Chapter 17: Training

4 0 0
                                    

Chapter 17: Training

"Ouch..."

Napaupo ako ng tamaan na naman ako ng isang dagger. Nasa loob ako ng training room ngayon at ni on ko ang switch niyon.

Apat na araw na mula ng sabihin sa amin ang misyon, apat na araw na rin mula ng mag training ako tuwing gabi ng mag- isa.

I feel so frustrated. It's been four days already! Four fucking days yet here I am, still struggling to find that sharp senses within me! Bullshit!

Tatlong araw nalang ang meron ako. Tatlong araw para patunayan ang sarili ko sa kaniya na kaya ko.

Nasa loob ulit ako ng artificial forest. Nakaprogram sa duel mode ang training room, kaya may mga ninjang nag appear kasama ko sa gubat.

Akala ko noong una ay nag- iisa siya, pero habang tumatagal ay padami ng padami iyon. Masyado akong mabagal kumilos kumpara sa kanila.

"Try closing your eyes and focus. You become more alert when you can't see anything, just darkness. You can't tell where your enemy is. Feel their presence, once you have adjusted already, you can easily point where is your enemy."

Parang nag- echo bigla sa utak ko ang sinabi Dean. Hindi ko pa iyon nagagawa dahil natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin sa sandaling ipinikit ko ang aking mga mata, pero sa sitwasyon ko ngayon ay wala na akong pagpipilian.

Pinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang paligid. I just need to focus.

May papalapit sa direksiyon ko, marami. Maybe because of the fact that I am a seer, I can easy tell where they are. Mas alerto ka nga talaga kapag hindi mo alam ang nasa paligid ko.

Binato ko ang hawak na staff ng maramdamang may nakatayo sa harap ko. Nakarinig ako ng pagbagsak kaya iminulat ko ang mata ko.

"Woah!" Nasiyahan ako dahil ito ang unang beses na nagawa ko ito. So he was right, after all.

Tiningnan ko ang natitirang oras sa sinet ko. I still have 30 minutes.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Hindi magiging madali ito dahil kakasimula ko palang, pero kailangan kong masanay dahil limitado ang oras ko.

Naramdaman kong may mga yapak ng paa sa gilid ko. Left side. Mabilis kong hinagis hawak kong staff sa direksiyong iyon at nakarinig ulit ng pagbagsak.

Umiwas ako dahil naramdaman ko ang pagbulusok ng isang kutsilyo patungo sa kinatatayuan ko. Mabilis ko din namang ibinato ang hawak ko sa pinagmulan ng kutsilyo.

Shit! Bakit nga ba ngayon ko lang ginawa ito?

Napahiga ako sa malamig na sahig ng training room nang matapos ang oras. Napangisi ako. I can do it.

Lumipas ang mga araw na patuloy ang pagbabago sa bilis ko. Mas naging kontrolado ang mga galaw ko at halos makita ko na ang mga bagay sa paligid ko tuwing nakapikit ako. So this is what it takes to become a better seer, huh?

Nasa loob ako ng weaponry ngayon. Dito muna ako nagtungo bago pumunta ng training room. Alas tres palang ng madaling araw at ngayon ang araw na magsasabi kung kasama ba ako sa misyon o hindi. Ayaw kong maging pabigat sa grupo kaya, kaya ayaw kong mag aksaya ng kahit kaonting panahon para sanayin pa lalo ang katawan ko.

Hinanap ng paningin ko ang dart board. I want to see my improvement, and this is my way of knowing if I improved or not.

Inasinta ko ang pinakagitna nito. Nang masiguro kong tama na ang pagkaka posisyon ng kamay ko ay pinikit ko ang mga mata ko at hinagis ang dart doon.

"I did!" Sigaw ko nang makita na tumama ito sa pinakagitna.

Tumuloy na ako patungo sa training room. Just you wait Dean Collins, and I will show you what a seer can do.

Pinili ko ang duel mode ng training room dahil mas nae- enhance nito ang pagiging alerto ko.

May nakatayo sa itaas ng puno, dalawa. May dalawa din sa likod ko at isa sa harap ko. Hinagis ko ang mga patalim na hawak sa mga direksiyong iyon. Narinig ko ang pagbagsak ng mga ito kaya napangiti ako.

Eksaktong pagkaubos ng mga kalaban ko ay naramdaman kong may mga pumasok sa loob kaya tiningnan ko kung sino iyon.

Mabilis kong tiningnan ang wall clock na nasa gitna ng kwarto at napa face palm ng makita kung anong oras na. Masyado akong tutok sa ginagawa ko kaya hindi ko man lang namalayan na oras na pala ng klase. Damn it!

Namamanghang mga titig ang makikita ko sa kanilang pagmumukha.

"Do you still think she can't handle it?" Si Niall ang bumasag sa katahimikan. Nakangiti siya sa akin kaya hindi ko na rin napigilan ang pag ngiti.

"Wow! Is that really you a while ago, Mia?" Said Carol, amusement is still written on her face.

"She's in the Advanced Class, that's why." Nakangiti ring sabi ni Arianne. I didn't expected her to be like this.

"I knew it, you really made it." Dagdag ni Ian.

Tiningnan ko si Dean. Alam kong imposibleng purihin niya ako pero hindi ko pa rin mapigilan ang mag abang sa sasabihin niya.

"Tommorow at dawn, we'll be leaving the academy." Iyon lang ang sinabi niya.

I smiled. Kahit iyon lang ang sinabi niya lubos ang saya ko. Isa lang ang ibig sabihin niyon, kasama na ako.

I will be going with them to the downtown.

***

UnknownWhere stories live. Discover now