PH3 #11: Wayde

10.2K 569 176
                                    

Typos and grammatical error ahead!!


"Hindi sa nakikialam ako. Pero.. hindi naman lingid sa kaalaman mo na nagkalat sa buong bahay ang CCTV." Panimula ko ng mag usap kami isang umaga.

Hindi ko pa kasi ito kinausap ng araw na nag usap kami ni Perth dahil pinanuod ko muna ang ilang repley ng kuha sa CCTV na hindi ko naman dati ginagawa dahil wala namang kahina-hinala sa mga kilos nina Nay Pau pero heto ako ngayon dahil sa ilanh napatunayan ko.. Kakausapin ko na para matapos na ang lahat para hindi na siya aasa na may babalikan pa sa akin.

"Huh!."

"At hindi ko nagustuhan ang mga napanuod ko."seryusong sabi ko dito.

"W-wayde." Halatang hindi makahuma sa kabiglaan.

"Alam ko na hindi naging maganda ang paghihiwalay natin noon dahil ayaw na nga ni Lolo sayo at tumutol na siya kahit pa man gusto pa kitang pakasalan noon. Inalagaan at inaamin ko na nananatili parin sa alaala ko ang mga magagandang pinagsamahan natin noon ng napakahabang panahon. Pero nakaraan na iyon ay hindi na maibabalik."

"M-maibabalik natin Wayde. Lalo na wala na ang asawa ko."

Ngumiti ako ng mapakla. "Pasensya ka na Daisy, pero sa mga napanuod ko. H-hindi ka na nababagay sayo ang balikan pa. Hindi man maganda sa iyong pandinig. Hindi na ikaw ang Daisy na iningatan ko noon. Kaya walang babalikan isa man sa atin." Pang klaklaro ko.

Naging mataas ang tiwala nito sa sarili dahil sa pagpayag ko sa kanila na tumira sa bahay ko. Pero ginawa ko lang naman iyon para sa kaligtasan nila pero binigyan niya iyon ng ibang kahulugan.

"At ngayon.. pwede na kayong tumira sa condo na naipaayos ko at ipinangalan ko na sa panganay mong anak."

"Pero nanganganib parin ang buhay namin."

"Hindi na ngayon Daisy. Dahil nagawan ko na ng paraan ang bagay na iyan kaya wala ka ng dapat ipag alala pa sa kaligtasan niyo. Pwede na kayong lumipat doon kahit na anong oras niyo gusto."

"Wayde." Halatang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Halata bang ipinagtatabuyan ko sila? Hindi naman iyon ang purpose ko ayaw ko lang na umiiwas si Perth at halos hindi na lumalabas sa silid simula ng dumito sa bahay si Daisy at ang hindi ko pa talaga nagustuhan ay ang pagbubuhay reyna nito. At pinagbantaan pa talaga si Perth na huwag daw siyang mahuhulog sa akin o magkakagusto.

Hindi ko naman naisip ang bagay na iyon pero poseble ding mangyari lalo pa man at madaling kuhanin ang loob ng batang iyon.  Pero huwag naman sana. Dahil hindi ko alam kung paano siya i rereject kung sakali man. Dahil siguradong iindain na naman niya iyon at baka gagawa na naman siya ng ikapapahamak ng buhay niya.

Nagpakawala ako ng buntong hininga dahil sa naisip ko bago ko muling hinarap si Daisy.

Hindi ko ito tatanungin patungkol sa mga bata. Kahit pa man may ilang patunay na din ako ay ipinasa ko na lang sa DSWD ang tungkol sa bahay na iyon. At naglagay lang ako ng maliit na CCTV sa condo nila para masubaybayan din sila at makita kung sinasaktan niya ag mga anak niya. Para tuluyang mawala sa kustudiya niya ang mha anak kung patuloy ito sa pananakit sa kanila.

"Sige na. Nasabi ko na ang lahat ng gusto kong sabihin. Ito ang susi ng condo. At ang papel non ay saka ko na ipapahawak kapag malaki na ang panganay mo. Pwede mo na akong iwan Daisy " sabay turo sa pintuan ng library matapos kong maipahawak ang susi dito.

✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now