Chapter 12: Advanced Class

4 0 0
                                    

Chapter 12: Advanced Class

Puting ceiling at amoy ng kemikal ang bumungad sakin paggising ko.

"Gising ka na pala."

Pumasok ang isang babaeng nakasuot ng lab coat. Palagay ko ay nasa early thirties palang siya. Maiksi ang kanyang tuwid na buhok na umabot lang sa taas ng balikat niya. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at idagdag pa ang boses niyang parang musika sa tenga.

Naalala ko si mama sa kanya. Bigla akong nakaramdam ng pagka- miss sa kanya. Kamusta na kaya siya?

"How are you feeling?" Tanong niya sa akin.

"I'm feeling fine." Sagot ko at ngumiti. "Anong lugar po ito?"

"You're in the Healing Room. I'm Jenn Finley, the incharge here." Nakangiti niyang tugon. "Dinala ka dito ng mawalan ka ng malay kahapon. Ipinaliwanag naman ni Nathan ang nangyari."

Nahihiyang ngumiti nalang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa ko iyon.

"Nabigla lang katawan mo kaya ka nawalan ng malay." She said. " Umalis lang saglit ang kaibigan mo dahil may klase pa daw kayo."

Tumango ako. "Kailan po ako pwedeng umalis?"

"You can already go now, if you're feeling better already."

Pagod pa rin ang pakiramdam ko pero sa tingin ko ay kaya ko nang maglakad papuntang dorm. "Can I ask for a favor?"

"Sure." Sagot niya.

Mukha siyang mabait kaya kinapalan ko na ang mukha ko. "Can you tell Ynah to bring me clothes?"

"No prob." She winked and left me.

I feel suffocated in this kind of place. It reminds me of hospitals, which I really hate.

Gusto ko ng umalis dito kaso wala akong dalang ibang damit dito. Ayoko namang maglakad na suot ang puting kagaya ng hospital dress na ito. Hindi ko alam kung ano ang tawag dito, eh.

Wala akong ibang choice kung hindi ay hintayin nalang si Ynah. Nahiga nalang ulit ako.

Hindi din nagtagal ay naramdaman kong naglalakad na papunta dito si Ynah.

"Okay ka na ba?" Iyan agad ang bungad niya nang makita ako.

I chuckled. "Okay na ako. May dala ka bang damit?"

"Oo, saglit." Binigay niya sa akin ang isang paper bag. "Magpalit ka na."

Magkasama kaming umalis ni Ynah sa kwartong iyon. Tinatahak namin ang daan patungong dorms.

"Ginugutom ako, shit." Nakabusangot kong salita.

"Nagpadala na ako ng pagkain sa dorm, don't worry."

Nagpasalamat ako dahil doon. Kagabi pa walang laman ang tiyan ko.

Pagpasok namin sa kwarto ay kumain na din kami. Sir Nathan already informed the teachers about my condition, kaya hindi na ako pinilit na pumasok sa klase.

Umalis din agad si Ynah pagkatapos.

Natigil ako sa ginagawa ng may kumatok sa pinto.

"Hi." Nakangiting Caroline Griffins ang bumati sa akin. "Are you okay already?"

Tumango ako. "I am."

Nagtaka ako dahil sa pagpunta niya dito. Ano ang kailangan niya?

"Sir Nathan wants to see you." Sabi niya. "In our training room."

May sarili ba silang training room?

Sumunod nalang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung nasaan iyon.

Huminto siya sa tapat ng isang pinto. I guess it's here. Nauna siyang pumasok kaya sumunod ako.

Akala ko ay si Sir Nathan lang ang nasa loob niyon, pero mali ako.

Naroon ang lima, tila kapwa naghihintay sa pagdating ko. What am I doing here?

"Are you okay?"

Pang- ilang beses ko nang narinig iyan ngayong araw kaya tumango nalang ako. Nakakapagod din sumagot ng paulit ulit sa iisang tanong.

"I'm glad you're okay." Ngumiti siya.

Pinagmasdan ko ang bawat isa na narito.

Arianne is looking at me while raising her brows, malayong malayo sa babaeng nakangiti sa akin sa tabi niya.

Si Ian ay nakatingin lang din sa akin with a smirk on his face, hindi na talaga siguro mawawala iyon sa mukha niya and then there's Niall, nakatitig sa sahig, walang mababasang ekspresyon.

Dumapo ang paningin ko sa kanya, kay Dean Collins. Hindi pa rin nagbabago ang titig niya sa akin. Mabigat. Para kang hinihigop nito patungo sa kanya. Nakakahipnotismo.

So this is the advanced class, huh? Anong kailangan nila sa akin?

"Say hi to the class, you're one of them now." Sabi ni Sir.

I felt my eyes widen because of what he said.

Wait, what?

"This is based from the ability you showed yesterday. Hindi basta- basta ang kakayahan mo, Mia." Dagdag niya.

No, no, no. I don't belong here!

"Welcome to the class, Mia." Carol said then welcomed me with a hug.

No, this is not happening.

***
.

UnknownWhere stories live. Discover now