CHAPTER 24

6 0 0
                                    

Kasama ko si mama ngayon, magsusukat ako ng wedding gown ko, habang si Gabriel ay mayroong sariling lakad para bumili ng susuotin niya.

Suot ko ngayon ang isang wedding dress na longsleeve na off shoulder. Simple lang pero hindi ko magawang ngumiti. Mabuti sana kung si Arturo ang pakakasalanan ko, kahit anong isuot ko ay isusuot ko basta siya.

Nakaharap ako ngayon sa salamin habang si mama at nakaupo sa couch, tinitingnan ang suot ko. "Fits on you. 'Yan nalang?" tanong niya at tango lang ang isinagot ko.

Kahit ano nalang, wala rin namang kwenta ang kasal na iyon. Bumaba na ako at nagsukat naman ng mga heels na susuotin ko. Kulay puti naman ang heels na pinili ni mama. Hinayaan ko na siya sa gusto niya.

Matapos naming mamili ng susuotin ko ay pumunta kami sa baker na gagawa ng wedding cake ko para magbayad. Engrande rin ang wedding cake na gusto ni mama, wala na rin naman akong suggestion dahil wala akong pake sa kasal.

Matapos mag-asikaso para sa magaganap na kasalan bukas ay nagpahinga na ako sa kwarto ko. Maghapon kong hindi nakita si Gabriel, at mabuti naman dahil stress ako sa kan'ya.

Bukas, kahit na ayaw ko ay pinapunta ko ang mga kaibigan ko. Alam din naman nilang hindi ko gusto ang kasal na ito, kaya lang sila pupunta ay para damayan ako.

Maging si Aling Clara ay hindi rin gusto ang kasal na ito, pero wala namang magawa dahil sila mama at papa ang nag-desisyon nito.

Kinabukasan ay naging maaga ang paghahanda namin, madaling araw palang ay ginising na ako nila mama at papa.

Maaga akong naligo, para maayusan na ang mukha at buhok ko. Habang inaayusan ako ay maluha-luha akong pinapanood ni Aling Clara.

"Kaya mo ba?" tanong sa akin ni Aling Clara at hindi naman ako nakapagsalita. Napalunok nalang ako habang nilalagyan nila ng kolorete ang mukha ko.

Dito sa hacienda ang magiging reception after sa simbahan, kaya eto abala rin ang mga katulong sa paglilinis at pag-aayos ng mga mesa't upuan.

"Ayusin mo ha?" pabulong na sabi sa akin ni mama nang makapasok siya sa kwarto ko. Tulad kanina, tahimik lang ako at walang naisagot kay mama.

Ilang oras din akong inayusan, ngayon ay nakaharap ako sa salamin habang suot ko ang wedding gown na ito. Kasal dapat ang biggest day for a woman like me, dapat masaya ako. Pero hindi, kasi ikakasal ako sa lalaking hindi ko naman mahal.

Nasa simbahan na sila Chesca, maging ang mga ninang at ninong ay naroon na. Nauna na rin si Papa sa simbahan at nagpa-iwan naman si mama. Dahil iniisip niya na baka raw takbuhan ko ang kasal na ito.

Nang makapasok ako sa sasakyan ko ay mag-isa lang ako, si Peter ang nagmamaneho. Habang si mama ay nasa kabilang sasakyan, nakasunod lang siya sa amin.

"Okay lang kayo?" tanong sa akin ni Peter habang nagmamaneho. Tumingin pa siya sa rear view mirror at tumango naman ako.

Hawak ko ang panyo ko dahil alam kong maiiyak ako anumang oras. Wala akong pakialam kung masira ang make-up ko, hindi ko naman kailangang magpaganda sa hayop na 'yon.

Yumuko ako at tinakip ang panyo sa mukha ko, nasaan na si Arturo? Bakit ang tagal? Bakit niya hinahayaan na mangyari ito?

"Señorita, magtiwala lang po kayo kay Arturo," sabi ni Peter at napatingin naman ako sa kan'ya. May alam ba siya? Anong plano ni Arturo?

Pinunasan ko ang luha ko nang marating namin ang simbahan. Kumpleto na sila lahat doon. Maging ang pari ay naroon na rin. Nakita ko sila Chesca na mayroong nakakaawang tingin sa akin.

Ang mga abay ay naglalakad na sa pulang carpet palapit sa altar. Mayroon mga batang nagsasaboy ng bulaklak habang naglalakad sila. Nasa labas lang ako habang hinihintay ko ang tugtog bago ako pumasok.

When the Falls, Fell Into My ArmsWhere stories live. Discover now