CHAPTER 16

22 5 0
                                    

Gusto ko man magtagal kila Arturo ay nangako kami kay Aling Clara na babalik din kami. "Mag-iingat kayo sa byahe," habilin ni Aling Milagros.

"Maraming salamat po sa pagtanggap po sa akin at syempre po, sa masarap na pagkain," nakangiting sabi ko at niyakap niya ako.

"Ang ganda ganda mo talagang bata. Dumalaw ka ulit dito ha? Maraming salamat din sa iyo," nakangiting sabi niya.

Nang lumabas na kami ng gate ay lumingon pa muli kami ni Arturo sa kan'yang ina, kumaway kami para magpaalam.

Matapos namin magpaalam ay naglakad na kami palabas ng eskinita nila. Naroon nanaman si Marco, lasing at mayroong kasamang babae.

"Ano na pre? Hindi tayo iinom?" tanong nito.

"Lasing kana pre eh, ang daya ko naman kung ganoon hindi ba?" nakangiting tanong ni Arturo.

"Hay nako, Arturo. Huwag na kayo mag-inom nito. Sobrang kulit na," sabi ng babaeng kasama ni Marco. Nakaakbay si Marco sa babae at inaalalayan naman siya nito.

"Esme, iuwi mo na ang boyfriend mo. Baka mapaano pa 'yan," sabi ni Arturo at nilagpasan na nila kami.

Habang naglalakad ay sinakbit ko ang braso ko sa braso ni Arturo at napatingin naman siya sa akin sabay ngiti, "Touchy ka pala," bulong niya at sumimangot naman ako kaya binitawan ko siya. Pero agad niya ring kinuha ang kamay ko at muling sinabit sa braso niya. "Just stay like that, I like it," sabi niya at napangiti naman muli ako.

Nang nasa kalsada na kami ay pumara na muli si Arturo ng tricycle. Nang may tumigil sa harap namin ay sumakay na kaming dalawa sa loob.

"Dalawa nga po, sa may dalampasigan," sabi niya at nagbayad na. Muli akong tumanaw sa labas habang umaandar ang tricycle.

"Do you like it here?" tanong niya at tumango naman ako. "Hayaan mo kapag mag-asawa na tayo ay dito tayo titira," dagdag niya at napatingin naman ako sa kan'ya.

"Asawa?" tanong ko.

"Bakit? Ayaw mo ba?" tanong niya at mabilis akong umiling.

"Gusto," sabi ko at ngumiti siya.

Nang tumigil ang tricycle sa dalampasigan ay bumaba na rin kami. Naabutan namin sila Chesca na nakapalibot sa bonfire habang nagkakantahan sila.

"Oh, Klare! Nandyan na pala kayo," sabi ni Chesca nang makita nila kami. Agad naman kaming tumabi sa kanila, nag-iihaw pala sila ng mais.

Magkatabi kami ngayon ni Arturo, sinabi nila Chesca na maagang nagpahinga si Aling Clara at napagod daw sa pagluluto kanina para sa kanila.

"Ano na nangyari? Napakilala kana?" tanong ni Loreen at nagtinginan sila sa aming dalawa ni Arturo.

"Yes, napakilala ko na siya at natuwa naman si inay," proud na sabi ni Arturo. Ano ba 'yan, kinikilig ako.

"Omg, so kayo na?" kinikilig na tanong ni Chesca.

"Hindi pa," sagot ko.

"Nililigawan ko palang siya," sagot naman ni Arturo.

"Alam na ni Gov?" tanong ni Randy at umiling naman ako.

"Hindi pa, at wala pa akong balak sabihin. Alam niyo naman si papa, lalo na si mama," paliwanag ko at natahimik naman si Arturo.

Napaisip ako na parang ang unfair sa part ni Arturo. Legal na ako sa side niya, legal na ako sa mama niya. Pero sa sitwasyon ko ay hindi ko pa siya pwedeng i-legal. Lalo pa't tauhan ni papa si Arturo.

"I understand," malumanay na sagot ni Arturo.

Mayamaya lang ay inabutan kami ni Mike ng tag-isang mais. Binudburan namin ng kaunting asin saka namin kinain. Mainit-init pa, tamang tama dahil malamig na rito sa dalampasigan.

When the Falls, Fell Into My ArmsOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz