PH3 #3: Wayde

11.6K 624 127
                                    

Typo and gramatical error ahead!!

Wayde at the multimedia

This chapter dedicated to:
RishelleAnnJimenez & BRIEEEEEEEMINE
salamat po sa pagpansin ng mga kwento ko!!
❤❤❤
Love Lots


"Lumabas na ba siya sa silid niya?"tanong ko kay yaya Gretha ng dalhan niya ako ng coffee sa library ko.

Dalawang araw na simula ng iyuwi ko ang batang iyon dito sa bahay pero hindi na siya lumabas silid nito.

"Ayaw niyang lumabas sir." Sagot nito. "Ayaw din pong kumain simula ng dumating kayo."

"That fucking little fox." Padabog pa na tumayo ako sa inis ko sa sinabi nito.

Ano ba talaga ang problema ng batang iyon. Hindi nga siya mamamatay sa pagtalon o pagpapasagasa. Pero papatayin naman niya ang sarili sa gutom.

"Ipaghanda siya ng pagkain at ako ang magdadala nun sa kanya." may pagalit na pautos ko dito.

Sinusubukan yata ako ng batang iyon talaga. Tatanda pa ako ng wala sa oras sa ginagawa niya.

"Yes sir." Agad naman itong tumalima.

Muli ko na lang hinarap ang mga ginagawa sabado kaya hindi ko na inabala na pumasok bg kompanya ko. Tanging ang secretary ko na lang ang nandoon ngayon para tumanggap ng mga tawag kung sakali man na may mga investment na darating.

Madami pa akong tatapusing trabaho ngayon pero dumagdag pa talaga ang batang iyon. Itapon ko na lang kaya para mabasan pa ang aalalahanin ko.

Ano ba kasi ang naisip ko at dito ko talaga siya dinala.

"Damn you little fox." Gigil na tumayo ako ng makalipas na ang isang oras. Tama naman tapos ng magluto si Yaya Gretha at pasalubong na sa akin paglabas ko ng library ko.

"Heto na po sir."

"Salamat Gretha. Bumalik ka na sa trabaho mo at ako na ang bahala sa batang iyon." Utos ko ng makuha ko dito ang tray na may pagkain.

Dinala ko nga iyon sa silid niya.

He is Perth Fransisco. Mag  Inalam ko na ang family backround niya noong isang araw. Hindi sila mayaman pero hindi din naman sila kahirapan. May pwesto sa palengke ang mga magulang niya na maliit na grocery store.

At isa sa ikinainis kong nalaman ko ay ang itanggi na may anak sila na nag ngangalang Perth ng magtanong ang inutusan kong mag imbistiga sa kanila at parang gusto kong ipasara ang maliit nilang negosyo dahil doon.

Damn them. Walang kwentang mga magulang na itatanggi ang anak nila dahil lang sa paglabas nito sa closet.

Nagpakawala akong buntong hininga bago tuluyang pumasok sa silid niya.

He is sleeping ng maabutan ko.

Nangayayat na nga ito sa dalawang araw na walang kain.

"Damn you little fox." Muli ay napamura na lang ako ng mailapag ko ang tray ng pagkain sa bedside table at umupo sa gilid ng kama nito. "Hey! Wake up little thing." Sabay tapik ng pisngi nito na agad namang nagising.

Napabalikwas pa uto ng bangon at agad na lumayo sa akin ng makilala ako.

"Look at your self. Para ka ng kalansay na nakaupo ngayon." May inis na saad ko na kahit gusto kong magtaas ng boses ay pinigilan ko dahil para na namang mapapaiyak ito ng magtama ang mga mata namin.

✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now