Chapter 7: The Untold History

6 0 0
                                    

Chapter 7: The Untold History

Lumipas ang mga araw at mabilis na dumating ang araw ng sabado. Sa mga nakaraang mga araw ay walang may nabago sa abilidad ko. Sa palagay ko ay masyado iyong nalimitihan.

Oo at nararamdam ko kapag may papalapit na bagay, o na tao sa isang lugar, pero ang hindi ko maintindihan ay wala akong nakikitang hinaharap kapag nahahawakan ko ang isang tao!

Nakahiga ako ngayon sa aking kama. My first week here isn't that bad at all, dahil hindi na din nasundan ang encounter namin ng nangunguna sa paaralang ito.

Next week pa raw ang simula talaga ng actual na klase. Nagtaka kasi ako dahil halos parehas lang sa mga normal ang itinuturo dito ngayong linggo. Algebra, grammars and such! Nothing special. I wonder kung ano ang definition nila ng actual classes.

Naisip ko bigla ang history ng paaralang ito, ang pinagmulan ng mga katulad namin at kung bakit nananatiling walang pangalan ang ganito ka eleganteng paaralan.

Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Hindi naman obligado ang pagpunta ng dining hall ngayon kasi sabado, kaya pumunta nalang ako sa mini- kitchen ng kwartong ito.

Maagang umalis kanina si Ynah dahil may gagawin daw sila. Nagtaka pa nga ako sa ayos niya dahil suot suot niya ang cloak namin. Nakalimutan ko na din naman kung para saan yung cloak kaya di na ako nagtanong.

Nang matapos na ako sa pagkain ko ay napagpasyahan kong mag ikot- ikot sa akademyang ito. Naisip ko kasing masyadong malawak ito para magkulong lang ako sa kwartong ito.

Binati ako ng tahimik na paligid paglabas ko ng dormitoryo. Ang inaasahan ko kanina paglabas ko ay sasalubungin ako ng maingay na mga estudyante dahil walang klase ngayon, pero malayong malayo ito sa inaasahan ko.

Bilang lang na mga estudyante ang narito sa labas. Kadalasan pa ay mga freshmen. May nakikita din akong seniors pero sobrang kaunti nila. Bakit parang may mali?

Dinala ako ng mga paa ko sa dulo ng mga hallways at natagpuan ang library. Pumasok ako doon at mas dumoble ang katahimikan sa paligid ko.

The silence in this place gives me chills. Pinakiramdaman ko muna ang paligid bago nag ikot ikot. Nothing seems strange, no signs of danger so far kaya pinagpatuloy ko ang pagpasok.

Hindi naman pala masama ang pagiging iba minsan dahil nagagamit din pala iyon sa mga sitwasyong ganito.

Para akong bumalik sa Medieval Times dahil sa loob ng library na ito. Lahat makaluma, mula sa mataas na kisame at nagtataasang estante ng mga libro, pero damang dama mo ang pagiging elegante nito.

Dahil nandito na din ako ay naghanap ako ng libro na maaaring may sagot sa mga tanong ko.

Nakailang ikot na ako ay hindi ko pa rin mahagilap ang librong hinahanap ko. Inakyat ko na din ang nasa taas, nagbabakasakaling naroon iyon, pero wala.

'The last row in your left.'

Napahawak ako sa ulo ko ng may narinig sa boses. Boses babae. Parang may nagsalita sa utak ko. Wait, is that what you call telepathy?

Naglingon lingon ako sa paligid ko. Nahanap ng paningin ko ang isang nasa fifties na babae. May suot na siya na salamin at nakaharap siya sa isang makapal na libro. Siya ba ang nagsalita sa utak ko?

Napatalon ako ng tumingin siya sa direksiyon ko. Napaka strikta ng mukha niya, siguro ay siya ang in charge sa library na ito.

Tinuro niya sa akin kung nasaan ang last row ng mga libro kaya pinuntahan ko nalang iyon.

"The Untold History." Basa ko sa nakasulat sa isang libro. Kinuha ko iyon dahil iyon ang unang nakakuha ng atensiyon ko.

"A long time ago, a unique being was born named Divinos. He has the body of a man, but has the ability that no normal humans posses. Years passed and he became curious about his ability, and so he traveled every place to find someone that shares the same uniqueness as his at the age of twelve. During his travel, he met a woman, also bearing some ability that no one can explain. They traveled together. Years later, their number grew and they decided to build some hidden institution with the help of their abilities, where no humans can find.  They decided to name the institution as 'Abilidad de Especial', calling their selves as special beings."  Basa ko sa nakasulat sa unang pahina ng libro.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa sunod na pahina. "Divinos then became the Headmaster of that institution. Their number grew and grew for decades, thus they were divided into groups according to the ability they posses. One day, a boy who has the ability to steal someone's ability came to their place and lived there. He was called Renois. Renois is a cursed being, and nobody knows that. Divinos was clueless about him, too, and so he let him live there and treated him like his son. Renois then became jealous because of Divinos. He wanted the institution, so he gathered some specials to form a rebellion against him. He brainwashed them saying that Divinos is only using them. The day came when Renois has already hundreds of specials, so he betrayed Divinos. Renois then was also clueless about the ability of Divinos, thinking that Divinos is a very easy one. Divinos has the most powerful ability among them, which is the ability to control everything. Renois wanted to get rid of Divinos, to kill him, so he ordered his men to attack the institution at midnight, when nobody is watching."

Napabuga ako ng hangin sa nabasa. Hindi ko inaasahang ganito ang pinagmulan namin.

"Renois' attack was a failed attempt, and that made him become greedier. He wanted the respect that Divinos is receiving. Divinos has heard about the rebellion. He never wanted war, so he asked Renois to leave their place, immediately. But Renois continued his rebellion against Divinos."

Siguro dahil sa kalumaan, punit- punit na ang susunod na mga pahina kaya hindi na iyon masyadong mabasa.

Naghanap pa ako ng ibang mga libro katulad nito para basahin ang kasunod pero wala na akong makita! Ano ang nangyari kay Divinos? Kay Renois? Namatay ba siya? Mas lalong gumulo ang utak ko dahil doon.

***

UnknownWhere stories live. Discover now