Typos and grammatical error ahead!!

Nakatingi ako sa hindi kalayuan sa bisita ni Wayde. Limang araw na sila na sa bahay niya pero nangingilag parin akong makisalamuha dito.

Siya si Daisy. Ang dating kasintahan niya na ngayon ay dito na niya pinatira. Naikwento sa akin ni nay Pau ang narinig nito sa usapan nila kaya naman medyo naawa ako sa pamilya ni Daisy dahil doon.

Ng sinundo nga ako ni Wayde para umuwi na ay sa una pa lang, nakita ko ang uri ng tingin na para bang ayaw sa akin kaya naman iniiwasan ko na ito at hindi ko na muling tinangkang lumapit kahit pa man sinasabihan ako ni Wayde na hindi ko daw kailangang mangilag. Pero hindi ko maharap ito.

Kabastusan man pero hindi ako nakikisalo sa kanila sa pagkain. Kahit pa man sina yaya Gretha at Nay Pau na dati ay kasalo namin ay umiiwas na din.

Kasi nung unang gabi na kumain kami ay hindi na maganda sa pandinig ko ang sinabi nito.

Kain na tayo. Saka na lang sila kumain kapag tapos na tayo.

Sinagot naman iyon ni Wayde na iyon na sabay sabay kami pero hindi na naging maganda ang timpla ng mood nito at nakita pa namin ang matalim na tingin na ipinukol sa amin ng hindi nakatingin si Wayde sa kanya.

Kaya naman si Nay Pau na ang nagsabi na hindi na sila sasabay. Kaya naman kahit ako ay hindi na din nakikisabay sa kanila.

Noong isang araw pa nga. Ng ipagtimpla ko ng tsaa si Wayde ay bigla na lang niya inagaw iyon sa akin ng ihahatid ko na iyon sa library nito at sinabihang siya na daw ang bahala sa mga bagay na patungkol kay Wayde.

Hindi na lang din ako umimik. Kaya naman ngayon. Ayaw na ayaw ko ng mag kross ang landas namin sa loob ng bahay. Kung alam kung nasa sala lamang ito ay hindi na ako bumaba o lumalabas ng silid ko.

At lalabas na lamang ako sa tuwing alam kong nasa paligid lang si Wayde dahil kahit itago man nito ang ugali ay hindi maitatagong may pag kamaldita ang ex niya.

"Yaya, can you get me some water." Narinig ko pang utos niya ng mapadaan si yaya Gretha patungo kusina.

"Sandali lang po."

At isa pa iyon. Kahit pa man nasa harapan na niya ang isang bagay ay kung matanawan niya ang isa kina Yaya Gretha at Nay Pau ay iuutos niya na iabot iyon sa kanya.

Kahit na nakikita sa kilos ng dalawa na parang asar din sila sa bisita niya ay wala namang magawa ang mga ito para suwayin dahil bilang paggalang na lang din kay Wayde.

"Nay Pau! Ano pong maitutulong ko?" Tanong ko ng makapuslit na ako sa kusina na hindi nakikita ni Daisy.

"Kaya na namin ito hijo."

"Pero gusto ko pong tumulong."

"Ikaw ang bahala. Buti ka pa. Kung tutuusin ay mas tamang hindi ikaw ang magtrabaho dahil para ka ng kapatid ni Wayde pero ang isang iyon. Jusko. Kung hindi ko lang iniisip si Wayde ay baka nasumbatan ko na."

"Sinabi mo pa ate Pau. Para namang makaastang asawa ni sir Wayde." Sigunda naman ni Yaya Gretha.

"Naku! Huwag niyo na lang pansinin Nay Pau, yaya Gretha. Kung kaya naman na iwasan. Iwasan na lang natin."

"Paanong maiiwasan hijo. Eh parang reyna na nakaupo lang sa sala. Aba! Daig pa niya ang palamuning baboy. Buti pa ang baboy kahit kain ng kain pag tumaba mapapanginabangan. Pero ang isang iyan. Pinatira na nga ni Wayde dito, palamunin na nga. Wala pang ambag."

"Baka marinig po kayo nay Pau."

"Wala akong pakialam hijo."

"Anong hindi ko dapat marinig?" Halos sabay sabay na napatingin kami sa may pintuan sa kusina.

✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now