Chapter 3: Illusions

8 2 0
                                    

Chapter 3: Illusions

"May uniform ka na ba? Bakit di mo alam ability mo? Ilang taon ka na ba?" She fired me those questions as if nothing just happened.

Today is my first day in this school. Hindi pa nagsisimula ang klase ay sobra na akong nagugulat, ano pa kaya sa mga susunod na araw!

"Hoy!" Sigaw niya sakin para ma agaw ang atensyon ko.

"Huh? Ano yun?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ilang taon ka na? Bakit di mo alam ability mo? Meron ka ba nun?" Tanong niya ulit sakin.

"I'm seventeen." Iyon lang ang nasagot ko sa kanya dahil yun lang ang alam kong sigurado ako.

Her last question strikes really hard. Meron ba akong ability? Yes, it sounds really offending. Pero wala akong magagawa.

Gusto ko mang sabihin sa kanya ang nakita ko kanina kaso nagdadalawang isip ako. Is that even an ability?

"May uniform ka na ba?" Isa pang tanong niya.

Umiling ako. "Wala pa."

"Huh? Bukas na ang klase, ah. Bakit wala ka pa?"

Bukas? Ang akala ko ay next week pa.

Nakita niya siguro ang confusion sa mukha ko.

"You know, advance ang klase dito kaya ganun. We're not like those normals, we're specials. We have the ability that normals don't." Pag iexplain niya sakin.

"In normals, pagbasa at pagsusulat ang itinuturo, but here is different. You need to learn how to make use of your ability. You must learn how to fight." Dagdag niya pa.

Kinabahan ako sa huling sinabi niya. Alam kong kakaiba ang paaralan na ito, pero hindi ko inaasahan na kailangan naming makipaglaban. To whom? Who is the enemy? And why?

Madaming katanungan ang nabuo sa isip ko.

We were disturbed by a knock on our door.

"Ako na." Sabi ni Ynah at binuksan ang pinto.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niya. We must learn how to fight, that's a given. But why must we?

"Oh, it's your uniform." Sabay pakita niya sa akin ng hawak niya.

Three sets ang hawak niya. Magtatanong na sana ako kung bakit tatlo iyon nang inunahan niya ako.

"This is our uniform, daily." Turo niya sa isang set. It is composed of white long sleeves with a maroon tie, maroon skirt, and a coat. Meron pang kasamang black shoes and a pair of black long socks na palagay ko ay abot hanggang tuhod. "Your ID is also here, our lace is dark red, meaning seniors."

"Seniors? You mean senior high, right?" Tanong ko sa kanya.

She stared at me like I just said some jokes. "Seniors, as in fourth years."

"I am senior high already!" Giit ko.

"Yeah right. Well, nevermind." Sagot niya nalang at ipinaglatuloy ang kanyang ginagawa.

Ang buong akala ko ay G11 na ako, yun pala ay balik G10! Funny, right? Tss.

"This is used during training hours, you know, enhancing our abilities. More on physical activities, be warned." Sabay pakita niya sakin ng maroon sweatpants at white shirt na may kasama pang black hoodie jacket with matching white rubber shoes.

"And then last, this." Kinuha niya ang last set na nandoon. It was just a black cloak. Nothing more.

"What for?" Tanong ko sa kanya.

UnknownWhere stories live. Discover now