PH3 #41: Wayde

7.7K 602 56
                                    

Typos and grammatical error ahead!!









¤¤¤
WAYDE POV:
¤¤¤

Marahas ang ginawa kong pagtulak kay Lyka ng halikan ako at mabilis na inalis na ang pagkakahawak nito sa braso ko.

"Hinayaan kitang kumapit sa braso ko kaya huwag mong hintayin na ipahiya kita sa harapan ng maraming tao." Galit sa sita ko at bahagya ko pa itong itinulak palayo. "Hindi ako magdadalawang isip na ipamukha sayo na hindi kita gusto at ayaw ko sa malalanding babaeng katulad mo." Prankang saad ko pa para tuluyan itong matauhan at hindi umasa na gusto ko siya kaya hinayaan ko kaninang humawak sa akin.

"W-wayde." Tila nagulat naman ito sa sinabi ko pero hindi na ako nakapagsalita dahil natawag na ng pansin ko sa sigaw na narinig ko.

"Perth. Sandali hijo."

PERTH?

Kaya naman agad akong napalingon at nakita ko si Nay Pau na tumakbo palabas na parang may hinahabol. Bakit nandito si Nay Pau? Si Perth? Kasama din ba niya?

Hindi ko alam dahil hindi ko naman nakita si Perth kaya naman mabilis ang naging kilos ko at tuluyan ko ng iniwan si Lyka at sumunod kay Nay Pau.

Hindi ko na inisip na pagtinginan kami ng mga tao dahil sa malakas na pagtawag ni Nay Pau sa pangalan ni Perth.

"Nay Pau, sandali." Pinigilan ko ito sa tuluyan nitong paglabas ng bahay.

"Hijo... s-si Perth."

"Bakit nay Pau? Nasaan si Perth? Anong nangyari?" Sunod sunod na tanong ko saka ako lumingon sa paligid pero wala akong nakitang imahe niya.

"Si Perth hijo. Tumakbo palabas."

"What? Are you sure Nay Pau?" Tanong ko at kinabahan kahit hindi ko pa sigurado. "Nasaan siya?" Kunot nuong tanong ko.

"H-hindi ko na alam hijo. Baka mapaano siya at ang batang dinadala niya. Mabilis so
Iyang tumakbo palabas."

"Wayde." Napalingon naman ako ng marinig ko ang pagtawag ng mama sa akin. "Huwag mong sirain ang araw na ito dahil sa taong iyon."

"Stop talking nonsense mama. Dahil walang ibang mas mahalaga sa akin maliban sa kanya. Kaya huwag niyo akong pagsasabihan ng ganyan dahil hindi ko pipiliin ang okasyong ito over him."

"How dare you..."

"Sige mama. Dahil ikaw mismo ang gumagawa ng ikakasira ng araw na ito." Pigil ko pa sa sasabihin sana ng mama.

Hindi na ako nagsalita pa at hindi na ako nagdalawang isip na tumakbo palabas ng bahay para habulin siya. Like what I've said, mas mahalaga siya sa ano mang bagay sa akin.

Sa kaliwa, sa kanang ako tumingin pero wala na akong nakita ng nasa labas na ako.

"Saan siya nagtungo?" Malakas na tanong ko na sa driver. "Bakit hindi mo pinigilan."

"S-sorry sir. Nabigla din po ako ng makita si Sir Perth na tumakbo palabas."

"Damn it. Saan siya nagtungo?" Malakas na sigaw ko.

✅Wayde Anderson - POSSESSIVE HEIRS 3 [BXB][MPreg]Where stories live. Discover now